Nandito ako ngayon sa Corridor kasama si Ms. Poor Girl ko. Hay, ang sarap talagang magka-girlfriend.
"Kathleen!"
Ano naman kayang kailangan ng news maker na ito sa girlfriend ko.
"Bakit Sofie?"
"Pinatatawag ka ni Ms. Mara J. Ang sabi niya pumunta ka daw sa office niya."
"Ganoon ba? Kevin hintayin mo ko dito pupuntahan ko lang sandali si Ms. Arelliano." Paalam ni Miss Poor Girl bago siya naglakad papunta sa principal office.
"Teka lang Sofie!"
"Bakit?"
"Sa tingin mo bakit pinatawag ni Ms. Arelliano si Kathleen."
"*evil smile* I think you better ask your ownself."
"*confused* Ha?"
"I just want to thank you in advance. You make things easier to me." She said before she walkaway.
Teka, bakit kaya ang tagal ni Miss Poor Girl?
"Michael!"
"O, bakit kuya Kevin?"
"Napansin mo ba si Kathleen kung nakalabas na siya galing sa Prinical Offfice."
"Ah, si ate Kath ba? Parang napansin namin siyang pumunta doon sa may garden. Parang may problema nga siya kasi nakatutula siya habang nag lalakad." Sagot naman ni Candy sa akin.
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Candy.
"Ganoon ba? Sige pupuntahan ko muna siya." Paalam ko kina Michael at Candy bago tumakbo papunta sa may garden.
Tama nga silang dalawa nandito nga si Miss Poor Girl at mukhang may malaki nga siyang problema. Ano kaya iyon?
*mwuah*
Sorry, I can't help but to kiss her. Nag-aalala na kasi talaga ako sa kanya.
"Hey, bakit ba ang tagal-tagal mo? Kanina pa kaya akong nag hihintay sa'yo tapos pumunta ka dito sa garden ng hindi man lang nag sasabi sa akin. Mabuti na lang at nakita ka ni Michael, kung nagkataon baka kanina pang namuti ang mata ko sa kahihintay sa'yo." Tanong ko sa kanya habang pinipilit kong pasiglahin ang boses ko.
"Sorry nakalimutan ko kasi."
Confirm, may problema nga siya.
"At sa dami-dami mong pwedeng makakalimutan yung gwapong boyfriend mo pa talaga. Kahit kailan Miss Poor Girl ka talaga." Ilang minute siyang hindi nag salita habang nakatitig sa mukha ko. "Hey, may problema ka ba?" Hindi makatiis na tanong ko.
"Aalis na ako."
"Ha? Saan ka naman pupunta? May lakad ka ba ngayon? Gusto mo ihatid kita? Teka tatawagan ko lang sandali yung driver ko."
Hindi kaya ito yung problema niya? May gusto siyang puntahan kaso wala naman siyang pamasahe. Kahit kailan poor girl talaga siya. Kinuha ko na alang ang cellphone ko at sinimulan ng tawagan ang driver ko.
"Hello? Kuya punta ka naman di---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi hinatak niya ang cellphone ko palayo.
"Why?" Medyo inis na tanong ko. Siya na nga itong ihahatid ko tapos ayaw-ayaw pa.
"Anong why mo diyan? Bakit mo ba tinawagan ang driver mo?"
"Sabi mo sa akin aalis ka kaya tinawagan ko yung driver para maihatid kita."
"Don't worry hindi pa naman ngayon ang alis ko sa next mont pa."
"Next month? Anong meron next month? Mag a-out of town ba kayo ni Tito? Isama mo naman ako. *puppy eyes*"
BINABASA MO ANG
The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. Yabang
Teen FictionTheir love story started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miserable. And most of all the guy who always make such crazy things on her. Pero ito rin ang lalaking na...