Kabanata 11

1.8K 47 3
                                    

Hindi na ako nagtagal sa shop dahil kailangan ko pa nga pa lang maggrocery. Kaya after kung macheck ang mga kailangan dito sa shop ay nagpaalam na muna ako sa mga employee ko doon.

Nang matapos kaming maggrocery ay nagyaya si Entice na maglunch sa isang fast food chain. Gusto niya daw ng chicken kaya pinagbigyan ko naman.

Naglalakad na kami palabas ng mall ng biglang may lumapit sa aming isang babae at isang lalaki ng may dalang camera.

"Mrs. Montreal, pwede ka po bang mainterview sandali?" reporters! Agad ko namang hinawakan si Entice sa kamay. Habang nasa kabilang kamay ko naman ang dalawang plastic bags na pinaggroceryhan namin. Mabigat!

"I'm sorry but we need to go." iwas ko sa kanila at tsaka ko inakay si Entice papunta sa sakayan nang taxi.

"Mrs. Montreal, saglit lang po!" habal pa din nila sa amin. Agad namang naka agaw ng atensyon ng mga tao ang pagsigaw ng reporters. May nakita pa akong nagulat at napakunot ang noo ng makita nila ako. Marahil ay hindi nila inaasahan na ganito kaganda ang napangasawa ni Ethan. Shez! hinahabol na nga ako ng reporters at pinagtitinginan ng mga tao nagagawa ko pang magbuhat ng sariling bangko!

Nang papara na sana ako ng taxi ay may tumigil na SUV sa harapan namin. Narinig ko naman ang bulung-bulungan nang mga tao na dumating daw ang mayor. Nagets ko naman agad iyon nang bumukas ang pintuan nang SUV at inilabas doon si Ethan.

"Get in." Nagmamadali nitong utos sa amin bago kunin nang body guard niya ang mga plastic bags na dala ko. Inalalayan naman kami Ethan pumasok bago siya sumunod sa amin. At tsaka umandar ang sasakyan. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa amin bago kami umalis.

"Papa, why they are following us?" nasa gitna namin si Entice nakupo.

"Because you and your mama is my family--" hindi ko na narinig pa ang pagpapaliwanag ni Ethan nang marinig ko ang mga salitang 'my family'. Hindi ko alam na hanggang ngayon pala ay itinuturing pa rin niya kaming pamilya kahit nilayasan ko na siya noon. O baka naman si Entice lang ang tinutukoy niya at nasama lang ako dahil si Entice ang nagtatanong. Ikaw ba naman ang layasan, hindi ka ba magagalit?

Nabalik lang ako sa reyalidad nang may marinig akong nagkakagulo. Pagtingin ko sa labas ay ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang mga reporters na sinusubukang lumapit sa sasakyan namin. Andito na pala kami sa labas nang bahay ko at paano nila nalaman kung saan kami nakatira?

"Anong ginagawa nila dito?" takang tanong ko kay Ethan. Hinaharangan nang mga gwardya niya na makalapit ang may sampu atang reporters iyon.

"They know that you are my wife, you're living here with my daughter and they are interested with you because you're my wife." paliwanag niya.

"We need to go at my house. It safer there for you and Entice than here. Let's go Mang Noel." utos niya sa nagdadrive nang SUV. Agad namang pinaandar ni Mang Noel daw ang sasakyan. Nakita ko pa ang ilang reporters na nagtangkang makasunod ngunit nabigo dahil sa mga gwardya ni Ethan na humarang.

"That's why we leave you three years ago." nanggigigil kong paalala sa kanya. Kaya nga namin siya iniwan noon ay dahil sa magugolo ang tahimik naming buhay ni Entice. At napaka bata pa ni Entice para maintindihan ang mga bagay-bagay.

Napabuntong hininga naman siya at tsaka binuhat si Entice na nakatulog na pala. Napagod siguro kapag grocery namin.

Naramdaman ko namang lumapit sa akin si Ethan at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. Agad ko naman iyong inagaw sa kanya.

"Look, I'm sorry. I'm sorry about sa nagawa ko noon. I'm sorry for not listening to you but I also love helping people. I'm sorry for being irresposible husband and father. Sorry for bringing you in my mess. I'm really sorry Tricia." Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, nararamdaman ko naman yung sinseridad, pqnghihinayang at pagmamahal ba yung narinig ko sa boses niya? Hindi ko alam. Naiintindihan ko na naman siya, sa loob ng three years walang araw na hindi ko siya naisip. Hindi ko lang magawang maghinanakit sa kanya dahil after three years saka lang niya lang lahat nang 'to narealize?

"Your sorry won't change anything." at bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nasabi ko na iyon. Agad kong nakita ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha. Pero totoo naman diba? Maibabalik ba ng sorry niya yung three years na nawala? Hindi diba? Maibabalik ba nang sorry niya ang tiwala ko? No.

"But still, I'm sorry." pagkatapos nang aming usapan na iyon ay natahimik na lang kami hanggang sa makarating kami sadati naming bahay na bahay na lang niya ngayon.

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon