Kathleen's POV
"I love you Miss poor girl." Mahinang bulong niya sa tenga ko.
"Teka anong gingawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"*pout* Parang ayaw mo naman ata akong makita."
Naku, nagtampo na naman ang Mr. Yabang ko. Siya nga pala nagkaayos na ulit kaming dalawa pero hindi ko pa ulit siya boyfriend. Take note: Hindi pa.
Sabi niya liligawan niya ako kaya hinayaan ko muna siyang manligaw tutal hindi naman niya ako niligawan noon. Kung yung mommy naman niya ang tatanungin nyo, well tanggap na niya ako. Hindi ko nga akaling makikipagsigawan siya sa mommy niya maipagtanggol lang ako.
"Hindi ba may klase ka pa?"
"Hindi umattend yung profesor namin kaya pinuntahan na lang kita. Na miss kita e."
Oh, ang sweet naman ng Mr. Yabang ko.
"Parang hindi tayo magkasama buong araw sa bahay mo kahapon ah."
"Eh, kahit na. Saka alam mo namang hindi kita na solo kahapon kasi nandoon yung buong banda ni Hyungseung tapos idagdag mo pa na buong araw kang nakipag kwentuhan kina Kazumi at Charlotte."
Bago ko ko malimutan! Best friend lang naman po ng Mr. Yabang ko ang sikat na vocalist ng Korean Band group na Beast. Nung una nga hindi rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Akala ko kasi nag yayabang na naman siya kaya naman na gulat talaga ako ng ipakilala niya sa akin ng personal si Jang Hyungseung. Pangalawang beses na niyang mag bakasyon dito sa Pilipinas kasama ang banda niya. Yung una ay para makita niya ng personal ang idol niyang wattpad writer tapos ngayon naman ay para dalawin ang parents ni Kazumi, pagkatapos kasi ng nangyaring confession ni Kazumi sa airport ay sumama na siya kay Hyungseung papuntang Korea.
(A/n: Para sa mga hindi maka-relate please read the story of When The Korean Band Leader Fall In Love With A Filipina Wattpad Writer.)
"Miss poor girl alam mo ba kung anong meron ngayon?" Tanong niya habang nakayakap sa bewang ko.
"*umiiling* Hindi e. Bakit ano bang meron ngayon?"
"Tsss.. Poor girl ka talaga." Mahinang bulong niya.
"Teka may sinasabi ka ba?"
"Hi couples!" Bati sa amin ng isang pamilyar na boses.
"Miss news maker!"
Ang tagal na rin simula nung huli kaming magkita ni Sofie. Simula kasi nung mag hiwalay kami ni Kevin noon lagi na lang siyang busy kaya hindi ko siya mahagilap hanggang sa umalis ako ng bansa at pumunta sa Italy.
"Bibigyan ko lang kayo ng bagong issue ng newspaper natin." Tapos binigyan naman niya kami ng tig-isang dyaryo.
"Wedding bells between Mizx Michia Nadeshiko and Tristan J-Seth Frank!" Basa ko sa front page ng newspaper.
Si Michia at T-J ikakasal na? Paano na kaya si Aie? Siguradong nalulungkot siya ngayon.
"Sige mauna na ako sa inyong dalawa. Magkita na lang ulit tayong tatlo sa next issue ng newspaper natin. *evil smile*" And then she walkaway.
"Nandito lang pala kayong dalawa."
"O, Carl!"
"Nasaan si C.C.?" Tanong naman ni Kevin.
"Bakit miss mo na agad ako?" Natatawa namang sagot ni C.C.
Kung tatanungin n'yo ako kung anong status nilang dalawa sorry pero hindi ko rin po alam. Maypagka-sweet sila minsan sa isa't isa kaso pag tinatanong mo naman laging wala ang sagot. Sabagay medyo komplikado ngayon ang love status ni C.C. lalo pa't nandiyan lang sa tabi-tabi ang first love niyang si Arwyn.
Kevin's POV
"Carl may matagal na akong gustong itanong sa'yo." Seryosong sabi ko.
"Ano iyon?"
"Saan mo ba nalaman yung tungkol sa amin ni C.C.?"
Umamin na siya sa aming dalawa ni Kathleen na siya ang dahilan kung bakit nalaman ni mommy ang tungkol sa relasyon namin. Pero napatawad na namin siya ng Miss poor girl ko sa lahat ng ginawa niya kasi alam naman naming pinagsisihan niya na iyon kaso ang tagal-tagal ko nang iniisip kung saan kaya niya maaring nalaman ang tungkol kay C.C. pero kahit na anong isip ang gawain ko hindi ko parin makuha ang sagot. Bukod kasi sa pamilya namin ni C.C. ay wala ng ibang nakakaalam nung tungkol sa lihim na pagkakasundo ng mga parents namin. Imposible namang kay C.C. niya malaman iyon, e diba nga sa Korea dati nag-aaral si C.C. Hindi rin naman pwedeng kina mommy kasi once in a blue moon lang kung umuwi ang mga iyon dito sa Pilipinas. At siyempre mas lalo namang imposibleng ako.
"Oo nga Carl isa rin 'yan sa gusto kong malaman. Paano mo ba talaga nalaman ang tungkol sa kasunduan ng parents namin ni Kevin?" This time si C.C. na ang nag tatanong.
"I heard it from your cousin. She is the one who told me everything." Sagot naman ni Carl habang nakatingin kay C.C.
"*confused* Cousin? As in si ate Charlotte?" Hindi makapaniwalang tanong ni C.C.
Si Charlotte? Parang imposible naman atang mangyari 'yun.
"No! Yung isa mo pang pinsan na si Miss Sofie."
"Miss Sofie? Yung cute na newpaper writer ng school natin?" Tanong naman ni Kathleen.
I think parang may hindi tama sa mga nangyayari.
"Yup! Siya nga, bakit?"
"Sofie? I'm sorry Carl pero wala akong kilalang Sofie." Nalilito paring sagot ni C.C.
"Sigurado ka? Hindi mo kilala si Sofie Terry Red?"
"Ne! Bukod kay ate Charlotte wala na akong iba pang pinsan." (Yes)
Tama ang sinabi ni C.C. bukod kay Charlotte ay wala na siyang iba pinsan. Her mother was an only child while her father had an older brother which is Charlotte's father.
"Pero ang sabi niya sa akin noon mag pinsan ka'yo. Tapos alam pa niya ang buong history ng buhay mo kaya nga naniwala ako sa kanya."
Parang bigla naman akong natauhan sa lahat ng nangyari nitong mga nakaraang taon
*flashback*
"Teka lang Sofie!"
"Bakit?"
"Sa tingin mo bakit pinatawag ni Ms. Arelliano si Kathleen."
"*evil smile* I think you better ask your ownself."
"*confused* Ha?"
"I just want to thank you in advance. You make things easier to me." She said before she walkaway.
*end of flashback*
Parang may ibig sabihin ang lahat ng sinabi niya.
*flashback*
"O ano pang ginagawa mo? Bakit hindi mo pa simulang mag sulat ng balita?"
Kahit naman hindi ko utusan ang babaeng iyan siguradong gagawa at gagawa siya ng balita. I'm sure ako na naman ang headline ng newspaper namin bukas.
"*umiiling* No, not now."
"Himala, anong nakain mo?"
"What you did to her is according to my plan. So why should I write now if I could have a better and much interesting news in the near future. *evil smile*" After that she walkaway.
*end of flashback*
Better and much interesting news in the near future?
*flashback*
"Sige mauna na ako sa inyong dalawa. Magkita na lang ulit tayong tatlo sa next issue ng newspaper natin. *evil smile*"
*end of flashback*
"I KNEW IT!" I loudly exclaimed.
BINABASA MO ANG
The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. Yabang
Teen FictionTheir love story started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miserable. And most of all the guy who always make such crazy things on her. Pero ito rin ang lalaking na...