Kabanata 2

1.9K 46 1
                                    

Minsan, kahit gaano pa natin kamahal ang isang tao dadating din tayo sa point na masasaktan tayo at kailangan natin silang iwan, hindi dahil sa hindi na natin sila mahal kundi para magamot ang pusong nasugatan.

Eto mismo yung ginawa ko kay Ethan e, nasaktan kasi ako sa ginawa niyang desisyon noon. Oo, tinanong niya ako dati, napag-usapan na din namin yun pero mas pinahalagahan pa niya yung sinabi ng mga taga San Isidro kaysa sa napagdesisyunan namin noon dahil nagawa niyang mas paglingkuran ang mga taga San Isidro kesa sa amin ng anak niya. Selfish na kung selfish pero kasi ayaw ko lang namang mapahamak siya at pati na din ang anak namin.

Sa apat na taon naming pagsasama noon, ngayon ko lang pinagdudahan ang pagmamahal niya. Kasi, nung pinagpatuloy niya ang pagmemayor, pakiramdam ko kahit ano pang sabihin ko ay nakapagdesisyon na siya kahit pa napag-usapan na namin iyon noon.

Nakauwi na kami ngayon sa Pilipinas ni Entice, dito sa Maynila sa dati kong bahay kami nakatira ng anak ko. Dito ako nakatira noong hindi ko pa nakikilala si Ethan, si Manang Lucing -na nag alaga na sakin simula nung sixteen years old ako kasi namatay na noon ang mga magulang ko dahil sa plane crash kaya si Manang Ludy na ang tumayo bilang magulang ko. Kaya bilang kapalit ng pag-aalaga sakin ni Manang, dito ko na sila pinatira nung ampon niya na mas bata sakin ng fourteen years. Noong napangasawa ko na si Ethan, ay sa San Isidro na nga kami tumira at sina Manang na lang ang naiwan dito sa bahay. Okay lang naman sa akin yun kasi parang tulong ko na din yun kay Manang Ludy sa pag-aaruga niya sakin.

Andito kami ngayon sa dining room para maghapunan. Hapon na din kasi kami dumating dito sa Pilipinas.

Apat lang kami nina Manag dito sa hapag pero masaya naman dahil sa napakabibo kong anak na kwento ng kwento at kina Manang naman at kay Joy na tanong naman ng tanong. Kilala na rin ni Entice sina Manang dahil nung bata naman si Entice ay naalagaan din siya ni Manang noong nagtatrabaho ako.

"Kamusta na pala Joy yung flower shop natin?" yun kasi ang business ko three years ago. Nung nagpunta kaming U.S ni Entice eh siya ang pinag manage ko ng flower shop, mahilig din kasi si Joy sa mga bulaklak. Nalaman ko yun dahil lagi siya noong nakatambay sa garden namin pag walang ginagawa. Kaya siya ang naisip kong humawak ng business.

"Okay lang naman po Ate. Pupunta pa po ako bukas dun sa bagong shop natin para macheck ko po ang mga bulaklak na idedeliver bukas. Gusto niyo po bang sumama?" masaya niyang anyaya sakin. At the age of 23 napalago niya ang shop at napagawan pa ng pangalawang branch. Siya ang nagmanage nung iniwan ko at sakto naman ang dating ko sa kagagawang bagong branch.

"Ay sige. At tsaka nga pala Joy, ikaw na ang maghahawak nung bagong branch ha." baling ko sa kanya ng naka ngiti.

"P-po? Pero kasi ate, nakakahiya naman po."

"Ano kaba Joy! Ikaw nga ang dahilan kung bakit nagkameron ng bagong branch ang flower shop e. Ako pa nga ang dapat mahiya sa'yo." totoo nama kasi diba?

"Eh, ate Tricia--"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil tinaasan ko na siya ng kilay pero nakangiti naman ako nung ginawa ko yun.

"Tricia, sobra-sobra na naman ata yun! Andami mo nang naitulong samen. Tapos ipama-manage mo pa kay Joy ang bago mong branch." si manang talaga, medyo OA. Hehe, mana kay Joy.

" 'nang naman. Maliit na bagay nga lang yun diba? Tsaka para ko na ding kapatid iyang si Joy." at dahil sa sinabi ko ay napangiti na lang sila ni Joy.

Pagkatapos naming maghapunan ay nagpunta na kami ni Entice sa kwarto namin. Hindi kasi sana'y si Entice matulog mag-isa sa kwarto niya e. Okay lang naman sakin para nayayakap ko siya sa gabi hanggang pagtulog.

Nakaupo na kami ngayon ni Entice sa kama at sinusuklayan ko na lang siya.

"Mama, pasyal tayo bukas?" nakangiti siya ng lumingon siya sakin. At sino ba naman ang makakahindi sa kacute-an ng anak ko diba.

"Sige. But before that, punta muna tayo sa flower shop bukas kasama si Ate Joy."

"Yehey! Thank you mama. Let's call ninang Benjie po. I really miss him." nakapout pa siya . Naku! sabi ng wag ngunguso at nakakamukha mo ang tatay mo.

"Osige. Sama natin si Ninang sa pag pasyal." excited na din akong makita siya e. Niyaya ko nga siyang dumalaw samin sa U.S aba't tinanggihan ba naman ako. Natuto daw akong umalis, Matuto daw akong bumalik. Ang baklang yun talaga! Hindi niya pa alam na nakauwi na kami ng Pilipinas dahil si Manang at Joy lang ang sinabihan namin.

Agad namang tumayo si Entice mula sa pagkakaupo niya at humalik sa magkabila kong pisngi bago ako niyakap.

"I love you Mama. You're the best mama in the world." napangiti na naman ako nang narinig ko yun. Lagi niyang sinasabi yun sakin na ako daw ang the best mama in the world. Nung una kong narinig yan sa kanya ay napa-iyak pa nga ako nun. Kasi,feeling ko nga nun ang sama-sama kung ina dahil inilayo ko siya sa kanyang ama pero pag lagi niyang sinasabi yun na ako daw ang the best, nababawasan naman ang guilt feeling ko sa paglayo ko sa kanya sa kanyang ama. Para din naman yun sa ikabubuti niya e.

"I love you too baby! Very much!" at tsaka ko siya hinalikan sa labi niya. Si Entice ang dahilan kung bakit agad kong napatawad si Ethan. Dahil sa bukod sa kamukha niya si Entice nagpapasalamat din ako sa kanya dahil binigyan niya ako ng isang napaka bibo, maunawain at mapagmahal na anak. At, paano ka ba siya makakalimutan, sa tuwing kikilos si Entice ay kagayang-kagaya ng ama niya. Kung baga siya ang girl version ni Ethan.

Nang makatulog si Entice -na nakayakap sa bewang ko ay tinawagan ko na si Benjie.

"Hello Benjie!"

"Who's this?" mataray na sagot niya sakin.

"Loka, ako to. Si Tricia." siguradong magagalit 'to sakin dahil hindi ko siya nasabihan sa pag-uwi namin.

"Tricia? PATRICIA MARIE!!!" agad kong inilayo ang cellphone ko dahil sa pag irit niya.

"Wag kang sumigaw, tulog na si Entice." baka kasi magising sa lakas ng pag irit niya.

"Bruha ka. Nandito kana sa Pilipinas? Wala ka man lang pasabi! Tapos pagbabawalan mo pa ako sa pagkagulat ko. Hoy, umalis ka nang walang pasabi tapos dumating ka din nang walang pasabi. Para kang kabute!" Haha. nanggigigil siya sa kabilang linya.

"Surprise nga diba! Haha"

"Surprise? Ayoko niyang mga sorpresa mo. Tapos may pagtawa ka pa dyan. Naku! San ka nakatira ngayon? Pag nakita kita, kakalbuhin talaga kita makita mo!"

"Kakalbuhin mo pala ako eh, bakit ko sasabihin sa'yo kung saan ako nakatira?"

"Aba't nagawa mo pang mamilosopo!" bwahahahahaha siguradong inis na inis to saken.

"Iih. Sama ka sa gala namin ni Entice bukas ha. Miss kana ng inaanak mo e."

"Sige. Bigay mo na sakin yung mga pasalubong mo ha. Yung VS na cologne tapos yung LV na bag yung,," madami pa siya binanggit. haha kung makahingi ng pasalubong parang bilyonarya ako a.

"Sige na ha. Text ko sa'yo kung saan tayo magkikita. Good night. Mwuah! Haha"

"Hoy! Wait! Siguro wala kang pasalubong sakin no? . Ikiss mo na lang si Entice for me. Night'Night. Dami mong utang sakin ha."

Pagkatapos din nang usapan namin ni Benjie ay tumabi na rin ako kay Entice para matulog.

Twitter: @anakngchardawn1

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon