Chapter: 13

287 15 0
                                    

Nasaan na kaya si Miss poor girl?

"Basta if you need help 'wag mong kalilimutan na lagi lang akong nandito." Narinig kong sabi ni Carl bago niya niyakap si Miss poor girl.

Teka, girlfriend ko yung niyayakap niya ah.

"Pwede bang bitiwan mo ang girlfriend ko? *punch*"

"ALAM MO WALA KANG KWENTANG BOYFRIEND! *punch*"

Aba't anong karapatan niyang sabihan ako ng walang kwenta.

"WALA KANG ALAM KAYA WAG KA NA LANG MAKI-ELAM! *punch*"

"KUNG TALAGANG MAHAL MO SIYA DAPAT IPAG LABAN MO SIYA! *punch*"

"YUN NA NGA ANG GINAGAWA KO DIBA! *puch*"

"SHE DIDN'T DESERVE A GUY LIKE YOU! *punch* punch*"

"AT SINO SA TINGIN MO ANG DESRVING SA KANYA? IKAW? *punch* *punch* *punch*"

"I GUESS YES. ATLEAST AKO KAYA KO SIYANG IPAG LABAN! *punch*"

"SINASABI KO NA NGA BA'T MAY GUSTO KA RIN SA GIRLFRIEND KO! NGAYON ALAM KO NA KUNG BAKIT NAPAKAINIT NG DUGO KO SA'YO! *punch* *punch* *punch*"

"Pwede ba itigil nyo nang dalawa 'yan!" Narinig kong sigaw ni Kathleen kaso hindi ko na siya pinakinggan.

"GAGO KA!"

"SIRA ULO KA!"

"BOTH OF YOU ON THE GUIDANCE OFFICE NOW!"

Sabay-sabay naman kaming napatingin sag alit nag alit na si Ms. Arelliano.

Kakalabas lang naming ng guidance office. Muntik na nga kaming ma-expel mabuti na lang at parehong stock holder ang parents naming ditto sa school.

"D---do you really love her?" medyo nauutal na tanong ko sa kanya.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nautal at natakot ng ganito. I don't want to give her to anyone but if it is for her sake I will do everything.

"Bakit pag sinabi ko bang oo ibibigay mo ba siya sa akin?"

I give him a weak smile. Siguro nga tama siya. Mas deserving siya kay Kathleen kaysa sa akin kasi ako hindi ko siya nagawang ipaglaban sa mommy ko.

"I will leave her to you just promise me that you are going to take care her and you won't let anyone to know this."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Makikipag break na ako sa kanya."

"*punch* Gago ka pala talaga! Akala ko ba mahal mo siya tapos ngayon ipamimigay mo siya? *punch* *punch*"

Hindi ko na nagawang lumaban pa sa kanya kasi alam ko namang deserving ako sa lahat ng suntok at pang iinsultong sinabi niya.

"*tear eyes* Please mangako ka." I said over my breath kahit na namamaga na ang buong mukha ko.

"Ito ang ipapangako sa'yo, kapag iniwan mo siya kahit na kailan hinding-hindi mo na siya mababalikan pa!" Pagkatapos noon ay nag lakad na siya palayo.

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom namin. Inayos ko muna sandali ang sarili ko para sa pinakamabigat na desisyong gagawin ko.

"Oh my gosh! Hindi ko akalin na grabe pala kung manuntok si Carl."

"*fake smile*"

"Grabe nakakaawa naman ang campus hearttrob namin. Malapit na ngang ma-broken heart na bugbog pa. Tsk... Tsk... Tsk.. I'm feel so pity for you." Pang-aasar pa niya.

Isa pang pang-aasar at makakapatay na talaga ako ng wala sa oras.

"PWEDE BANG TUMAHIMIK KA NA LANG KUNG WALA KARING MAGAGAWANG MATINO!!!..."

"*shock*"

O e di nanahimik siya bigla.

"Kung ako sa'yo umalis ka na lang sa harapan ko."

"At paano kung ayaw ko?"

Kahit talaga kailan napakakulit ng babaeng ito.

"Ayaw mo pa naman sigurong malaman ng lahat ng estudyante dito sa P.A. ang tinatagong lihim ng paki-elamerang editor in chief ng newspaper namin."

"Aish! Fine! Lalabas na ako." Galit at nag-dadabog pa niyang sabi bago lumabas.

Hahahahaha.... Finally I won against that naughty news maker. Mabuti na lang pala at napadaan ako nung isang araw sa staffer's office at nakita kong parang may kausap si Miss news maker. Honestly hindi ko narinig ng ayos kung anong pinag uuspan nila kasi nga napadaan lang ako basta ang alam ko lang ay sikreto daw iyon ni Miss news maker na hindi pwedeng ipaalam kahit kanino. Paalis na ako noon sa may pinto ng biglang lumabas si Sofie, tinanong niya kung may narinig ako at siyempre ito namang si ako sinabi kong may alam ako sa lihim niya kahit na hindi naman totoo. Now meron na akong panakot sa paki-elamerang news maker namin. Pero naku-curious lang ako. Ano kaya yung sikreto ni Sofie?

"Mabuti naman at nandito ka na." Sabi ko sa kanya ng makapasok siya sa loob.

"Bakit kanina mo pa ba ako hinihintay?" Nakangiting sabi miya. Hahalik sana siya kaso agad ko namang iniwas ang pisnge ko.

"May gusto lang akong sabihin sa'yo." Pormal na sabi ko sa kanya.

"Tamang-tama may good news din ako sa'yo. Alam mo bang naibalik na sa akin yung scho---"

"Let's end up our relationship."

Ilang minute muna siyang hindi nakaimik sa sinabi ko.

"A---ano ulit yung sinabi mo?"

"Mag hiwalay na tayo. Ayoko na. Sawa na ako sa'yo."

Sorry, para din naman sa'yo 'to.

"Hindi naman talaga kita gusto at kahit na kailan hindi kita minahal. Naipit lang ako sa isang dare kaya napilitan akong makipag lapit sa'yo."

Ito na ang pinakamalaking kasinungalingang ginawa ko sa buong buhay ko.

"A---anong dare ang ibig mong sabihin?" Medyo na luluhang tanong niya.

That tears slowly kills me. Gusto ko man siyang hatakin at yakapin ng sobrang higpit kaso hindi ko magawa.

"Sa tingin ko may kailangan kang malaman. Familiar ka naman siguro sa yearly dare ng perfectionist diba." Pinipilit ko paring maging malamig ang boses ko. Ayaw ko kasing mahalata niyang nasasaktan din ako sa ginagawa ko ngayon. "Ang dare na nakuha ko for this year ay ang pestehin ang buhay mo. And that's why I'm doing this now. Kaya kung ako sa'yo tigil-tigilan mo na ang pag iilusyon sa akin dahil kahit na kailan the campus heartthrob would never fall with a transferee poor student like you."

"*slap*" Tapos tumakbo na siya palayo.

I deserve that slap. Hindi ako ang lalakeng karapat dapat sa kanya.

Sakto namang paglabas ni Kathleen ay pumasok na naman sa loob si Miss news maker.

"O ano pang ginagawa mo? Bakit hindi mo pa simulang mag sulat ng balita?"

Kahit naman hindi ko utusan ang babaeng iyan siguradong gagawa at gagawa siya ng balita. I'm sure ako na naman ang headline ng newspaper namin bukas.

"*umiiling* No, not now."

"Himala, anong nakain mo?"

"What you did to her is according to my plan. So why should I write now if I could have a better and much interesting news in the near future. *evil smile*" After that she walkaway.

Ano na naman kayang pinaplano niya? 

*end of flashback*

The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon