"Miss!" Natatawa namang tawag ni Jake kay Candy.
"Yes?"
"*laugh* I just want to ask you if you had an extra sanitary?"
Teka pati ba naman ang nakakahiyang eksanang ito ginaya nila?
*flashback*
Pumasok ako sa loob ng canteen namin para mag recess. Noong una ay nag tataka ako kung bakit halos lahat sila ay nag titinginan sa akin. Pero dahil kampante ako nag lakad lang ako ng dire-diretso habang nakataas ang noo at nagawa ko pa talagang ngumiti sa kanilang lahat. Kaso may isang lalakeng lumapit sa akin.
"Miss!"
Kung hindi ako nagkakamali siya si John Paul Consigo.
"Yes?"
Ummm... Ano kaya ang kailangan niya sa akin. Saka bakit ba parang lahat sila ay nag pipigil lang ng tawa habang nakatingin sa akin.
"*laugh* I just want to ask you if you have an extra sanitary?" Tapos tumawa siya ng sobrang lakas kasabay ng iba pang estudyante dito sa loob ng canteen.
"What!?!"
Bigla naman akong napatingin sa likod ng palda ko. At mukhang ito na talaga ang pinakamalas at nakakahiyang araw ko. Meron lang naman kasing malaking red dot sa likod nito. Pero paano naman nangyari iyon e katatapos lang ng period ko last week?
"Yuck!"
"Ewww...."
Sunod-sunod na kutya nila sa akin. At dahil sa kahihiyan ay napaiyak na lang ako pero may isang taong nakakuha ng atensyon ko.
"Tsss... Poor girl!"
Agad ko namang inilibot ang mga mata ko sa buong canteen at hindi nga ako nagkamali ng hinala. I saw Kevin on the corner of the canteen while making again an evil smile.
Kahit kailan talaga walang magawang matino sa buhay ang lalaking ito. Isa kasi siya sa mga hearthrob ng campus namin kaya naman ganoon na lamang kalakas ang loob niyang gumawa ng kung ano-anong kalokohan. At dahil nga punong-puno na ako sa lahat ng ginawa niya ay galit na galit akong sumugod sa kanya. Tutal napahiya na lang rin naman ako kaya bakit hindi ko pa lubos-lubosin.
"Ikaw lalake ka! Talaga bang hindi ka na titigil sa pang pepeste sa buhay ko?"
Dahil nga galit na galit ako sa kanya ngayon ko ibinuhos ang lahat ng matagal ko ng kinikimkim na galit. Pinag papalo ko siya sa dib-dib at pinag sasabunot ko ang buhok niya. Nang matauhan naman ako ay doon ko pa lang na pansin na mukhang hindi ata siya gumaganti. Nakatayo lang kasi siya habang titig na titig sa akin at parang biglang tumahimik ang lahat ng tao dito sa loob ng canteen dahil ang tanging naririnig ko na lang ay ang mga hikbi ko. Siguro na gulat sila dahil na gawa kong saktan ang kanilang tinuturing na hearthrob. Pero wala na akong pakialam ngayon. I really hate this guy.
Nag tatakbo na lang ako palayo sa kanilang lahat habang umiiyak. Pero bigla namang may humawak sa braso ko.
"I---I'm so sorry." Mahinang bulong niya.
Sorry? Imagine si Mr. Yabang marunong palang humingi ng sorry. Pero ano pa kayang magagawa ng sorry niya? Napahiya na ako ng sobra-sobra!
I manage to gave him a fake smile. And then I slap his face.
"What was that for!?!" Galit na tanong niya.
"Para sa lahat ng kasamaang ginawa mo sa akin! SABIHIN MO NGA ANO BA ANG NAGAWA KO SA IYO AT NAPAKAINIT NG DUGO MO SA AKIN?" Sumisigaw na talaga ako ngayon. Nakakainis na kasi itong lalaking ito.
But to my surprise he hug me. "Shhh... Sorry na. Please 'wag ka ng umiyak."
"Mr. Ramos, Ms. Casapo on my office now!" Sigaw namang sabi ng Principal namin na si Ms. Mara Joy Arelliano.
*end of flashback*
"Sa simula pa lang puro kalokohan na ang pinaggagawa ng campus heartthrob sa transferee student natin kaya naman talagang hindi sila magkasundo pero ng dahil sa isang detention ay napilitan silang makisama sa isa't-isa." Pagkukwento pa ni Chrismange.
"O ano nakapag plano ka na ba?" Naiinis na tanong ni Michael kay Candy.
"Konti pa lang bakit ikaw may plano ka na ba?"
"At bakit naman ako gagawa aber?" Medyo galit pang sabi ni Michael.
"Baka nakakalimutan mo na parehas tayong naatasan na gumawa ng plano dahil pereho tayong may detention."
Teka parang alam ko na ang mga susunod na mangyayari dito.
*flashback*
"Gusto mo?" Alok ko sa kanya ng makapag luto na si Papa ng ilang piraso ng fishball, kikiam at kwek-kwek.
"No thanks, busog pa ako."
"Busog? Paano ka mabubusog e kanina pa tayong walang kinakain?"
"Hindi ako na gugutom."
"Kung ayaw mo e di 'wag. Ummm... Ang sarap-sarao talaga ng lutong kwek-kwek ng Papa ko." Pang-iingit ko pa sa kanya. Alam ko kasing kanina pa rin siyang na gugutom. Ang sabihin n'ya ayaw lang niya ng pagkain. Hindi lamang niya kasi masabi ng diretso dahil baka marinig siya ni Papa. Sabagay ano nga naman ang aasahan ko, mayaman siya kaya hindi siya sanay bumili ng mga pagkain sa bangketa.
Natawa naman ako ng bigalang tumunog ang tiyan niya.
"Nagyon mo sabihin sa aking hindi ka na gugutom." Pang-aasar ko pa sa kanya.
Tinitigan lang niya ako ng masama.
"O, tikman mo." Inabot ko naman sa kanya ang isang bowl na may lamang kwek-kwek.
Pero tinitigan lang niya ang bowl na hawak ko at parang nag dadalawang isip pa kung kukuhanin ba niya o hindi.
"Wag kang mag-alala malinis iyan."
"Bakit may sinabi ba akong hindi."
Tumunog na naman ang tiyan niya kaya hindi ko talaga maiwasang hindi humagalpak ng tawa.
"Alam mo ang dami mo pang satsat e. Wala ng malinis at maduming pagkain para sa mga taong gutom. Kaya kung ako sa'yo kakain na lang ako . Ikaw rin baka mamaya mahimatay ka na sa gutom."
"Alam mo ikaw ang puro satsat hindi ako. Akin na nga iyan." Tapos bigla na lamang niyang kinuha 'yung bowl na hawak ko at sunod-sunod na sumubo ng kwek-kwek.
"O, ito pa." Dinagdagan ko pa ng kwek-kwek ang bowl niya. Alam n'yo bang nakaka tatlong bowl na siya ng kwek-kwek. "Tikman mo rin itong fishball at kikiam masarap ito." Tapos nilagyan ko rin ng fishball at kikiam ang bowl niya.
"O ano masarap ba?" Tanong ko sa kanya. Tapos na kasi kaming kumain at I swear, na busog talaga ako doon ng sobra-sobra.
"Ayos lang."
"Ayos lang? Pagkatapos mong kumain ng anim na bowl sasabihin mong ayos lang?"
"Sabi mo nga kanina walang malinis at maduming pagkain sa taong gutom."
"Nang iinis ka na naman ba?"
"Hindi joke lang. Actually ngayon ko lang na lamang masarap pala ang mga street foods. Lalong-lalo na 'yung kwek-kwek. Ikaw naman napakapikon mo lagi kaya nga tuwang-tuwa akong pag tripan ka."
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kaba.
"Uy, nag blu-blush si Ms. Poor Girl."
"Ang yabang mo talaga!"
"Miss Poor girl!"
"Mr. Yabang!"
Starting this day I know that everything between me and him has change.
*end of flashback*
BINABASA MO ANG
The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. Yabang
Teen FictionTheir love story started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miserable. And most of all the guy who always make such crazy things on her. Pero ito rin ang lalaking na...