Minsan, sa sobrang focus natin sa isang bagay hindi natin namamalayan na ang mga taong malalapit sa atin ay unti-unti nang lumalayo.
Siguro, sa sobrang focus ko noon sa pag-iisip kung magiging mayor ako ay hindi ko na rin napansin ang paglayo nang mag-ina ko.
Bumibyahe kami ngayon ni Entice papunta sa bahay ko. Doon ko muna siya dadalhin para makapag bonding naman kami. Pinaiwan ko ang isa sa mga gwardya ko para pumunta sa flower shop na pagmamay-ari ni Trisha. Alam kong kanya yun dahil magkasama kaming nagplano at nagpatayo nang pangarap niyang flower shop.
"Papa. Alam mo ba sa U.S, andami kong friends sa school ko dun pati yung neighbors namin si Ate Kyle. She's also a filipino. Tapos, may bake shop din po si mama don, Entice bake shop. Mama named it after me. Miss na miss talaga kita papa. Sana pag bumalik kami sa U.S ni mama kasama kana po papa." nakangiting pagkukwento niya saken saka ako niyakap ulit sa may leeg. Sa may lap ko kasi siya pinaupo. Pagkatapos nang mahabang taon ngayon ko na lang siya ulit nalapitan nang ganito at parang ayaw ko nang mawala pa siya sa akin.
Siguro nga ay dapat din akong sisihin sa paglayo sa akin nang mag-ina ko. Dahil kung nakinig sana ako noon kay Tricia sana ay masaya kaming tatlo na magkakasama, baka nga nasundan na namin si Entice e. Pero kung sinunod ko siya, di sana ay tuloy pa rin ang ang mga illegal na pagmimina dito sa San Isidro at di sana ay mga walang trabaho ang mga naninirahan dito.
"Kamusta naman kayo nang mama mo baby?" oo na, kahit naman iniwan niya ako noon at hindi niya ako sinuportahan sa pagmemayor ko, mahal ko pa rin naman siya. Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya, kahit ilang taon pa ang lumipas siya pa rin kasi.
"We're okay papa. Alam mo ba papa, nakita ko dati si mama na umiiyak tapos nagising ako and I asked her why, sabi ni mama namimiss ka din daw kasi niya." nakangiting kwento ni Entice kaya napangiti din ako. Kung ganun, mahal pa din pala niya ako. That's good!
"Miss na miss ko nga din kayo ni mama mo eh." totoo yun. Wala yatang araw na hindi ko sila iniisip. Kahit pa gaano ako kabusy sa pagmemayor, hindi naman sila nawala sa isip at puso ko.
Nakarating kami agad sa dati naming bahay. Doon pa rin naman ako nakatira, pina renovate ko nga lang ito para mas lalong lumaki at gumanda. Two storey house na ito ngayon, dati kasi ay hindi. Nagpagawa din ako nang infinity pool sa likod nang bahay, at may hardinero akong nag aalaga nang garden ni Tricia.
"Wow! ang ganda na po nang bahay natin papa." nakita ko ang pagka mangha ni Entice. Agad naman siyang nagtatakbo papunta sa loob.
"Papa! May swimming pool pa." kita ko ang kasiyahan niya sa mukha. Noong three years old pa lang kasi siya ay hiniling niya sa akin na magpagawa ng swimming pool.
"Gusto mo bang makita yung kwarto mo?" kahit hindi ako siguradong babalik pa sila dito sa Pilipinas at sa akin, pinagpagawa ko pa din si Entice nang kwarto. Inspired yun sa favorite niyang hello kitty.
"Talaga papa, may kwarto ako?" mababakas ang pagkasabik sa boses niya.
''Syempre naman. Love na love kaya kita. Come on, I'll show you your room." agad naman siyang humawak sa kamay ko at nagtungo kami sa second floor ng bahay. Nang makarating kami sa kwarto niya ay nakita ko ang panlalaki nang mata niya at ang pagnganga niya.
"Wow! I love it papa. It's really beautiful." agad niya akong niyakap sa bewang. Yumuko naman ako para buhatin siya. Yumakap naman ang mga braso niya sa leeg ko at nagulat ako nang halikan niya ako sa magkabila kong pisngi. Inihawak naman niya ang maliliit niyang kamay sa magkabila kung pisngi at tsaka ako hinalikan sa labi na ikinagulat ko. Sweet! Mana sa mama niya.
Agad naman siyang bumaba at tsaka nagpunta sa kama niya na puno din ng hello kitty. Mula sa bed sheet, pillow case tapos may ulo lang ni hello kitty at meron din namang malaking hello kitty na yakap-yakap na agad ni Entice.
Tumigil pa kami nang matagal sa bago niyang kwarto bago kami nagpunta sa dining at nagmeryenda. Nalaman ko na mahilig din pala siya sa chocolate cake kaya yun ang mineryenda namin.
Pagkatapos naming magmeryenda nang baby ko ay nagpunta naman kami sa living room at nanood sa disney channel.
Maya-maya ay nakita ko si Manang Pacing na papalapit sa amin.
"Bakit po manang?" tanong ko nang makalapit na siya.
"S-sir. Andito po kasi si Ma'am Tricia."
BINABASA MO ANG
CharDawn: The Mayor
Romance"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki