Kathleen's POV
"Carl what's the meaning of this? Bakit natin sila kasama?"
"Relax lang Leen hindi naman kita ilalagay sa kapahamakan."
Relax? Paano kaya ako mag re-relax kung ang kasama naming kakain ngayon ay walang iba kung hindi ang ex-boyfriend ko kasama ang present girlfriend niya.
"Hi Kath, finally we met each other." Bati naman sa akin nung Koreanang girlfriend ni Kevin.
"By the way Kath she is C.C. Kevin's girlfriend."
O sige lang Carl ipamukha mo pa sa akin. As if naman hindi ko alam na siya yung babaeng ipinalit ni Kevin sa akin after we broke up.
"Pwede bang ipaliwanag n'yo sa akin kung anong ibig sabihin ng lahat ng ito?" Galit namang tanong ni Kevin.
Aba't siya pa talaga ang may ganag magalit.
"We just want to clear things up." Sagot naman nung girlfriend ni Kevin bago tumingin kay Carl.
I think there is something between them that they didn't tell.
"Carl?"
Hindi ko na maiwasang hindi mag tanong kasi ramdam kong may nililihim sa akin itong si Carl.
"Alam kong nangako ako sa'yo Kevin but I think it's time na malaman na ni Kathleen ang totoo."
"Anong ibig sabihin mo?" Nalilito paring tanong ko.
"Kath hindi naman talaga intensyon ni Kevin na saktan ka noon. He lie about the dare."
"Carl!" Protesta naman ni Kevin.
"Totoo na ang dare na nakuha niya ay ang pestehin ang buhay nang unang babaeng magiging bagong miyembro ng Perfectionist which is apperently you. Pero hindi totoong hindi ka niya minahal at pinaglaruan ka lang niya. Because the truth is, naipit lang siya sa sitwasyon."
"S---sitwasyon? Kevin anong ibig sabihin ni Carl?"
"Hey, don't listen on him!"
"Kung ayaw mo akong makinig sa kanya then ikaw ang magpaliwanag sa'kin!"
I think mukhang nakuha na ata namin ang atensyon ng mga kumakain dito.
"Rember what I said? Just follow your heart no matter what happened." Mahinang bulong ni C.C. kay Kevin pero sapat na para marinig ko.
Kevin's POV
"Kevin..." Naguguluhang tanong pa rin ni Kathleen sa akin.
Follow my heart?
*flashback*
*toot*
*toot* Dire-diretsong tunog ng cellphone ko. Tinignan ko muna ang oras sa digital clock bago ko kinapa ang cellphone kong nakapatong sa side table. It's only 1:00 in the morning.
"Aish! Sino naman kaya itong nambubulabog sa tulog ko?"
*toot*
*toot*
Humanda sa akin kung sino man ang taong ito.
"Hello? Hindi ka ba marunong magbasa ng oras? Ang aga-aga nang bubu---"
"GOOD MORNING MR. YABANG!!!....."
Agad ko namang inilayo sa tenga ko yung cellphone kasi pakiramdam ko mabibingi ako.
"Ms. Poor Girl?"
"Teka nagising ba kita? Naku sorry Mr. Yabang."
Tsss... Pasalamat na lang siya dahil mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. Yabang
Teen FictionTheir love story started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miserable. And most of all the guy who always make such crazy things on her. Pero ito rin ang lalaking na...