Shary's POV
Nasa bahay na pala ako ngayon, nanonood ng TV. Buti na lang talaga at wala pa si Daddy. Baka male-late lang yun sa pag-uwi.
"Iha, kakain na." tawag sakin ni Manang. Si Manang Feh ang tumatayo kong pangalawang Mommy dahil yung totoo kong Mommy nasa ibang bansa. Si Manang, katulong na sya dito sa loob ng maraming taon. Di ko alam kung ilang taon na siyang nandito samin. Ang tunay ko namang Mommy, sya ang nag-aasikaso sa kompanya namin dun sa ibang bansa. May ate pala ako, si Ate Sydney at si Ate Alondra. Si Ate Sydney nandito sa Pinas, isa syang nars at si Ate Alondra kasama si Mommy.
"Sige po, manang." Pumunta na ako sa dining room.
Wow! Adobo yung ulam. Yum, yum, yum! Me is ginugutom na.
"Wow, adobong chicken!" sambit ko
"Kumain ka na, iha."
Lagi kaming magkasabay kumain ni Manang. Ayoko kasi kumain ng nag-iisa eh.
"Manang, si Dad po pala? Bat di pa sya umuuwi? Akala ko ba maaga sya ngayon." nagpout ako.
"Di nya ba sinabi sayo?"
"Na ano po?"
"Na pupunta sya dun sa Mommy mo. Doon na muna daw sya, namimiss nya na daw si Mommu mo eh."
"Ah." Si Dad tlaga di nagsasabi sakin. Nakakapagtampo. Lagi na lang syang ganyan sakin. Pag nandito sa bahay, parang di kami magkakilala.
"Yaan mo muna si Dad mo iha, siguro may tampo pang nararamdaman yun dahil sa mga nangyari noon. Kaw kasi, napakapasaway mo." ngumiti na lang sya sakin at kumain na rin kami.
"Hehe. Pero nagbago naman po ako diba? Di na ko sumusuway kay Dad. Di na ako tulad ng dati." About sa lovelife ko, alam ni Manang lahat yun. Lagi kasi akong nag-oopen sakanya ng mga problema, masasaya at kalokohang ginagawa ko sa school. Kavibes ko nga kasi si Manang.
[ FLASHBACK - 2 years ago ]
Hinatid ako ni Niel sa bahay.
"Thanks sa paghatid, mahal ah." sabi ko at ngumiti. Nagdate kasi kami dahil pang-10th monthsary namin ngayon.
"Ano ka ba! Gawain kong ihatid yung gf ko sa bahay nila. Tsaka di thankyou gusto kong marinig sayo." nag-pout sya
"Hahaha! Ikaw tlaga. Sige na, I LOVE YOU NIEL." sabi ko. Lumapit sya sakin, palapit ng palapit sa mukha ko. Gooosh! I can smelled his breath. Ang bango. Then, he kissed me. We share a passionate french kiss. Marunong pala ko magganon? Hahaha.
"SHARY!" naghiwalay ang mga labi naminni Niel. Nagulat ako sa nakita ko. Si Dad at si Manang. Patay! Nakita kami ni Niel na naghahalikan. What should I do? Galit na galit ang mukha ni Dad. Si manang, nagulat sa nakita nya. Nakakahiya talaga tong pinanggagawa ko.
"WALANG HIYA KA!" Sinuntok ni Dad si Niel. Napaupo siya dahil sa lakas ng pagsuntok nito. Pinagsusuntok niya si Niel.
"Dad! Tama na! Huhu. Dad! Huhu." Iyak na ko ng iyak. Di lumalaban si Niel, puro dugo at sugat na ang maganda nyang mukha. Naaawa na ako sa kanya.
Lalapitan ko na sana si Niel.
"SIGE! SUBUKAN MONG LUMAPIT SA LALAKING YAN! MATATAMAAN KA SAKIN!" Umiiyak pa rin ako. Galit na galit na talaga si Dad. Nagluluha na rin ang mga mata ni Niel. Malamang, naaawa na sya sakin.
"HIWALAYAN MO YANG LALAKING YAN. PAG NAKITA KO PA KAYONG MAGKASAMA, IPAPAKULONG KO YANG HAYOP NA YAN!" tinuro nya si Niel.
"IKAW LALAKI! LAYUAN MO NA ANG ANAK KO! WAG NA WAG KA NG LALAPIT SA KANYA! NAIINTINDIHAN MO BA HA!!?"
BINABASA MO ANG
Im Still Inlove With My Ex-Boyfriend
Teen FictionAng matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary kay Niel, ang taong pinakakamahal niya na ayaw ng Dad niya para sa kanya noon pa man? May nararamda...