Kabanata 12

1.6K 44 2
                                    

Nakatulog si Entice sa kandungan ni Ethan. Kinukuha ko naman sa kanya si Entice baka kasi nangangalay na siya, pero tumanggi siya at siya na lang kasi daw namiss niya din si Entice.

Nang makarating kami sa bahay niya ay hindi na namin ginising pa si Entice. Binuhat na lang niya si Entice at dinala sa kwartong nakalaan para sa anak namin. Dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, sumunod na lang ako sa mag ama. Malaki ang pinagbago nang bahay. May mga mamahaling base akong nakita sa baba at may mga mamahaling painting din nang mga kilalang pintor na nakasabit sa may dingding niya.

Sa may second floor naman ay may mini sala set din doon at isang malaking flat screen tv na nakadikit din sa may dingding. May apat na kwarto dito sa taas at isang common bathroom naman.

Dumiretso naman kami sa isang kwarto na puro pink. Base sa kwento sa akin ni Entice ay nasisigurado kong ito ang kwarto niya.

"Papalitan mo pa ba siya nang damit?" tanong ni Ethan nang maibaba niya si Entice sa kama na puno nang hello kitty. Si Ethan na din ang nagtanggal nang doll shoes ni Entice.

"Oo. Napawisan kasi siya nung naggogrocery kami eh." nag aalangan man, ay lumapit na rin ako sa kama para mapalitan si Entice nang damit. Lagi akong may baon na extrang damit dahil nga baka matuyuan nang pawis ang baby ko.

Pagbukas ko nang dala kong bag ay agad naman akong napatampal sa noo ko nang maalala kong maong shorts at isang polo shirt ang dala ko para kay Entice. Alangan namang ipalit ko yun e ang hirap kaya matulog nang ganun ang suot.

"May problema ba?" tanong sa akin ni Ethan nang makita niyang tinapik ko ang noo ko.

"Kasi, maong shorts tsaka polo shirt pala ang dala ko." nakakagat labi kong sagot sa kanya. Nakita ko namang napatingin siya doon kaya naman agad kong tinanggal iyon at tumikhim.

"Ahm. Ibinili ko kasi si Entice nang mga damit, I think she can wear some of those. You can check it on the closet." natouch naman ako dahil may mga damit na agad dito ang anak ko kahit na noong isang araw niya lang nalaman na nasa Pilipinas na kami.

Agad naman akong nagtungo sa closet at ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang mga damit ni Entice. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung gaano kadami iyon.

"B-bakit naman ang dami nito?" baling ko sa kanya.

" 'cause Entice, You and Me will live here. We are still family. Right?" sasagot na sana ako nang bigla ulit itong umimik. "Sa baba lang ako saglit, call me if you need something." at agad din naman niyang tinungo ang pinto palabas. Napabuntong hininga na lang ako. I guess, kelangan naming mag-usap tungkol sa mga pinag sasabi niya.

Ikinuha ko si Entice nang pajama at tsaka ko siya pinlitan nang damit. Tumabi naman agad ako sa kanya, saka ko lang naramdaman ang pagod nang lumapat ang likod ko sa kama. Nang tumingin ako sa orasan na nasa side table ay mag aalos dos pa lang naman nang tanghali. Pumikit muna ako sandali para sana isipin ang sasbihin ko mamaya kay Ethan pero hindi ko din namamalayang nakatulog na pala ako.

Twitter:

@anakngchardawn1

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon