Nang makapasok kami sa restaurant na pinili ni Entice ay agad din naman kaming umorder.
"Mama, I think I can eat a horse. I'm hungry." reklamo ni Entice habang nakahawak pa sa tiyan niya.
"Ay. 'Tong batang to, nagugutom na nga lang ako pa ang gustong kainin. Naka-order na po ang mama mo Senyorita." agad namang napatawa si Entice nang magets ang sinabi ng Ninang Benjie niya. Matalino kasi yang anak ko kaya naman nagets niya agad ang sinabi ni Benjie.
"It's only a hyperbole ninang." nakabungisngis na sagot ni Entice sa ninang niya. Bongga ng anak ko, five years old pa lang alam na agad ang hyperbole.
"Osige. Kaw na matalino, mana ka sa ama mo." napatingin naman agad ako kay Benjie sa sinabi niyang iyon. Pati siya ay napatingin din sa akin na parang nagsosorry, hindi dahil nagmana si Entice kay Ethan ng katalinuhan kundi sa pagbanggit niya ng ama nito. Agad ko naman siyang pinanlakihan ng mata.
"Talaga Ninang mana ako kay papa? Sino mas kamukha ko Ninang, si mama o si papa?" napakagat-labi naman ako ng makita ko ang excitement sa mata ni Entice at sa boses niya. 3years old pa lang kasi siya nung iniwan namin ang ama niya at siguradong wala pa siyang maayadong natatandaan noon. Naikukwento ko naman sa kanya ang ama niya ngunit limitado lang ang sinasabi ko dito gaya ng pareho sila ng ama niyang mahilig sa chocolate cake, sa sinigang at mayor ang papa niya sa lugar kung saan kami nakatira.
Naguilty ako ng makita ko ang reaction ni Entice na sabik sa kanyang ama. Oo, nagkikita sila sa Skype pero iba pa din pag personal. Kahit na sinabi ni Entice na naiintindihan niya ang sitwasyon namin, alam kung nalulungkot din siya na malayo sa ama niya. Nakabalik lang ako sa reyalidad ng makinig ko si Benjie na umimik.
"Ahm, pareho kayo ng papa mo ng color ng mata, pati ng lips. Tapos yung shape ng mukha mo, pareho sa mama mo pati ang nose mo. Pantay lang e. Pareho mo kamukha, kaya nga ang ganda mo e, mana ka sakin." nagtawanan lang kaming tatlo sa sinabi ni Benjie. At talagang naisingit pa niya ang kagandahan niya ha.
Nagpakwento pa si Entice sa ninang niya ng tungkol kay Ethan at sa buhay ni Ethan dito sa Pilipinas mula nung umalis kami at sumasali naman ako sa usapan nila pag tinatanong nila ako.
Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura ni Entice dahil sa pananabik sa kanyang ama hanggang sa makauwi kami ay iniisip ko pa din iyon. Hindi lang naman ako ang dapat sisihin dito diba? Binigyan ko ng choices noon si Ethan pero mas pinili niya pa rin ang paglingkuran ang iba kesa sa amin ng anak niya.
BINABASA MO ANG
CharDawn: The Mayor
Romance"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki