Kabanata 24

1.6K 42 0
                                    

New cover ulet! Haha Sa The Trial po yan inedit ko lang. Ayos lang po ba?

Enjoy reading!!!



"Love, nasaan po yung medyas ko?"

Napalingon si Trisha mula sa pinto ng kwarto ni Entice ng marinig niya ang kanyang asawa na tumatawag. Agad namang tumambad sa kanya ang kanyang asawa na naka-kulay asul na long sleeves at tsaka ito tinupi hanggang siko na naka tuck-in naman sa kulay itim na pantalon. Napakagwapo nitong tingnan kahit na magulo pa ang buhok.

"Are you alright, love?" Para naman siyang nahimasmasan sa pagdedaydream niya sa asawa ng maramdaman niya itong nakalapit na sa kanya at nakahawak pa sa magkabilang balikat niya. Napatulala na pala siya.

"Ha? Ah, oo. Bihisan ko lang si Entice." Bakit ba naman kasi hindi pa din siya masanay-sanay sa presensiya ng asawa. Lalo pa siyang naiilang pag ganito lang silang kalapit.

"Bakit, di kapa nagbibihis?" Sita nito sa kanya. Naka-robe lang kasi siya dahil pagkatapos niyang maligo ay nagdiretso na siya sa kwarto ni Entice para ito muna ang asikasuhin. Bago naman kasi siya maligo ay naayos na rin niya ang isusuot nila ni Ethan.

"Uunahin ko muna si Entice para dire-diretso na tayo." Tumaas naman ang kanyang kamay upang pasadahan ang medyo nagusot na damit ng asawa.

"Hmm. Intayin na lang kita." Bumitaw na sa kanyang balikat si Ethan at tsaka ito humawak sa kanyang bewang at iginaya siya sa may kama. Naupo si Ethan sa paanan ng kama at tsaka naman siya niyakap sa bewang. Hinawi naman niya ang buhok nito na medyo basa pa.

Napakislot naman siya ng maramdaman ang kamay ni Ethan na gumuguhit na paikot-ikot sa kanyang likod. Napapaliyad siya dahil sa kiliti na dala niyon.

"Ano ka ba? Itigil mo nga yan. Nakikiliti ako Ethan." Marahan niyang saway sa asawa at tsaka hinampas sa may balikat.

Tiningala siya ng asawa. Muli siyang napakislot ng maramdaman ang pagpisil ng asawa sa bewang. Pinigil niya ang pagsigaw dahil sa kiliti. Lalayo na sana siya ng hapitin muli siya ni Ethan papalapit.

Sasawayin na niya sana itong muli ng biglang bumukas ang pinto ng banyo sa kwarto ni Entice.

Napalingon sila dito. Iniluwa nito si Entice na malapad ang ngiti at naglakad na medyo tumatalon.

"Mama, I'm ready! I'm ready!" Nakataas pa ang dalawang kamay nito at agad na lumapit sa kanya.

Naramdaman niya ang pagluwag ng hawak sa kanya ni Ethan. Bumaling siya sa anak at tsaka ito binuhat pataas sa kama.

"Hi papa." Bati ni Entice sa ama na may kasamang kaway pa ng kamay. Parang ilang araw silang hindi nagkita gayong magkakasama lang sila kanina sa tanghalian. Mababakas mo talaga ang kasiyahan sa boses at kilos ni Entice.

"Hello princess. You're really excited huh?" Nakangiting bati rin naman ni Ethan kay Entice na ngayon ay inaayusan na ni Tricia ng suot na floral dress na kulay blue rin. Gusto kasi ni Entice na magkakatulad silang tatlo ng kulay ng damit.

"Yes, papa. Manang Lucing told me that, San Isidro's christmas party is the best. She told me that there's a plenty of food there and lots and lots of kids. I am excited po to play with them." Napangiti na lang silang mag-asawa ng wala na namang preno itong magkwento. Inalalayan naman ni Ethan si Entice paupo sa kama at tsaka ito sinuotan ni Tricia ng doll shoes na black. Inilagay naman ni Tricia ang clip na may design na bulaklak din sa kanang part ng buhok ni Entice.

"Okay! My baby is now ready.! Masayang anunsyo ni Tricia. Agad namang humarap si Entice sa full-length mirror nito na nasa kwarto at tsaka masayang umikot-ikot. Humarap ito sa kanilang dalawa ni Ethan.

"Thank you mama. I'm going to Manang Pacing to show her how beautiful my dress is." At tsaka ito dali-daling lumabas ng kwarto.

"Careful baby." Sabay nilang saway na mag-asawa na sinagot lang naman ni Entice ng bungisngis.

"So, do you mind taking care your another baby now?" Tila nagpapa-cute na pag-agaw ni Ethan ng atensyon sa kanyang asawa. Napatingin naman sa kanya si Entice at tsaka ito napabungisngis.

"I don't mind at all." Agad namang hinila ni Ethan ang asawa pabalik sa kanilang kwarto.

"Bakit, di kapa nag-aayos?" Sita ni Tricia sa asawa.

"Hinahanap ko pa po kasi yung medyas ko." Sagot naman ni Ethan.

"Ay! Wala ba akong nailabas? Wait kukuha lang ako." Agad namang nagtungo si Tricia sa walk-in closet at tsaka kumuha ng pares ng medyas sa drawer. Dumaan na rin siya sa shoe rack para kuhanin ang brown leather shoes ni Ethan. Ibinigay niya rin naman agad iyon sa asawa ng makabalik siya.

"Thanks!" Ngiti nito sa kanya at tsaka siya mabilis na hinalikan sa labi. "Bihis ka na rin, kanina pang excited si Entice sa baba, eh." Sabay palo nito sa kanyang pwet.

Pinanlakihan niya ito ng mata na tinawanan lang naman siya. Naglakad na siya patungo sa vanity table at tsaka nag-ayos ng sarili. Kita naman niya ang asawa sa may kama na nagsusuot na ng sapatos. Nang makapag lagay ng light make-up ay nagtungo siya pabalik sa walk-in closet para makapagbihis. Isang simpleng blue dress din ang suot niya with the touch of black and white. Tinernuhan naman niya ito ng three inches stiletto. Nang makalabas siya ay nakatayo na rin si Ethan sa harap ng salamin at inaayos ang buhok, nang lingunin siya nito ay malapad itong napangiti sa kanya.

"What did you do to my wife? Ilabas mo ang asawa ko." Napatawa naman siya sa reaksyon ni Ethan. Agad itong lumapit sa kanya at akmang hahalikan siya ng bigla siyang umatras palayo dito.

"Hep! Masisira ang lipstick ko. Tara na sa labas dahil for sure inip na si Entice satin." At tsaka siya naglakad na palabas ng kwarto.

Nilingon niya ang asawa ng maramdamang hindi ito sumusunod sa kanya. Nakita niyang nakatingin lang ito sa kanyang likod.

"Do you have a plan on just standing there?" Nakangiti niyang tawag kay Ethan.

"Mamaya ka sa akin." Mahinang bulong ni Ethan sa sarili ngunit narinig naman iyon ni Tricia na tinawanan lamang.

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon