Chapter: 3

470 19 0
                                    

"Hey don't shout at me!"

Don't shout daw e siya rin naman sumisigaw.

"Ano nga pala yung pinag uusapan ninyo? Bakit parang naririnig ko ang pangalan ko?"

"Ah---eh w---wala iyon. Plano lang naming mag swimming!" Sagot nila Candy, Vlad, Jake, Carl at Troy.

"Plano naming mag camping!" Sagot naman namin nila Michael at Jessica.

"Mag swi-swimming tapos mag ca-camping? Ano ba talaga ang totoo?"

"Ah, eh balak kasi naming mag swimming at mag camping. Right guys?" Mabilis namang sagot ni Michael.

Grabe basta sa kalokohan ang bilis gumawa ng palusot ng batang ito.

"Totoo ba iyon Kelie?"

Sinasabi ko na nga bang ito ang dis-advantage kapag may kaibigan kang sobrang bait . Baka kasi mamaya madulas na lang si Kelie hindi pa naman sanay mag sinungaling ang babaeng iyan.

"Totoo iyon Chrismange. Hindi ba Kelie? *wink*" Sambot naman ni Jake sa tanong ni Chrismange bago umakbay sa balikat ni Kelie.

Ehem! Dumada-moves itong si Jake ah.

"Tama ang sinabi ni Jake." Dagdag naman ni Troy bago dahan-dahang inalis ang braso ni Jake sa balikat ni Kelie. Pero na pansin ko rin na parang biglang lumungkot ang mukha ni Jessica.

Ummm... I think I can smell something in the air.

"Teka bakit parang bad mood ka ata ngayon?" Tanong ko naman kay Chrismange.

"Ummm... Guys, kailangan ko ba talagang gawin yung dare? I mean pwede bang ibahin nyo na lang? Kahit ano pa iyong ipalit ninyo promise gagawin ko."

Aba at kailan pa nagkanyan si Chrismange. Sa dinamirami na ng dare na napagdaan niya ngayon pa ba niya gustong sumuko.

"No ate it's final!" Sagot naman ni Michael.

(A/n: Ang dare na tinutukoy dito ay ang yearly dare ng mga official member ng Perfectionist. Ginaganap iyon taon-taon bago mag umpisa ang pasukan. Ibig sabihin tanging mga old members lang ang sakop ng dare. Hindi kasama ang freshmen at ang seniors, yung mga bagong member kasi na magmumula sa first year ay sa susunod na taon pa makakasama sa dare samantalang wala ng maabutang dare ang mga magiging bagong member mula sa 4th year dahil gra-graduate na sila sa susunod na taon.)

"Pero ayoko na nga."

"Don't tell me sumusuko ka na? Hindi ka pa naman siguro na sisisraan ng ulo para tanggapin ang mga consequences na manggaling mula sa amin." Pang-aasar ko pa kay Chrismange.

Alam kong medyo na lilito kayo sa takbo ng usapin naming pero sige para maka-relate kayo sasabihin ko sa inyo yung dare na napunta kay Chrismange. Kinakailangan lang naman niyang ma-in love sa unang lalakeng magiging bagong member ng Perfectionist. Paano niya gagawin yun? Ewan ko rin bahala na siyang gumawa ng paaraan.

"Madali lang para sa inyong sabihin iyan kasi wala naman kayo sa kalagayan ko. Bakit ikaw Kevin nakita mo na ba ang ranking?"

"Hindi pa nga e."

"I think you better look at the bulletin board now. I swear magugulat ka sa makikita mo."

Ano kayang meron doon? Tinignan ko naman silang siyam dahil baka sakaling mamakuha ako ng sagot kaso sabay-sabay lang silang tumingin doon sa direksyon ng bulletin board. Sa tingin ko kailangan ko na talagang makita ang bulletin board ngayon

Ranking of The Perfectionist 

1. Chrismange Montecillia 

95.6% (4th year)

2. Christian Montilliana 

95.5% (4th year)

3. Kevin Ramos 

94.4% (4th year)

4. Kathleen Casapao 

94.1% (4th year)

5. Troy Lee 

93.7% (4th year)

6. Carlo Chua 

93.5% (3rd year)

7. Jessica Soo 

93.3% (4th year)

8. Candy Yamamoto 

92.8% (1st year)

9. Michael Montecellia 

92.5% (1st year)

10. Jake Atienza 

91.3% (4th year)

11. Kelie Chua 

90.5% (2nd year)

12. Vlademir Lo 

90% (3rd year)

WHAT!?! Rank 3 lang ako? Kaya naman pala ganoon na lang kung mag wala si Chrismange. Sabagay it's part of our plan naman. First time ko lang maging top 3 pero I think kahit na bumaba ako hindi naman ako talo dahil nakasama naman si Miss poor girl sa ranking. Ang dare lang naman kasing nabunot ko for this year ay ang gawan ng kalokohan ang babaeng magiging bagong member ng Perfectionist and I think hindi na ako mahihirapan doon. Ummm... Speaking of my dare masimulan na ngang pestehin ang buhay ni Miss poor girl.

(A/N: Alam ko namang halatang-halatang nag plu-plug na ako. Meron po kasi akong bagong na isip na story ang title po niya ay "heart contract," wait nyo na lang po kung kailan ko siya i-pa-publish.)

The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon