Chapter: 14

297 16 0
                                    

Kathleen's POV 

Hindi ko alam kung paano mag re-react sa lahat ng narinig ko. All this time wala pala talaga siyang ginawang masama sa akin. All this time kabutihan ko lang pala ang iniisip niya.

Carl's POV 

Now I'm letting her go. Tutal ako naman talaga ang umagaw sa kanya. Bakit ba kasi nagpadala ako sa lahat ng panunuhol noon ni Sofie sa akin.

C.C.'s POV 

Maskit, iyan ang tamang description sa nararamdaman ko ngayon. Hiindi ako nasasaktan dahil hindi niya ako mahal kasi sa simula pa lang naman alam ko na 'yun. Nasasaktan ako kasi walang taong nag mamahal sa akin. Hay, kailan kaya ako makakahanap ng lalakeng tulad ni Kevin?

"I think both of you really need to talk." I said before I runaway. This is the least thing that I can do now.

Carl's POV 

Nagpaalam muna si C.C. bago tumakbo palayo. I think dapat umalis na lang din ako. Pag labas ko nitong coffee shop ay natanaw kong tumatakbo pa rin si Sushi girl. Siguro nagtataka kayo kung bakit Sushi girl ang tawag ko sa kanya ikukwento ko na lang sa inyo.

*flashback* 

"I want to ask you a big favor."

"And what is it?"

"Hiwalayan mo na si Kevin Ramos."

"WHAT!?!"

"Hey, I'm not deaf!"

"At sino ka naman para sabihan akong makipag break sa boyfriend ko?"

"Alam mo ang kulit mo rin. Kanina pa ako nagpakilala kung sino ako tapos tatanungin mo na naman ako."

Sabihin nyo, sino ba talaga ang mas matanda sa aming dalawa? Ang bilis nya kasing makalimot e.

"Ah!!!... Nakakainis ka na! Akin na nga yang kinakain mong sushi." Tapos bigla na lang niyang hintak ang sushi na sana'y isusubo ko.

Aba't sushi ko yung kinakain niya ah!

"Sabihin mo hindi ka ba pinakakain ng mga magulang mo?" Nakangiti kong tanong habang pinag mamasdan ko siyang kumakain.

"Alam... Paborito...." Sabi niya habang punong-puno ang bibig.

"O, uminom ka muna baka kasi mabilaukan ka."

"*puno ang bibig* Gumawo! *bow*" (Thank you)

Ang cute naman ng Koreanang 'to.

"Alam mo bang nakakainis ka? Pinapunta-punta mo ako dito tapos iinggitin mo ko sa kinakain mong sushi. Sushi pa naman ang pinakapaborito kong pagkain." Naiinis pa niyang sabi habang dire-diretso parin sa pag-subo.

Mabuti na lang pala at marami ang ipinaluto kong sushi kay Jessica kanina.

"Alam mo tamang-tama ang pangalan mo. C.C., Sushi. Sushi girl! *laugh*"

Tamang-tama may bago na akong tawag sa kanya. 

*end of flashback*

Speaking of sushi I think bigla ata akong nagutom. Mayaya na nga lang kumain si Sushi girl.

"Sushi girl!"

C.C.'s POV 

Teka may tumawag ba sa'kin?

"Ouch!"

"Sorry!"

Ang sakit ng paa ko. Sabi ko na nga ba hindi dapat ako nag suot ng heels ngayon.

Carl's POV 

Sinasabi ko na nga bang madadapa siya sa suot niya. Sa tingin ko kailangan ko muna siyang punathan para alalayan.

C.C.'s POV 

"It's alright." Sabi ko habang pinipilit kong makatayo kaso natumba ulit ako.

"Hindi ba sinabihan na kitang 'wag tatakbo kapag nakasuot ka ng heels? Kahit kailan pasaway ka talaga."

"A---Arwyn?"

"*smile* Bakit ba napaka-careless mo?" Sabi pa niya habang inaalalayan akong makatayo.

Talaga bang pinaparusahan ako ng langit? Bakit sa dinami-daming taong pwede kong makabunggo ngayong araw ay si Arwyn pa talaga?

Carl's POV 

Sino kaya yung nakabunggo sa kanya, para kasing magkakilala sila?

C.C.'s POV 

"Are you alone? Hindi mo ba kasama ang boyfriend mo?"

"Ah, e... *bite the lower lip*"

At bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng araw ngayon pa ako nakipag break kay Kevin. Paano ko tuloy ngayon paninindigan ang sinabi ko sa kanya na nakahanap na ako ng mas gwapo at mas mabait na boyfriend. Lord please help me... Promise magpapakabait na po ako. Hindi ko na uubusin ang allowance ko sa pag sho-shoping at higit sa lahat hindi ko na po kukulitin si ate Kazumi tungkol doon sa Koreano niyang fan basta tulungan n'yo lang po akong makaalis dito.

"Sushi girl ayos ka lang?"

Napatingin naman ako doon sa lalakeng nag salita.

"Carl?"

Carl's POV 

"Teka mukhang may fracture ka. Gusto mo bang samahan kita sa clinic? Meron akong kakilalang nag cli-clinic dito sa loob ng mall."

Kung hindi ako nagkakamali malapit lang dito ang clinic ng Tita ko.

"Are you C.C.'s boyfriend?" Tanong sa akin nung guy na kausap niya.

Kung hindi ako nagkakamali siya yung guy sa picture na ipinakita sa akin ni Sofie nung nakaraang araw. He is Arwyn, C.C.'s ex-boyfriend. Yung lalakeng naging reason ng pag-uwi niya dito sa Pilipinas at siya ring lalakeng nagpaiyak sa kanya nung minsang mapadaan ako sa N.A. para samahan si Vlademir na dalawin si Anne.

C.C.'s POV 

I'm sorry but I really have to do this. Sorry talaga Carl pero wala na akong choice.

"Yes! He is my boyfriend, Carl."

Carl's POV 

Teka ano daw? Ako boyfriend ng Sushi girl na ito?

C.C.'s POV 

"Sawakas nakilala rin kita! By the way I'm Prince Arwyn Montenegro." Tapos nakipagkamay siya kay Carl.

"I'm Carl, Carlo Chua." Seryosong pakilala ni Carl kay Arwyn.

Lord, ngayon palang humihingi na po ako ng tawad sa nagawa at gagawin ko pang mga kasalanan. Alam kong masa pong mag sinungaling kaso wala na po talaga akong choice.

"Akala ko pa naman mag-isa lang si C.C."

"Excuse me Bro. pero may date pa kami ng girlfriend ko."

Thank God! Mabuti at nakisakay si Carl.

"Ganoon ba? Sige C.C. mag-ingat ka na lang sa paglalakad."

"She didn't need your concern."

Teka bakit bigla atang sumingit itong si Carl?

"HOY! Teka lang ibaba mo ko! Carl nakakahiya!" Bigla na lang kasi niya akong binuhat na para bang bagong kasal kami.

"May fracture ka kaya hindi ka pa pwedeng mag lakad. So you better shut up, ang iingay-ingay mo."

Promise nakakahiya na talaga. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao tapos kung ano-ano pa ang naririnig kong bulungan mula nila.

"Uy, tignan nyo yung dalawang couple ang sweet-sweet nila."

"Ayieeeee....." Hiyaw naman ng mga tao sa amin.

Wala na kong choice kung hindi ang umub-ob na lang sa balikat niya. I swear this is my most embarasing experience.

The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon