Chapter: 5

371 18 0
                                    

Kathleen's POV 

"Long time no see Kevin." Pormal na bati ko sa kanya.

Thanks God I didn't broke my voice.

"Kailan ka pa nakabalik?"

"Last week lang."

Kagagaling ko lang kasi ng Italy at ngayon lang ako nakabalik sa Pilipinas after my two years contract as exchange student.

"Are you staying here for good?"

"So far, yes."

Paano niya kaya nagagawang makipag usap sa akin na para bang wala kaming nakaraan at hindi niya ako sinaktan noon. It was two years ago pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pakiramdam ko ay biglang bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Parang unti-unti akong bumalik sa nakaraan.

*flashback* 

A day after nung naging confession ni Kevin sa akin ay naging headline na naman kami ng dyaryo. Hindi ko kasi akalaing totohanin pala ni Sofie yung balak nyang gawan kami ng balita. But that was already 4 months ago.

Nandito nga pala ako ngayon sa tapat ng Principal office kasi pinatawag daw ako ni Miss Arelliano.

*knock*

*knock*

"Oh, Miss Casapao have a seat."

"Pinatawag nyo daw po ako."

"Yes. I have to tell you something.

"Ano po iyon Miss Principal?"

"Na aalala mo pa ba yung scholarship na inoffer namin sa'yo para sa college mo?"

"Yes Miss. Sabi nyo sa'kin basta mai-maintain ko lang ang grades ko ay bibigyan nyo ako ng full scholarship para sa college ko."

"I hate to say this pero binabawi ko na ang pangakong iyon."

"B---bakit naman po?"

"Isa kasi sa mga board of directors ng school ang nag reklamo at nag suggest na bawiin ang scholarship mo. I'm sorry Miss Casapao but your scholarship will last only until this month. Pero 'wag kang masydong mag-alala kasi nakausap na namin yung dating school na pinapasukan mo at sinabi naman nilang welcome ka pa rin doon. They will still gave you the scholarship that you use to have when you are still there."

Parang ang unfair naman ata noon. Mag bibigay sila ng scholarship tapos babawiin na lang nila ng basata basta. Saka bakit naman ngayon pa kung kailan nag sisimula ng lumalim ang relasyon namin ni Mr. Yabang.

*mwuah*

Nagulat naman ako doon sa lalakeng humalik ng pisnge ko.

"Hey, bakit ba ang tagal-tagal mo? Kanina pa kaya akong nag hihintay sa'yo tapos pumunta ka dito sa garden ng hindi man lang nag sasabi sa akin. Mabuti na lang at nakita ka ni Michael, kung nagkataon baka kanina pang namuti ang mata ko sa kahihintay sa'yo."

"Sorry nakalimutan ko kasi."

"At sa dami-dami mong pwedeng makakalimutan yung gwapong boyfriend mo pa talaga. Kahit kailan Miss Poor Girl ka talaga."

Sigurado akong itong lalakeng ito ang unang-una mami-miss kapag umalis na ako sa isang buwan.

"Hey, may problema ka ba?"

Sasabihin ko ba sa kanya o hindi?

"Aalis na ako."

Sa tingin ko mas mabuti na yung alam niya. At least hindi na s'ya ma-sho-shock kapag bigla na lang akong umalis next month. Saka mas mabuti na yung nagiging honest diba? Sabi nga nila trust and honesty ang isa sa pinaka-main secret ng matatag na relasyon.

"Ha? Saan ka naman pupunta? May lakad ka ba ngayon? Gusto mo ihatid kita? Teka tatawagan ko lang sandali yung driver ko."

Kahit na gusto kong mag seryoso hindi ko pa rin maiwasang hindi matawa sa reaction niya. Imagine gusto pa talaga niya akong ihatid. Ipukpok ko kaya ang ulo niya sa parder.

"Hello? Kuya punta ka naman di---" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil hinatak ko na agad ang cellphone niya.

"Why?"

Aba't nag tanong pa talaga siya kung bakit.

"Anong why mo diyan? Bakit mo ba tinawagan ang driver mo?"

"Sabi mo sa akin aalis ka kaya tinawagan ko yung driver para maihatid kita."

Wow ang sweet talaga ng Mr. Yabang ko. Kaya naman love na love ko siya kahit na minsan may pagkasira ang ulo.

"Don't worry hindi pa naman ngayon ang alis ko sa next mont pa."

"Next month? Anong meron next month? Mag a-out of town ba kayo ni Tito? Isama mo naman ako. *puppy eyes*"

Kung pwede nga lang e bakit ba hindi.

"Sorry pero hindi allowed ang mga mayayabang doon tulad mo."

"Ouch! Ang sakit naman marinig na ipinag tatabuyan ako ng Miss poor girl ko. *pout*"

"Nag tampo naman agad ang Mr. Yabang ko." Pang aasar ko pa sa kanya habang kinukurot ko ang tagiliran niya.

"Sabihin mo saan ka ba talaga pupunta? Bakit hindi ako pwede sumama? 'Wag kang mag alala promise hindi ako mag papasaway doon kung gusto mo itali mo pa ako sa bewang mo para lagi mo akong mabantayan."

"Mabantayan o makasama?"

"Ummm... Pwede bang both? Baka kasi beach yung puntahan nyo tapos maraming guys na pakalatkalat doon."

"Don't worry hindi ako titingin sa kahit na sinong guy. Hindi ba nag promise ako na sa'yo lang ako?"

"Aba dapat lang. Baka nalilimutan mong Campus Heartthrob ang boyfriend mo. Okay kidding aside, saan ka ba talaga pupunta next month?"

"Pinapaalis na ako sa school." Malungkot na sabi ko.

"Bakit naman? Wala ka namang ginagawang kalokohan ah."

"*umiiling* Hindi ko rin alam. Basta ang sabi lang sa akin ni Miss Arelliano ay hanggang this month na lang ang scholarship ko."

"Si Miss Arelliano? Gusto mong kausapin ko siya? Hindi naman ata makatarungan yun!" Galit na sabi niya bago nag madaling mag lakad papunta sa loob ng building.

Pero mabuti na alang at nahabol ko siya agad.

"Teka sandali Kevin!"

"Wag mo akong pigilan. Kailangan kong makausap si Miss Arelliano regarding siyan sa pag alis niya ng scholarship mo."

"Walang kinalaman si Miss Arelliano dito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang sabi niya ay isa daw sa board of directors ng school ang nag decide na alisan ako ng scholarship." Parang biglang siyang huminahon doon sa narinig.

"Board of director? Sinabi ba ni Miss Arelliano kung sino yun?"

"Hindi. Pero sa tingin ko mukhang malakas ang kapit niya. Sa tingin mo ano kaya ang nagawa kong masama doon sa taong iyon? Pati kasi yung pangakong scholarship para sa college ko ay binawi nila."

Hay! Sino kaya yun?

"Teka may sinasabi ka ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

Narinig ko kasing parang may mahina siyang sinasabi kaso hindi ko lang maintindihan.

"Wala!"

"Sigurado ka? Para kasing may narinig ako kanina. Siya nga pala 'wag mo na masyadong intindihin iyon. Sabi naman kasi ni Miss Arelliano na tatangapin pa rin daw ako nung dati kong pinapasukan. Siguro naman pwede mo akong dalawin kapag wala kang klase. Teka 'wag kang mag cu-cut ng klase mo ha. Ayokong gumawa ka ng kalokohan ng dahil lang sa akin."

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Sorry. I know it's all my fault." Mahinang bulong niya sa tenga ko.

"Anong kasalanan mo? Wala kang kasalanan okay?"

The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon