Kabanata 27

1.4K 36 1
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong wala na akong katabi. Iginala ko ang paningin ko at ni walang bakas ni Entice o ni Tricia. Pag tingin ko sa bedside table ay 11:30 na pala. Tinanghali na siya ng gising. Alas tres na kasi siya nakauwi dahil pinakanta at nagparaffle pa kasi siya ng maka alis sina Tricia. Hindi pa nga niya alam na nakaalis na si Tricia kung hindi lang niya nakita ang table nila na wala na ang mag-ina at tawagan niya si Jose. Siguro ay hindi siya makita ni Tricia kagabi kaya hindi na nakapagpaalam.

Bumangon na siya sa pagkakahiga at tsaka nagtungo pababa ng hagdan. Inaasahan niya na makikita ang asawa ng makababa ngunit si Entice lang ang naroon at si Manang Pacing.

Nang makita siya ng anak ay agad itong bumaba ng silya at tsaka tumakbo papunta sa kanya. Binuhat naman niya ito agad at tsaka siya umupo sa inuupuan kanina ni Entice. Kalong na niya ang anak.

"Hi papa. Good morning or should I say, good afternoon?" Napangiti naman si Ethan sa kabibohan ng anak.

"Kaw talaga. Where is your mama?" Pag-uusisa niya sa anak.

"Sabi ni Manang Pacing, nagpunta daw si mama sa shop. Di ko na siya naabutan kasi sumama po ako kay kuya Bernard sa palengke. Alam mo ba papa, andaming tao don tapos sumisigaw sila. Tinawag pa nga po ako nung tindera na maganda e. She even called kuya Bernard pogi." Napabungisngis naman si Entice sa huli nitong sinabi. As usual, marami na namang kwento ang kanyang anak. Nagkwentuhan pa silang dalawa hanggang sa ihayin na ni Manang Pacing ang lunch nila.

Nakailang texts at miss calls siya kay Tricia ngunit hindi ito sumasagot. Marahil ay busy lamang ito.

"Tumawag si Tricia na kasabay na daw niya maglunch yung kaibigan niyang si Benjie kaya kumain na kayong mag-ama diyan. Paborito niyo iyan pareho." Imporma sa kanila ni Manang Pacing ng mailapag na nito ang niluto.

"Adobo." Sabay na sabi nang mag-ama na tila nakakita ng ginto dahil nagningning pa pareho ang mata ng dalawa.

After ng lunch ay dumating na ang piano teacher ni Entice. Nagtungo sila sa music room para sa piano lesson. Habang si Richard naman ay nagtungo sa opisina niya sa bahay at doon na lang ginawa ang trabaho niya. Tinawagan na lang niya ang kanyang secretary para ipadala ang mga kakailanganing dokumento. Maya-maya pa ay may kumatok na sa kanyang opisina. Agad naman niya itong pinapasok.

"Busy, are we?" Napataas ang tingin niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Courtney. What brings you here." Tumayo si Ethan para salubungin ang kaibigan.

"Lagi ka na lang gulat na gulat tuwing makikita ako ano?" Irap nito sa kanya.

"Wala ka kasi laging pasabi."

"Hmp. Nagpunta kasi ako sa office mo at ang sabi ni Fred ay nasa bahay ka daw kaya I came here just to lend you this document. May pirma ko na yan tsaka ni mommy, pag nakapirma kana diyan, it's officially yours." Masayang balita ni Courtney kay Ethan.

"Wow! Thanks, courtney."

"Always welcome! Pero, napag isipan mo na ba ang mungkahi sa iyo ni Gov. Magandang oppurtunity rin iyon para sa iyo." Matagal nang pinag iisipan ni Ethan ang pagtakbong muli bilang mayor. Andami pa kasi niyang gustonh gawin para sa San Isidro. Pero iniisip rin niya ang magiging opinyon ni Tricia kaya hindi muna siya nagdedesisyon ng tapos.

"Alam mo namang gusto ko rin iyon, kaya lamang ay ayaw ko na muling mahiwalay sa aking pamilya. Hindi ba't iyan rin ang naging ugat ng aming paghihiwalay, kaya isasangguni ko muna ang lahat kay Tricia bago ako magdesisyon."

"Wow! Ikaw ba talaga iyan mayor? Kung mahal ka talaga ni Tricia susuportahan ka niya diyan sa laban mo. Tsaka, paano na lang ang daan-daang tao na umaasa sa'yo? I'm sure you don't want to disappoint them."

"Yan din ang iniisip ko. Mahal ko ang pamilya ko at mahal ko rin naman ang mga taong bayan. Kaya nga kahit matagal pa naman ang eleksiyon ay pinag-iisipan ko ng mabuti. Kailangan ko rin ang opinyon ng asawa ko dito."

"Eh bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin kay Tricia ng hindi ka parang baliw diyan na isip ng isip."

"Humahanap pa kasi ako ng tiyempo." Ang hirap din naman kasing mamili. Mahal ko ang San Isidro kaya gusto ko itong maisa-ayos pero mahal ko rin si Trisha at Entice at gusto ko ring maayos ang pamilya ko. Talaga pa lang napakahirap mamili.

Kung noon ay nagdesisyon na ako bago ko ipaalam kay Trisha, ngayon ay ipapaalam ko muna sa kanya bago ako gumawa ng hakbang. Kaya lang ay hindi ko agad masabi sa kanya ang bagay na ito dahil parang may pumipigil sakin na gawin iyon.

Natigil ang pagbuka ng bibig ni Courtney ng biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina at iluwa noon ang nakangiting si Tricia na agad rin namang nawala ang masiglang mukha ng makita kung sino ang nasa loob.

"I, ahm. N-naabala ko ba kayo? S-sorry. Hehe S-sige." Peke itong ngumiti sa kanila at tsaka dali-daling isinara ang pinto.

Nagkatinginan sila Ethan at Courtney.

"You may leave me here and tame your wife." Napangiti siya sa sinabi ni Courtney at agad niyang sinundan ang asawa.

Pfft. Walang sense!! Sorna✌😂

Eto na lang po ang pabirthday ko sa inyo.😘😘

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon