Kabanata 25

1.7K 40 0
                                    

"Announcing the arrival of our Honorable Mayor Ethan Richard Montreal together with his beautiful wife Mrs. Patricia Marie Montreal and their princess, Entice Marie Montreal."

Iyon agad at ang masigabong palakpakan ang sumalubong sa amin pagkapasok namin sa Gym 1. Nakasunod ang mga body guard ni Ethan sa amin at ang anim naman ay nakapalibot sa magkabilang gilid namin para protektahan kami sa mga taong gustong lumapit sa amin.

Nang makarating kami sa may podium, ay tsaka naman nagsilapit ang sa tingin ko ay mga konsehal ng bayan. Isa isa nila kaming kinamayan habang si Entice naman ay pana'y ang pagbebless sa kanila.

"Napakagandang bata. Kamukhang-kamukha ni mommy at daddy." Narinig kong pagka-usap ng isang konsehal kay Entice.

"Thank you po!!" Nakangiting sagot naman ni Entice.

Iginaya naman sila ni Ethan sa nakareserved sa kanilang lamesa. May nakahayin na roon at may apat na upuan. Ipinaghila naman siya ni Ethan ng upuan pagkatapos ay si Entice.

Maya-maya ay tinawag si Ethan ng emcee para magbigay daw ng speech para sa mga taga San Isidro. Nagpasalamat at bumati lang naman si Ethan sa mga taong nasa gym, ipinakilala rin sila ni Entice at ng banggitin ang pangalan nilang mag ina ay tumayo at tsaka ngumiti sa mga tao, si Entice naman ay parang beauty queen na kumakaway sa mga tao.

"Mommy, can I play with them?" Napatingin ako sa tinuro ni Entice at nakita ko ang mga batang naglalaro sa may isang gilid.

"Later baby. You need to eat first before you join them, okay?" Agad namang tumango si Entice at tsaka niya ito binigyan ng makakain sa plato.

Nang mapalingon siya sa asawa ay nakikipagkamay na ito sa mga taong nasa may podium, napakunot ang noo ko nang may babaeng sumalubong kay Ethan ng pababa na ito ng podium. Matangkad ang babae , mga nasa 5'4 siguro, slim at mahaba ang kulay brown na buhok. Sa tingin ko ay nasa late twenties na ito. Nakita ko ang paghampas niya sa braso ni Ethan at tsaka sila nagtawanan na dalawa.

Napabaling naman ako sa babaeng lumapit sa aming lamesa. Tingin ko ay kaedaran ko lamang ito. Naka kulay yellow itong polo shirt na katulad din ng suot ng mga konsehal.

"Hi, Mrs. Montreal." Agad naman akong napangiti dahil sa all smile na bati niya sa akin.

Tumayo naman ako at tsaka tinanggap ang kanyang kamay.

"Hello po. Upo po kayo." Pag aanyaya ko sa kanya. Naupo naman siya sa aking tabi.

"Thank you Mrs. Montreal. Ako nga po pala si Konsehala Ana Perez." Mapagkumbaba nitong pakilala sa akin.

"Hello po!" Napabaling naman kami kay Entice ng kumaway ito kay Konsehala Ana.

"Hi! Ang ganda mo naman. Kamukhang-kamukha mo si mommy mo."

"Thank you po. You're also beautiful din po. Marami pong nagsasabi na pareho kaming maganda ni mama, pero si papa po talaga daw ang kamukha ko. I am the girl version of him daw po sabi ni papa." Napakagat naman ako sa ibabang labi ko ng sumagot na naman si Entice ng napakahaba. Natural na talaga siguro iyon sa kanya.

"You're right. You and your mom are beautiful but you look like more of our Mayor." Pag-sang ayon naman ni Konsehala Ana.

"I told you so." Nakangiting sagot ni Entice at tsaka naman binalingan ang kanyang kinakain.

"Ah. Kain ka po konsehala." Pag-aalok ko naman sa kanya.

"Ay! Hindi na po, sige lang. Pupuntahan ko po muna ang mga brgy. Captain. Sige po, Mrs. Montreal salamat po. Enjoy po sa pagkain." Matapos na makipagkamay muli sa akin ay magalang itong lumakad paalis at nagtungo sa iba pang lamesa.

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon