Sa isang beach resort sa Batangas kami dinala ni Ethan. Mag-aalas dose na rin nang makarating kami sa resort."Baby, wake up!" Gising ko kay Entice. Nakatulog na kasi siya habang nagbbyahe.
Nang mgmulat ang mata niya ay agad siyang napalingon sa papa niya na nakatayo na sa may bukas na pintuan.
"Hello sleepyhead! Come on, andito na tayo." Inilahad naman ni Ethan ang mga kamay niya at agad namang lumapit sa kanya si Entice at binuhat ito.
"Wow! I want to swim papa." Narinig ko ang masayang boses ni Entice ng pababa na ako ng sasakyan. Himala at hyper na agad! Usually kasi ay pag naaabala ang tulog nito ay ilang minuto pa ito bago umimik.
"Later baby! Mag-checheck-in muna tayo tapos kakain ng lunch and then we'll going to swim." Pagka-usap naman ni Ethan si Entice. Masaya namang nag 'okay' i Entice at tsaka humalik sa kanyang papa.
Nang makalapit na ako sa mag-ama ko ay agad namang humawak si Ethan sa aking bewang at tsaka nagpatuloy na sa paglalakad.
"Love, sa room na ba tayo maglalunch o sa malapit na lang na restaurant!" Baling sa akin ni Richard.
"Sa room na lang, kakapagod kasi kung lalabas pa tayo." Nakangiti kong sagot sa kanya. Naramdaman kong humalik muna siya sa may sintido ko bago sumagot ng 'okay'.
"Maaaa, let's swim na pooo." Kanina pa akong kinukulit ni Entice pumunta na raw sa dagat para makapaglangoy na raw siya.
"Sweetheart, masakit pa ang sinag ng araw sa balat. You only have to wait one hour so that we can go swimming na. Okay?"
"Edi, magsunblock na lang tayo 'ma." pamimilit pa niya.
"Baby, wag makulit ha. Halika dito sa tabi ko." Pagyayaya ko na lang sa kanya. Naka-upo kasi ako sa kama dahil tapos ko nang ilagay ang mga damit namin sa closet. Inaayos ko na lang ang susuotin ng mag ama mamaya.
Pero sa halip na lumapit sa akin ay nagpunta siya kay Ethan na nakaupo sa may sofa at nanunuod ng TV. Agad naman siyang kinalong ni Ethan.
"Papa, I wanna go swimming na." Naka-pout pa si Entice habang sinasabi niya iyan. Halatang nagpapa-awa sa kanyang ama.
"Ano bang sabi ni mama, princess?" Tumingin muna sa akin si Ethan bago ngumiti kay Entice.
"Later." Nakasimangot na sagot ni Entice.
"Okay. The boss said it all." Sagot naman ni Ethan.
"But you are the Mayor." Napatawa naman ako sa hirit nang anak namin.
"But your mama is the queen." Ganti naman ni Ethan na dahilan ng pag ngiti ko. Lumingon naman siya sa akin at tsaka kumindat.
"And I am your princess?" Tanong pa sa kanya ni Entice.
"Of course, my pretty princess."
"I love you papa."
"I love you too, princess."
Lumapit naman ako sa kanila at tsaka naupo sa tabi ni Ethan.
"Eh si mama ba, walang I love you?" Kunway nagtatampo kong tanong sa kanila. Nagkatinginan naman ang dalawa at tsaka sabay na nag ' I love you' sa akin. Napangiti naman akong yumakap sa mag-ama ko.
"I love you too." I answered. Nakita kong napangiti si Ethan. Hinalikan naman niya ako sa noo at ganoon din naman si Entice.
BINABASA MO ANG
CharDawn: The Mayor
Romance"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki