Kabanata 22

1.7K 49 9
                                    

I dedicated this chapter to my twelve years old reader in California, @kalurkypenguinx . Thank you sa pagsupport ng story ko at pag PM mo sakin sa IG. xoxo♥♥








Nag-aarrange ng mga bulaklak si Tricia ng may biglang tumapik sa kanyang pwet.

"Ay!" Agad namang nilingon ni Tricia ang nagmamay-ari ng makasalanang kamay na iyon at nanlaki ang mata niya ng makita niya si Benjie.

"Benjie!" Nanlalaking mata na tawag niya sa kaibigan. Noon pa man ay lagi nasiya nitong tinatapik sa pwet kapag darating siya.

"Ay! Ang sensitive. Parang di kana nasanay sakin ha." Sita nito sa kanyang naging reaksiyon habang sinusumping ang imaginary hair niya. Sinuklian lang naman siya ni Tricia ng irap.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Tricia sa kanya at tsaka sila naupo sa may receiving area.

"Ano, nagkabalikan lang kayo niyang si Ethan hindi na ako welcome dito? Ansakit noon ha." Kunwari'y nagtatampong wika ni Benjie sa kaibigan.

"Drama nito. Nasaan kaba noong mga nakaraang araw at hindi kita macontact?" Pag-uusisa ni Tricia.

"Alam mo namang pag nagpapaganda ako e hindi ako nagpapa istorbo. Pero maiba ako, ano yung napanood ko sa TV na naispot-an daw kayo ni Mayor Montreal sa isang beach resort? Solohan ganun? Di man lang nagyaya?"

"Sabi kasi ni Ethan, kaming tatlo lang daw e." Hindi pinansin ni Tricia ang nag-uusisang tingin sa kanya ni Benjie.

"Bakla ka! Ang sabihin mo, gusto mo lang masolo si Ethan. Kung sabagay, three years of being away to each other sigurado naman akong giliw na giliw kayo sa isa't-isa." Sinimangutan na lang ni Tricia ang kaibigan dahil alam na niya ang tumatakbo sa isip nito.

"Sus! I know you too well Patricia. Iyang pamumula niyang tenga mo e nangangahulugan lang iyan na may ginawa kayong kababalaghan ni Ethan." Nanlaki ang mata niya sa narinig kay Benjie at dahil na rin sa lakas ng boses nito. Paano na lang kung may ibang makarinig dito. Wala talagang pinipiling lugar ang bruha.

"A-ano bang sinasabi mo diyan." Nag-iwas siya ng tingin sa kaibigan.

"Ayyyy. Guilty! Naku! Magiging ate na si Entice." At tsaka ito tumawa ng malakas. Iimik pa sana siya ng humahangos na dumating si Entice.

"Ninang Benjieee!! I miss you!  I heard your shrill voice and I immediately run here to see you 'coz I really really miss you. How are you po ninang?" Ngiting-ngiti si Entice na nakayakap kay Benjie. Halatang namiss nga ang kanyang ninang.

"My God, baby! Wala na namang tigil yang bibig mo. Pero okay lang naman si Ninang, maganda pa rin! Ikaw kamusta? Balita ko nagbakasyon daw kayo kasama ang papa mo?"

"Yes, Ninang. We went to Batangas and..." at tsaka sila nagkwentuhan ng dalawa na parang nakalimutan na nila ako. Kay Benjie ata nagmana itong si Entice e. Hahah

Nang mapatingin ako sa may counter ah may tatlo doong customer. Isang babae na medyo nasa forty plus na at isang binata na sa tingin ko ay nasa eighteen pa lang. Ang isa naman ay lalaki rin na nasa mid-twenties na rin ang edad. Tumayo na muna ako para tulungan si Joy sa pag aasikaso sa mga customer.


Nang lunch time na ay nagyaya ang magninang or magninong  na sa mall na lang daw kami maglunch, samantalang sina Joy naman ay oorder na lang daw sa restaurant na malapit sa shop at doon na kakain. Nang makarating kami sa mall ay kumain na agad kami sa napiling restaurant ni Entice. At ang akala kong paglalunch lang sa mall ay nauwi sa panonood ng sine. Dahil tuwang-tuwa si Benjie at Entice kay Awra at Onyok ay ang The Super Parental Guardians ang napili naming panoodin. Maganda yung TSPG, pam bata at ang pampamilya. Sa gitna nang panonood namin ay napansin kong umiilaw ang aking cellphone. May text si Ethan na agad ko rin namang binasa.

"Lunch na kayo ni Entice, love. Nasa La Casa Hotel kami ngayon. Lunch meeting w the councilors. Don't skip your lunch, love. Iloveyou.♥"

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa text ni Ethan. Nireplyan ko naman agad siya at pinaalam sa kanya na nasa mall kami kasama si Benjie. Hindi ko na naman inabala si Ethan dahil baka nagsisimula na ang kanilang meeting.

Ipinagpatuloy ko na ang panonood ng TSPG. Nang makalabas kami sa sinehan ay nagyaya muna ang mag ninang magshopping na inabot ng tatlong oras at aabutin pa sana kami ng closing ng mall kung hindi pa ako nagpumilit sa kanila na umuwi. Itinext ko na lang si Joy at humingi ng pasensya dahil hindi na ako nakabalik. Nagreply naman siya na okay lang daw at enjoy daw kami. Hm. Abala talaga yang si Benjie. Haha djke.✌

Nang makarating sa bahay ay agad kong tinungo ang mahabang sofa na parang tinatawag ako na upuan ko siya. Dahil siguro sa pagod ay hindi ko na namamalayan na nakatulog na rin ako sa sofa.

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon