Mariko
September 2, 2013 - Tuesday. 1st day of our Intramurals, which means ngayon magaganap ang most awaited event during Intrams, ang Cheerdance Competition. Each house will be competing for the said event through their "cheerdance presentation". As expected, each house will be competing for the first place though we all know na yung House of Moses parin ang mananalo. Undefeated Champions kaya yung mga yun. Ang swerte nga ni Sofia, eh palagi silang panalo. Ewan ko ba sa House of Solomon, kahit alam namin na hindi namin matatalo yung House of Moses eh nagpupursigi parin kaming maging top. Ayaw ko ngang sumali sa Cheerdance Competition kasi hindi ko naman tipo yung itapon-tapon lang ako sa ere ngunit kailangan ko talagang sumali for the sake of my grades. T_T
Papunta na kami sa GYM ni Emman at Sofia ngayon. Nagpapa-mass kasi yung school namin before mag start yung Intramurals. Ang holy talaga nang school namin kahit minsan yung students ay unholy. Pssh --" Pagkapasok namin ay nakita ko si Cray. Bigla kong naisip tuloy yung mga nangyari kahapon.
"Bakit ka tulala?" -Emman
"Shh! Manahimik nga kayong dalawa" -Sofia
"Wala. Naprapraning lang ako kasi mamaya na yung Cheerdance Competition" -Ako
"Pssh. Mag relax ka lang diyan. Alam din naman natin na sila Sofia yung mananalo. -_-" -Emman
"Aish! Wag ka ngang negative! May 2nd place pa naman ah!" -Ako
"Kanina pa kayo daldal nang daldal diyan ah! Kapag hindi kayo manahimik uupakan ko talaga kayo!" -Sofia
"Mananahimik na po!" -Ako at Emman
Kanina pa kasi nagsisimula yung mass tapos hindi kami nakikinig ni Emman. Kaya ayun napagalitan ni Bessie. Naku, ewan ko ba kay Sofia. Napakabrutal din minsan! Palagi nalang niya kaming papaluin kapag hindi kami nakikinig sa mga sermon niya. Parang mommy na nga namin to eh pero mas malala pa talaga yung mga pinsan kong may pahid sa utak. --"
Sofia
"Sofia, galit ka ba sa akin?" -Emman
"Hindi naman. Kanina pa kasi nagsisimula yung mass tapos hindi kayo nakikinig ni Mariko. Ang tatabil talaga nang mga dila niyo" -Sofia
"Sorry na kasi. Kinausap ko lang naman itong si Mariko kasi kanina ko pa napapansin na ang lalim nang kanyang iniisip" -Emman
Napalingon naman ako kay Mariko sa sinabi ni Emman. Tama nga siya, makikita mo talaga sa mukha niya na ang lalim nang iniisip. May problema yata itong si Bessie. Napagalitan kaya siya ni Shin at Dj? Naku, mga loka-loka pa naman yung mga iyon. Matanong na nga lang.
"Uhm Emman, tanungin mo nalang kaya si Mariko" - Ako
"Natanong ko na yan kanina. Ang sabi daw niya naprapraning lang daw siya kasi mamaya na yung Cheerdance Competition" -Emman
"Ahh ganun bah?" -Ako
"Oo" -Emman
Ako nalang ang kakausap sa kanya mamaya. Hindi kasi ako kumbinsido sa sinabi ni Emman. Kilala ko kaya yang si Mariko. Hindi yan basta-basta nag sasabi pag may sekreto. Hindi mo rin siya makukumbinsing sabihin sayo though we understand her if hindi niya talaga kami pag sasabihan.
Teka nga! I haven't introduced myself yet. I'm Sofia Franz Sabio. 4th year highschool student. Section A. 15 years old. Maganda, maputi, mayaman, magaling din sumayaw, running for class valedictorian, swimmer talented at blah3x. I described myself based on how people described me. Wala na rin kasi akong ibang masabi. Hehe xD
Nakausap ko na pala si Mariko. Pero alam ko namang puro lang yun white lies. Hindi ko na rin siya pinilit kasi ayokong makita siyang umiiyak ulit para sa isang lalaki. Fragile kasi yang si Mariko eh. Kumbaga kailangan mo siyang alagaan nang mabuti. May pagka-sensitive din itong si Bessie. Last time na nakita namin siyang umiyak ay nung nag break sila nang ex-boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
Prism Of Love - (Complete)
RomanceIt started when I became a bridge. Could he fall for me too?