Nasa labas kami ng simbahan ni Sandra. Katatapos lang kasi ng simba eh.
"Alam mo Sha, ang cute ng pinabigay ni Carlo na bear ah. Pero, i still hate him." nakacrossed arm pa tlaga siya. Ang laki tlaga ng galit nito kay Best ewan ko nga kung bakit eh.
"Bat ka ba kasi galit dun? Kung alam ko lang may gusto ka siguro kay best noh? Ayieeee."
"Duh!! Capital A to the S to the A. ASA!! Never noh! At di ko siya type. EWW! Ang totoy totoy niya kaya Sha. May taste naman ako sa isang guy noh!."
"Oo na. Ang O.A mo na eh. Pero alam mo, kung makita mo lang tlaga siya, tulo laway ka na nga, laglag panty ka pa." natatawa ako habang sinasabi ko un.
"AHAHHAHAHHA! Baliw. Ganyan na ba tlga siya kagwapo?? TSS. Baka walang wala lang siya kay Migz." nagiging hart ung mga mata niya oh.
"Ganyan ka ba tlga ka inlababo kay Migz?"
"Oo, ke gwapo gwapo eh. At di ko bet si Carlo!! Ang totoy niya!! Ewws."
"Sige ka. Baka kainin mo lang mga sinasabi mo ah." nakakainis. Ginaganyan niya ang best ko. Baka nakakalimutan niya BFF ko un :3
"Mall tayo Sha."
"Ayoko. Uuwi na ko. Kaw na lang mag-isa."
"Ano ba yan. Gusto ko may kasama e."
"Ayaw ko kasi!!" mejo napalakas ang pagkasabi ko nun.
"Sorry." nagsorry naman agad ako.
"Galit ka ata Sha. Sorry pinsan. Eh, di ko tlga type si Carlo eh."
"Kung di mo siya type, kailangan ba na magsabi ka ng EWW, or YUCK??"
"Sorry." sabi niya
"Kahit pinsan kita, ayoko na ginaganun mo ang bestfriend ko!!" urghh! nag-iinit ako sa galit.
Niyakap niya ako, kahit maraming tao. At paulit-ulit niyang sinabi ang SORRY.
Nang kumalma na ko, umuwi na kami.
"Oh, iha. May galit ka ata sa apple ah. Ayusin mo naman ang pagkagat. Haha. May problema ba?" may daladalang labahan si Manang. Labada day niya pala ngayon.
"Wala po manang. He-he." plastic kong tawa.
"Kinuha ko na pala ung mga labahan mo sa kwarto mo iha."
"Salamat po manang."
Yakap-yakap ko ngayon ang pink bear na binigay sakin ni Carlo kahapon. Nalulungkot pa rin ako sa pag-alis niya. Ang tagal pa kaya ng Sabado =..= Ilang araw pa ang kailangan kong hintayin.
Zzzzzzzzzzzzzz -_________________-
~ ~ SANDRA'S POV ~ ~
Nandito ako sa kwarto ko. Nakahiga at nakatutok lang ako sa kisame. Grabe ung kanina ah. Galit tlga si Shary. Sa totoo lang ayaw ko tlga kay Carlo. Pero... nung bata palang kami. At ewan ko lang ngayon. Kaya ko siya hate dati kasi ganito yun.
FLASHBACK --
Nasa playground ako ngayon, sa school. Nagduduyan mag-isa. May lagi akong hawak-hawak, un ang lollipop. At marami pa akong lollipop sa bulsa ko. Magschoolmate pala kami. Okay, so ito na nga....
"HOY, PANDAKEKOY." ayan na naman si Payat. Mang-aaway na naman yan sakin at kukunin ang paborito kong lollipop.
"Bakit payat?!!" mataray ko na tanung sakanya, kain-kain ung lollipop.
"PENGE AKO LOLLIPOP MO!!" ang angas tlga nito kahit kailan. Manghihingi na nga lang pasigaw pa.
"Chee. Ayoko nga. Kulang pa nga to sakin eh."
BINABASA MO ANG
Im Still Inlove With My Ex-Boyfriend
Teen FictionAng matagal nang mag-ex na sina Shary at Niel ay muling magkikita sa isang iglap. Sa kanilang pagkikita, makakapagmove-on pa kaya ng tuluyan si Shary kay Niel, ang taong pinakakamahal niya na ayaw ng Dad niya para sa kanya noon pa man? May nararamda...