Carl's POV
"Ha ano yun?" Nalilitong tanong ko kay Kevin kasi bigla na lang siyang sumigaw.
"Planado ng paki-elamerang Sofie na 'yun ang lahat ng ito."
Planado?
*flashback*
"*evil smile* I think you better read this one. Ang tagal mo kasing nawala kaya 'yan huling-huli ka na sa balita."
Agad ko namang kinuha yung inabot niyang dyaryo. Na curious na rin ako sa nakasulat dito kasi halos lahat ng estudyanteng nakasalubong ko kanina ay may hawak-hawak at binabasang dyaryo.
"THE LOVE STORY OF THE TRANSFEREE STUDENT AND THE CAMPUS HEATTHROB!?!" Gulat na tanong ko sa kanya pagkatapos kong mabasa ang nakasulat sa front page ng newspaper.
"Yup! Ang sweet diba? Sa isang transferee student pa na in-love ang campus hearttrob natin. Tsk... Tsk... Tsk... Ikaw kasi ang bagal-bagal mo ayan naunahan ka pa tuloy." She said while patting my shoulder.
Hindi ko lang alam kung nakikisimpatsa ba talaga siya o nang aasar lang.
"Pasalamat ka na lang at mabait ako." Then may inabot siya sa aking isang picture ng babae.
"Sino naman ito?"
In fairness maganda siya saka mukha siyang mabait.
"She is my cousin C.C. Anak ng best friend ng parents ni Kevin."
Ummm... Paano kaya sila naging pinsan nitong paki-elamerang si Sofie. Pero malay n'yo sa unang tingin lang din siya mabait tulad ng pinsan niya.
"And so?"
"Alam mo ang slow mo talaga! But since gusto ko ng bagong thrill sa newspaper ko kaya sige ipapaintindi ko sa'yo. Like what I said earlier she is the daughter of the best friend of Kevin's parents. Matagal ng pangarap ng parents niya at ng parents ni Kevin na magkatuluyan ang dalawa nilang anak. Now kung gusto mong mabawi si Kathleen why don't you use my cousin."
"*confused*"
"I already gave you an idea. Ikaw na lang ang bahalang gumawa ng paraan kung paanong diskarte ang gagawin mo basta ba mangako ka lang na magpapa-interview ka sa akin in the near future. So, good luck na lang sa'yo. I'm sure that I will going to have an exiting news from you."
*end of flashback*
Tama nga si Kevin. Ibig sabihin from the very begining ginamit lang ako ni Sofie para sa plano niya. Kahit kailan ang dami n'yang alam na kalokohan.
"*umiiling* Ibang klase talaga ang babaeng iyon. Hinding-hindi mo talaga siya mapapagtaguan ng sikreto." Natatawang sabi naman ni Kevin.
"*ring*"
"Hello?"Tanong ko sa kabilang linya?
"Kuya na saan na ba kayo? Ready na ang lahat dito."
"Sige wait mo na lang kami diyan." I said to my sister before I hang the phone.
"Carl sino 'yun?" Tanong naman ni C.C.
"It's Kelie. Ready na daw ang lahat. Kevin halika na!" Tapos sabay-sabay na kaming tumakbo nila Kevin at C.C.
Kathleen's POV
"Hoy! Saan kaya pupunta?" Habol na tawag ko sa kanilang tatlo. Bigla na lang kasi silang tumakbo ng walang paalam.
"I love you Ken." Sabi nung girl doon sa guy.
"I love you more Meg." Sabi naman nung guy bago niya inabutan ng isang bouquet ng rose yung girl.
Grabe ang sweet naman ng dalawang 'to. Nakakainis naman silang tatlo iniwan nila akong mag-isa. Makapag lakad-lakad na nga lang.
"O, Cheska sa'yo na lang." Sabi naman nung isang guy bago niya inabutan ng chocolate yung girl.
"Wow thank you C-J! Paano mo na lamang favorite ko 'to?" Natutuwa namang tanong nung girl.
"Tss.. 'Wag ka ngang assuming hindi ko lang mahagilap si Aie kaya sa'yo ko binigay 'yan."
"*smirk*"
Bakit ganoon kahit na magkaaway sila nakakakilig pa rin silang tignan. Huhuhu... Nakakainggit naman sila...
"Aray!"
Hindi ko kasi napansing may makakasalubong na pala ako kaya naman nabunggo ako.
"Naku sorry Miss!"
"Trey?"
"Ikaw pala 'yan Kathleen."
Si Trey po ay ang pinsan ng Mr. Yabang ko.
"Teka mukhang nag mamadali ka ata."
"Hinahanap ko kasi si Ash e. Sige mauna na ako sa'yo." Tapos tumakbo na ulit siya palayo.
Kaya naman pala e, hinahanap na naman niya yung cheer leader na si Ashley.
"By the way, sabi nga pala ng pinsan ko pumunta ka daw sa high school department." Pahabol pa niyang sigaw.
High school department? Ano na naman kayang meron doon?
BINABASA MO ANG
The Love Story Of Miss Poor Girl And Mr. Yabang
Teen FictionTheir love story started so fast. A simple transferee student who apparently fall in love with the campus heartthrob. The guy who make her life miserable. And most of all the guy who always make such crazy things on her. Pero ito rin ang lalaking na...