Kabanata 3

1.6K 44 0
                                    

Maaga kaming nakarating ni Joy sa flower shop para maabutan na rin namin ang nagdedeliver ng mga bulaklak.

"Wow! Tita Joy, the flowers are really beautiful." namamangha si Entice na iginala ang kanyang paningin sa loob ng shop. Halos kapareho lang ang disenyo nito sa una naming shop, mas maliit nga lang ito. Mula sa labas ay may mga naka display nang bulaklak, yung mga nakatanim na sa flower pot. Pagpasok mo nama sa glass door ay sasalubong na rin sa'yo ang iba't-ibang bulaklak. Pwede ring tumawag sa landline namin ang mga costumer para sa pagdedeliver.

"Syempre. Just like you baby Entice." nakangiting baling niya sa anak ko.

"Thanks Tita. Kamukha ko po kasi si mama. That's why." masaya namang sagot ni Entice kay Joy. Tama yan Entice, mana ka talaga sa akin. Haha

Pagkatapos naming mabisita ang flower shop, itinext ko na si Benjie na magkita na lang kami sa mall.

Habang naghihintay kami ni Entice sa Ninang Benjie niya ay pumasok muna kami sa Ice cream parlor dahil gusto daw kumain ng baby ko. Tinext ko na lang si Benjie na dito pumunta.

"Ninang Benjie!" napalingon naman ako sa likod ko ng biglang sumigaw ang anak ko. Siya kasi ang nakaharap sa may pinto.

Agad namang lumapit samin si Benjie at humalik sa pisngi namin Entice.

"Hi baby. Lalo kang gumanda, manang mana ka talaga sa akin." agad namang bumungisngis si Entice sa sinabi n Benjie.

"I know right Ninang." aba't marunong na din palang mambola 'tong anak ko.

Umupo naman si Benjie sa tabi ko at kaharap namin si Entice.

Naramdaman kong hinila niya ang buhok ko. "Bruha ka! Para ka talagang kabute no. Madami kang utang sakin ha." at tsaka niya ako tiningnan ng masama na tinawanan ko lang naman.

"Ngayon na nga ulit tayo nagkita tapos sasaktan mo pa ako?" nagpapacute kong tanong sa kanya.

"Wag kang pacute. Hindi bagay. Kamusta ang U.S?" masaya naman akong nagkwento sa kanya nang mga nangyari samin noon sa U.S. Tungkol sa pagtatrabaho ko sa isa sa mga bake shop doon hanggang sa nakapag pagawa na rin ako nang sarili kong bake shop. Doon kami kumukuha para sa pang araw-araw namin ni Entice. Pero ngayong nasa Pilipinas ako ay pinasarado ko muna iyon.

Pagkatapos kumain ni Entice ng ice cream ay naggala-gala na muna kami sa loob ng mall at bumili na rin kami ng dalawang dress para kay Entice, hindi ko siya pinayagang bumili ng tinuturo niyang barbie dahil marami pa naman siya noon sa bahay. At ang baklang si Benjie, akala ata ay ako ang credit card niya dahil todo shopping talaga siya. Limang paper bag nga ang dala niya. Tumigil nga lang kami ng magyaya si Entice na kumain dahil nagugutom na daw siya.

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon