"Bro bakit ngayon ka lang? Alam mo bang kanina pang nag simula yung program?" Bungad naman agad sa akin ni Vlad.
Paano ko kaya hindi malalaman e nakausap ko na nga mismo ng personal yung celebrant.
"Bro bumalik na siya."
"Ha? Sino?"
"Si Kathleen nandito na ulit."
"Ah, yun ba?"
"Teka bakit mukhang hindi ka ata nagulat."
"Wait, tama ba yung narinig namin? Umuwi na si Kath?" Sabay na sabay na tanong nila Chrismange, Christian, Troy at Jessica.
"Sabi ko na sa'yo Candy si ate Kathleen nga yung babaeng nakita natin noong isang araw doom sa may glass window ng Otaku's Espresso." Singit naman ni Michael habang nakaakbay sa balikat ni Candy.
"Last week pa siya nakabalik kasama si Kuya." Sabi naman ng kadarating lang na si Kelie habang magka-holding hands sila ni Jake.
Teka anong ginagawa dito ng tatlong high school? Walang bang klase itong sina Candy, Michael at Kelie.
"Teka wala ba kayong klase?"
"Wala kaming pasok ngayong araw kasi binisita namin si Miss Lomio sa ospital kanina." Sagot naman ni Candy.
"As in lahat kayong high school?"
"Yup! Wait, parang hindi ko ata nakikita si C.C." Sabi naman ni Michael.
"Akala ko nga nandito na siya. Kanina pa kasi siyang nag paalam sa akin na gusto ka niyang samahan ngayong buong araw dahil pareho naman daw kayong walang klase." That was Kelie.
Kung ganoon nag sinungaling si C.C. sa akin kanina nung sinabi niyang may klase siya kay Miss Gardoce. Pero hindi naman niya ugali ang mag sinungaling. Kung wala siya dito e na saan kaya siya.
C.C.'s POV
"*sob* Bakit ganoon ate? Lahat na lang ng taong minamahal ko lagi nalang may mahal na iba." Umiiyak na tanong ko sa pinsan kong si Charlotte.
Nandito ako sa condo unit ni ate Charlotte at Kazumi. Hindi ko na kasi talaga kaya e.
"Tahan na cuz, wag mo silang iyakan. Hindi nila deserve ang mga luha mo."
"Huhuhu..." Mas lalo naman akong napahagulhol sa iyak dahil sa sinabi ng pinsan ko.
"Alam mo C.C. bata ka pa kaya dapat hindi mo pa sineseryoso iyan." Payo naman ni ate Kazumi.
Si ate Kazumi Yamamoto ay ang best friend ng pinsan kong si ate Charlotte Choi at siya namang pinsan ni Candy Yamamoto. Isa siyang sikat na wattpad writter kaya alam ko na makakakuha ako ng magandang advice mula sa kanya.
"Bakit naman e wala namang pinipiling edad ang love diba?" Protesta ni ate Charlotte sa sinabi ni ate Kazumi.
"Kahit na. Dapat pag-aaral na lang muna ang intindihin mo bago 'yang mga love na iyan." Bwelta naman ni ate Kazumi.
Nakalimutan kong may pagaka-anti love nga pala iyang si ate Kazumi. Matagal na nga namin iniisip kung paano siya nakakagawa ng mga succesful love story kung siya mismo sa sarili niya ay hindi naniniwala sa true love. Hay, kailan kaya mai-in-love ang wattpad writer na si ate Kazumi?
"Naku C.C. pag pasensyahan mo na lang 'yang si Kazumi. Frustrated lang yan ngayon kasi hindi hanggang ngayon hindi pa rin niya natatapos yung bago niyang story dahil doon sa fan niyang lagi niyang ka-chat tuwing gabi."
Parang bigla naman akong natauhan sa narinig ko. Bigla tuloy umurong lahat ng luha ko.
"Teka may chatmate ka na ate Kaz? Oh my gy! Gwapo ba siya? Mabait? Or both? Sabihin mo nililigawan ka na ba niya? Taga saan siya? Schoolmate mo sa R.A. o baka naman taga P.A. din siya tulad ko?" Exited at sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"A--ah, eh... Alam mo C.C. siguradong na gugutom ka na. Kung gusto mo kumain ka na lang dahil ipinag luto kita ng paborito mong sushi."
"Talaga may sushi?"
Bigla akong na gutom sa sinabi ni ate Kaz. Paboritong pagkain ko kasi ang sushi.
"By the way, kung ako sa'yo hindi ko na ipag sisiksikan pa ang sarili ko sa mga taong ayaw naman sa'kin. Try to think of it. Ginawa mo na ang lahat para sa kanila kaso sila ba kahit na minsan may ginawa na para sa'yo? You already did your part. Nasaktan ka na kaya dapat tumigil ka na. Malay mo hindi naman talaga sila yung right guy para sa'yo. Because the right guy for you is the one who would show you his love without any hesitation. One more thing! Always remember that you are not inside a soap opera so please stop acting like a fool."
Tamang-tama naman ako sa lahat ng pinag sasabi ni ate Kazumi. Ngayon alam ko na kung bakit successful lahat ng mga stories niya. Hay! Masayado nang maraming nangyari sa buhay ko nitong mga nag daang taon siguro it's time to have a big break.
"I'm sure na mapapadami ang kain ko ngayon." Sabi ko na lang bago sumunod kay ate Kazumi papunta sa loob ng kusina.
Stop acting like a fool? Maybe it's time to end up my foolishness. Siguro mamahalin ko muna yung sarili ko bago ang iba.
Carl's POV
I love her but it seems that she still love him. Handa akong iwan at isuko ang lahat para sa kanya kaso mukhang wala naman siyang paki-elam doon. For the past two years ganito na lang ba ang role ko sa buhay niya? Instant best friend/admirer/boyfriend/rebound. Mahal ko siya kaya ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan.
"Do you still love him?"
"H---ha?" Parang gulat na gulat namang tanong niya.
"Alam mo minsan i-try mong magpakatotoo. Hindi naman masamang maging tanga paminsan-minsan para sa pag-ibig. *fake smile*" Sabi ko na lang sa kanya habang ginugulo ko ang buhok niya.
"Alam mo hindi kita maintindihan. Ang weird mo ngayong araw. Ano nakain mo?"
"Sushi."
Sushi kasi ang favorite food ko.
"Kaya naman pala. Sinabi ko naman sa'yong masama ang epekto ng Sushi sa'yo. Nagiging weirdo ka kasi tuwing kumakain ka noon. Alam ko na! Papakainin na lang kita ng tindang fishball, kikiam at kwek-kwek ng tatay ko."
Ito naman ang gusto ko sa babaeng ito. Alam na alam niya kung paano ako mapapangiti kahit na hindi niya sinasadya.
"Teka ano 'yun?"
"Para ka talagang si Mr. Yabang, walang alam sa street food."
Okay, here we go again. Nakalimutan ko pa lang idagdag na role ko rin ang maging substitute ni Kevin. Pero sa tingin ko malapit ng matapos yung kontrata ko kasi bumalik na ulit yung original.
BINABASA MO ANG
The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. Yabang
Teen FictionTheir love story started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miserable. And most of all the guy who always make such crazy things on her. Pero ito rin ang lalaking na...