Mag aalas-siete na ng makauwi si Ethan sa kanila. Pagpasok niya ng bahay ay sinalubong agad siya ng kanyang anak na si Entice na nakapamrwang at nakakunot ang noo.He chuckled on the sight of her. Mini version ni Tricia ang kanyang nakikita. Ang nakakunot na noo, kamay sa bewang at ang nakasimangot na labi ng anak.
"Papa, where have you been? Kanina pa po kita hinihintay?" Pag-uusisa sa kanya ng kanyang anak.
"May meeting kasi si Papa princess, and sorry for making you wait. May ice cream akong dalaaa." Masayang anunsyo niya at tsaka ipinakita ang isang paper bag na nasa likod niya. Agad naman siyang nilundag ng kanyang anak at tsaka siya pinaghahalikan sa mukha.
"I love you papa! And thank you po sa ice cream."
"You are always welcome baby. And I love you too. Where's your mama?" Napansin kasi niyang wala si Tricia sa sala.
"She's in the kitchen papa." Napalingon naman siya sa kusina at tsaka niya narinig ang pagtatama ng kubyertos. Agad naman niyang tinungo ang daan papuntang kusina habang buhat-buhat si Entice.
"Mama, papa is already here." Entice informed her mom before he can utter a word.
"Oh, Hi! Ginabi ka yata ng uwi?" Nakangiting lumapit si Tricia sa mag-ama at tsaka humalik sa pisngi ng dalawa.
"May meeting kasi ako kanina sa labas. Sorry kung di na ako nakapagtext, naiwan ko kasi ang cellphine ko sa opisina." Pagpapaliwanang naman ni Ethan sa asawa at tsaka ibinaba si Entice sa upuan.
"Ayos lang. Alas kwatro na rin naman kasi kami nakauwi ni Entice galing sa flower shop." Agad namang kinuha ni Tricia ang ice cream at tsaka iyon inilagay sa ref.
"You should change your clothes now. Tapos na naman akong magluto, maghahayin na lang ako." Utos ni Tricia sa asawa at tsaka marahan itong tinapik sa braso. Agad namang inamoy ni Ethan ang sarili at tsaka nagtatakang tumingin kay Tricia.
"Hindi pa naman ako mabaho, a?" Sagot sa kanya ni Ethan na ikinatawa niya. Dahan-dahan siyang dumikit kay Ethan at tsaka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng asawa bago inilapit ang mukha sa leeg nito.
"Hmp. Mabaho na kayo." Pang-aasar niya sa asawa.
Agad namang nanlaki ang mata ni Ethan at napapantastikuhang tumingin sa kanya.
"Ah, mabaho pala ha." Agad namang napabitaw si Tricia kay Ethan dahil sa nambabanta nitong boses. Akma na siyang tatakbo ng mahawakan siya nito sa magkabilang bewang at tsaka inamoy-amoy ang kanyang leeg.
"Ethan!" Natatawa niyang pigil sa asawa. Nakikiliti kasi siya sa mga tumutubong balbas nito.
"Hmmm. Ang bango naman ng misis ko, amoy usok." Natatawa nitong salita habang inaamoy pa din ang kanyang leeg. Kokontrahin pa sana niya ang sinabi nitong amoy usok siya ng marinig nila si Entice na tumikhim bago nagsalita.
"Can we eat na po mama, papa?" Napatingin siya kay Entice na nakasimangot na. Paniguradong gutom na ito, nagsusungit na e.
"Okay, I'll just take a shower." Sagot naman ni Ethan sa anak bago nginitan. Bumaling naman ito sa kanya bago bumulong.
"Sungit! Mana sa mama." Aangal pa sana siya ngunit tumalikod na ito at tsaka natatawang naglakad papunta sa hagdan.
"Love, 'lika muna saglit." Narinig ni Tricia na tawag mula sa kanyang asawa na nasa banyo.
Naglakad si Tricia patungo sa banyo na nasa kanilang kwarto na nakabukas ang pinto.
"Tapos kana magshower?" Tanong niya ng makalapit siya sa pinto.
"Uhuh. Dito ka sa loob." Napataas ang kilay ni Tricia sa narinig.
"If you are thinking doing it inside the bathroom, naku Ethan. Lumabas kana diyan at matulog na tayo." Tatalikod na sana siya nang marinig niya ang pagtawa ng asawa at ang paghawak nito sa kanyang kamay.
"Ethan, ano ba? We are too old to do it in the bathroom. Ang tanda na natin para diyan sa pag-iimbento nang kung ano-ano." Pagpipigil pa rin niya dito samantalang tawa lang naman ng tawa sa kanya si Ethan.
Nanlaki ang mata niya ng isandal siya nito sa sink at tsaka siya hinawakan sa magkabilang bewang.
"I will never get tired of loving you, love." At tsaka dahan-dahan itong tumungo sa kanya at tsaka siya masuyong hinalikan. Napapikit naman si Tricia nang maramdaman ang marahang paggalaw ng labi ni Ethan sa kanya.
Napairit naman siya ng maramdaman niyang iniangat siya ni Ethan sa sink na nasa likod niya. Dahan-dahang pinaghiwalay ni Ethan ang kanyang mga binti na dahilan ng pagtaas ng kanyang duster. Pumagitna naman si Ethan sa kanyang mga hita at tsaka siya muling hinawakan sa bewang. Napalunok siya sa kanilang posisiyon.
"A-ah E-ethan," tila nagtatanong ang mga mata ni Tricia habang naiilang na nakatingin kay Ethan.
"Yes love?" Nakangiting tanong nito sa kanya.
"Ahm, kelangan ba talagang nasa sink ako?" Nakatungong tanong ni Tricia kay Ethan. Ramdam niya ang init na nagmumula sa kanilang mga katawan. Hindi na siya makatingin kay Ethan dahil sa hiya.
"Yes. How can you shave me if you cannot see my face clearly?" Agad naman siyang napatingala ng marinig niya iyon. Pilyo itong nakatingin sa kanya.
"S-shave you?" Nauutal na tanong nito sa asawa. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip niya pati na rin ang kanyang sinasabi tapos magpapa ahit lang pala ito ng balbas? Namumula at nanginginit ang pisngi niya habang naiisip ang kanyang mga sinabi kanina lang.
"Hope you don't mind?" Medyo natatawa nitong tanong sa kanya na tila mo ay niloloko siya.
"B-bakit?" Ang tangi na lang niyang naisatinig.
"Sabi mo nakikiliti ka sa mga beards ko, kaya ipapa-ahit ko na sa'yo, just like the old times. Para hindi ka tawa ng tawa habang niroromansa kita." Taas- baba ang kilay nito habang sinasabi ni Ethan iyon.
"Loko-loko!" Nahampas niya sa dibdib ang asawa dahil sa kalokohan nito.
"Bakit, ano bang iniisip mo kanina? You thought we will make love here inside the bathroom?" Agad naman siyang namula sa sinabi ng asawa dahil tama ito. Iyon nga ang iniisip niya ng tawagin siya ng asawa kanina.
"Halika na nga, ishe-shave na nga kita." Agad niyang hinawakan ang mukha ng asawa at tsaka sinimulan na niya itong ishave.
Horay for taday ;) Hi , pabasa rin po ako ng other story ko. Yung Lost In Love. CharDawn fiction din yun. Sana suportahan niyo yun katulad ng pagsuporta niyo dito. Salamat po♥♥
BINABASA MO ANG
CharDawn: The Mayor
Romance"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki