Napag-usapan namin ni Ethan na sa Byernes na lang kami aalis para sa bakasyon na sinasabi niya. Dahil myerkules pa lang naman ngayon kaya may dalawang araw pa kami para makapag-ayos nang dadalhin namin para sa bakasyon.
Naghire nang mamamahala muna nang flower shop si Ethan para may magbantay noon habang nasa bakasyon muna kami.
Hindi na siya pumayag na lumabas kami ni Entice nang bahay dahil nga sa mga reporters na hanggang ngayon ay uhaw pa rin nang impormasyon.
"Mama, how can I help you po?" napalingon ako kay Entice nang pumasok siya dito sa kusina, mukhang kagigising lang niya mula sa afternoon nap niya dahil medyo pipikit-pikit pa siya. Habang nagmomovie marathon kasi kami kanina ay nakatulog silang mag-ama kaya naman napag pasyahan kong magbake na lang nang paborito nilang chocolate cake at ng cookies.
"Thanks baby. Pero kasi tapos na ako magbake kaya tikman mo na lang yung cookies. Yung chocolate cake mamaya pang dinner yun." lumapit ako sa kanya at tsaka ko siya binuhat at kinandong sa aking hita para pakainin siya nang cookies. Gusto kasi ni Entice na tuwing nagigising siya ay niyayakap o di kaya ay nilalambing.
"Yey! Thank you mama." at tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.
"Welcome baby."
"Hmm. Ang bango naman." napatingin kami ni Entice sa pinagmulan nang boses na iyon. Si Ethan na naglalakad na papalapit sa pwesto namin. Mukhang kagigising lang din.
"Hi papa. Mama baked cookies and chocolate cake for us." masayang kwento ni Entice sa kanyang ama.
Nang makalapit si Ethan ay hinalikan naman niya si Entice sa pisngi at nagulat naman ako nang pati ako ay halikan din niya.
"I bet it's delicious." nakangiti siya sa amin. Agad naman siyang umupo sa tabi ko. Naramdaman ko naman ang kanang braso niya na nakasandal sa upuan ko. Kaya para siyang nakaakbay sa akin.
"It is papa. Try this po oh." tsaka siya sinubuan ni Entice na agad naman niyang kinain. Nagpakalong na din sa kanya si Entice. Tingnan mo yan, nakita lang ang ama humiwalay na sa'kin.
"Thank you baby." at tsaka niya hinalikan si Entice sa pisngi. "It's delicious. Your baking skills is even better." nakangiting baling niya sa akin. Agad ko namang sinuklian ang ngiti niyang iyon.
"Salamat. Di ba nga, may bake shop ako nun sa U.S kaya nahasa dun yung baking skills ko. Ay teka, ano pa lang gusto mong maiinom? Coffee, juice or water?" at tsaka ako tumayo para ikuha siya ng baso.
"Juice na lang din po mama." napatingin naman ako sa kanya nang tawagin niya akong 'mama' at nakita kong nakangisi siya sa akin na sinimangutan ko lang para maitago ang kilig ko.
Lumipat naman ako sa tabi nila ni Entice para ipagsalin siya nang juice. Nasa lamesa na kasi yun dahil yun ang gusto ding inumin ni Entice kanina.
Habang nagsasalin ako ng juice ay naramdaman ko ang kamay ni Ethan sa aking bewang kaya muntik nang matapon ang juice na isinasalin ko. Hanggang ngayon ay may kakayahan pa rin siyang patarantahin ako sa mga simpleng kilos niya.
Napatungo ako sa kanya nang pisilin niya ang bewang ko. Napataas ang kilay ko, ano pa bang kelangan nito? Di na nga ako magkandaugaga dahil sa mga kabayong nagkakarerahan dito sa dibdib ko dahil sa mga sweet gestures niya.
"Thank you!" he sincerely said. Thank you for what? For the merienda or for giving us a second chance? Gusto ko sanang isagot pero sa loob ko lang yun at naupo na din ako sa tabi nila.
NANG makatulog na si Entice na nasa gitna namin dahil gusto daw niya kaming makatabi nang papa niya ay naramdaman kong tumayo si Ethan mula sa pagkakahiga niya sa kaliwang parte ni Entice. Napatingin ako sa kanya.
"May kukunin lang ako sa office. Saglit lang 'to, tulog ka na din." tumungo siya at tsaka ko naramdaman ang mainit niyang labi sa may noo ko. Agad naman akong ngumiti sa kanya at pumikit na din, ang huli kong nakita ay ang likod ni Ethan na papalabas na nang pinto.
Naalimpungantan ako nang may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko. Agad akong napadilat at nakita ko ang mukhang pagod at inaantok na na si Ethan. Napakunot ang noo ko at tumingin sa orasan na nasa side table at nakitang pasado alas dose na nang umaga.
"I'm sorry, did I wake you up?" tsaka niya hinaplos ang pisngi ko. Agad naman akong naupo sa kama at humarap sa kanya.
"H-hindi okay lang.Bakit gising ka pa?" akala ko ba ay may kukunin lang siya sa opisina niya, bakit inabot na nang alas dose nang umaga? 'wag niyang sabihing sa opisina pa niya sa munisipyo siya may kinuha?
"Tinapos ko lang yung mga kelangan kong pirmahang papeles at tsaka binasa ko pa yung ilang proposals na kelangan kong aprubahan para wala na akong iintindihin sa bakasyon kundi kayo lang ni Entice. Di ko namamalayan ang oras kaya inabot na ako nang twelve midnight. I'm sorry." hinalikan naman niya ako sa noo.
"Ethan, okay lang naman kasi kung hindi muna tayo magbakasyon. Pwede namang dito na lang tayo sa bahay at--" natigil naman ang pagsasalita ko nang bigla niya akong halikan sa mga labi. Ilang segundo rin iyong nakalapat sa labi ko bago siya lumayo sa akin nang ilang sentimetro. Magkadikit ang aming ilong at para akong maduduling sa lapit namin sa isa't-isa.
"Ssh. Diba sinabi ko sayong babawi ako sa inyong dalawa ni Entice? And besides, gusto ko din naman makapagrelax kasama kayong mag-ina ko. I want to spend my time with my family. Three years being away from you is like a comatose patient fighting for his life. Fifty percent of my life is living and the remaining fifty percent is dying. You and Entice are my life now." napaiyak naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi man diretso niyang sinabi ang mga salitang gusto kong marinig pero ramdam ko sa puso ko at base na din sa sinabi niya ay mahal pa rin niya ako.
Naramdaman kong muli ang pagdampi nang labi niya sa mga labi ko at ang mga daliri niyang pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Maya-maya ay naramdaman ko na sa aking likod ang malambot na kama at ang paghiwalay nang labi niya sa akin.
"Good night love." at tsaka siya pumunta sa dati niyang pwesto sa kaliwa ni Entice at niyakap niya kaming dalawa.
"G-good night din." humarap ako sa kanya at pareho naming yakap si Entice. At dahil mas mahaba ang mga braso niya ay pati ako ay nayayakap niya din. Nakatulog akong may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
CharDawn: The Mayor
Romance"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki