After Benjie knocked my senses, nagpasya na akong umuwi sa bahay dahil ng tumawag ako kay Manang Pacing ay hindi raw nagpuntang munisipyo si Ethan.
Nang makarating ako sa bahay ay si Manang Pacing lang ang sumalubong sa akin. Nagpipiano lesson daw kasi si Entice sa taas. Tinanong ko lang si Manang kung nasaan si Ethan at tsaka na ako nagtungo papunta sa aking asawa.
Yes! Aking asawa.
Hindi ko dapat sayangin ang pangalawang pagkakataon namin ni Ethan.
Dumirestso na ako sa opisina niya dito sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, baka kasi maabala ko siya dahil sabi ni Manang ay marami daw itong pinadalang files kanina sa secretary niya. Nang maiawang ko na ang pintuan ay narinig ko siyang nagsalita. Napakunot ang noo ko ng may marinig akong boses ng babae.
"Alam mo namang gusto ko rin iyon, kaya lamang ay ayaw ko na muling mahiwalay sa aking pamilya. Hindi ba't iyan rin ang naging ugat ng aming paghihiwalay, kaya isasangguni ko muna ang lahat kay Tricia bago ako magdesisyon." Narinig ko ang boses ni Ethan. Pinag-uusapan ba nila ang pagtakbi niya bilang mayor? Nakumpirma ko ang aking tanong ng sumagot ang babae.
"Wow! Ikaw ba talaga iyan mayor? Kung mahal ka talaga ni Tricia susuportahan ka niya diyan sa laban mo. Tsaka, paano na lang ang daan-daang tao na umaasa sa'yo? I'm sure you don't want to disappoint them." Nagpantig ang tainga ko sa sinabing iyon ng babae. Pagsilip ko ay nakita ko ang babaeng unknown red specie sa party. So siya pala ang kausap ni Ethan. Akala ko ba ay busy si Ethan sabi ni Manang?
Pero tila naman nagising ako sa huling sinabi ni Unknown red specie. Tama siguro.. no, talagang tama si Benjie na ang selfish ko para isipin lang ang sarili kong nararamdaman.
"Yan din ang iniisip ko. Mahal ko ang pamilya ko at mahal ko rin naman ang mga taong bayan. Kaya nga kahit matagal pa naman ang eleksiyon ay pinag-iisipan ko ng mabuti. Kailangan ko rin ang opinyon ng asawa ko dito." Napangiti naman ako sa naging aagot ni Ethan. Alam ko namang mahal niya ako at mahal ko rin naman siya.
"Eh bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin kay Tricia ng hindi ka parang baliw diyan na isip ng isip." Eh ikae, bakit ka ba nakikisawsas? Ano bang role mo sa buhay ng asawa ko?
"Humahanap pa kasi ako ng tiyempo." Bago matulog ay pinag-uusapan na namin ni Ethan ang mga bagay bagay pero bakit hindi man lang niya iyo masabi sa akin.
Parang nag eecho ang mga sinabi sa akin ni Benjie. Kailangan ko nang maka-usap si Ethan. It's now or never. Bago pa malason ng babaeng iyon ang utak ng asawa ko.
Nakangiti kong binuksan ang pintuan at diretso akong tumingin kay Ethan pero ng makita ko ang suot ni unknown specie ay parang sumama ang timpla ko. Saan ba ang lakad ng babaeng ito at naka dress pa na may sweetheart neckline na halos lumuwa na ang dibdib. Inaakit ba niya ang asawa ko. Sa aking nakita ay parang umurong ang dila ko. Lahat ng iniisip kong sabihin kay Ethan ay parang bigla na lang nawala sa aking isip. Ang tanging natira na lang ay kung bakit at anong ginagawa ng babaeng ito dito.
I can't breath the same air she's breathing.
At dahil naiinis na naman ako sa itsura niya, napagpasiyahan kong mamaya na lang kausapin si Ethan..
Pag wala na ang babaeng iyon."I, ahm. N-naabala ko ba kayo? S-sorry. Hehe S-sige." Peke akong ngumiti sa kanila at tsaka dali-daling isinara ang pinto. Baka kasi masuka pa ako. Just the sight of her makes me spew.
Dali-dali akong dumiretso sa veranda. Iyon kasi ang mas malapit puntahan kesa sa magkulong ako sa kwarto. Ano namang gagawin ko dun? Hihiga sa kama at iiyak? Nagawa ko na iyon dati at wala na akong balak na gawin iyon ngayon.
Osige na. Walang kwenta tong update ko. ✌✌✌✌ Bawi na lang next time😘😂😂
Hindi ko man kayo mapatikim ng handa ko, papatikimin ko na lang kayo mg update ko. 😘😂😂
BINABASA MO ANG
CharDawn: The Mayor
Romance"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki