Kabanata 14

1.8K 49 0
                                    

Nagising ako dahil sa init nang araw na nagmumula sa veranda na tumatama sa aking mukha. Nandito na ako sa kwarto ni Ethan, naramdaman kong inilipat niya ako dito mula sa pagkakatulog namin sa office niya ngunit hindi na ako nakapagprotesta dahil sa antok.

Tumingin ako sa side table at nakita kong mag aalas otso na nang umaga. Agad akong nagtungo sa banyo at nag ayos nang aking sarili upang makababa na.

Habang naglalakad ako pababa nang hagdan ay narinig ko ang tawa ni Entice na nanggagaling sa kusina. Agad naman akong nagtungo doon. At parang may mainit na humaplos sa aking puso nang makita ko si Entice na nakatayo sa silya habang may hinahalo sa isang bowl. Samantalang si Ethan naman ay nakatalikod sa kinaroroonan ko habang may hawak na spatula.

Si Entice ang unang nakapansin sa akin.

"Good morning mama." masayang bati niya sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi.

"Good morning din baby! Busy ata ang baby Entice ko a." puna ko sa kanya.

"Mama, I'm helping papa po. He said he'll cook pancakes." nakangiti niyang kwento sa akin. Mukhang maganda ang gising. Napatingin naman ako kay Ethan at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Nginitian ko siya.

"Good morning." sabay naming bati sa isa't-isa. Napangiti kami pareho.

"How may I help you?/ I'll make you a coffee." nagkatinginan kami at mahinang napatawa dahil nagkasabay na naman kami sa pagsasalita.

"The two of you are cute po. Hihi" hagikhik ni Entice. Napangiti na lang ako.

"Sige na, tuloy niyo na yan, ako na ang gagawa ng coffee ko." sabi ko sa kanya at tsaka ko tinungo ang coffee maker. Ipinaagpatuloy naman ni Ethan ang pagluluto at ganun din naman si Entice.

Nang matapos silang magluto ay ako na ang nag ayos na lamesa. Naupo si Ethan sa komedor at sa kaliwa naman niya ako habang si Entice ay sa kanan niya.

Bago maupo ay nilagyan ko muna siya nang pancake sa plato at hinayan siyang maglagay nanv maple syrup. Pagkaupo ko ay nilagyan naman agad ni Ethan ang plato ko.

"Thanks." ngiti ko sa kanya. Ngumiti lang din siya sa akin bilang tugon.

Masaya ang naging umagahan namin, at syempre si Entice pa din yung makwento. Sumasang ayon at sumasagot lang kami ni Ethan pag tinatanong niya.

"Ahm, Trisha. Pinakuha ko nga pala ang mga gamit niyo sa apartment kay Manang Pacing at sa kay Jose. Hope you don't mind? Sorry kung pinakialaman ko na." naninimbang na sabi niya. Nagulat naman ako.

"How come- I mean, paano nila nabuksan yung apartment namin?" ano yun sinira nila ang pinto.

"Ah. Kinausap nila ang land lady para ipaalam na hindi na kayo dun titira. Sorry kung napangunahan kita." Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw nang mesa.

"Ah. Okay lang. Nasaan na pala yung gamit namin?" hindi naman kasi big deal yun diba? Gusto lang naman niya kaming makasama ni Entice.

"Yung gamit mo, napaayos ko na kay Manang Pacing sa kwarto natin at yung kay Entice naman ay maayos na ding nakalagay sa kwarto niya." kwarto natin! So sa kwarto niya nga ako tutuloy? Jeez. Malamang Patricia, mag-asawa pa rin naman kayong dalawa diba? At tsaka di ba nga mag istart all over again kayo! Kastigo ko sa aking sarili.

"Tricia, is it okay with you kung magbakasyon muna tayo nina Entice?" nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakasyon? Why not?

"Magbabakasyon po tayo papa?" dahil sa napakasaya ni Entice ay napa oo na din ako kay Ethan. Walang mapagsidlan ang tuwa ni Entice, nagpaplano na nga siya nang mga gagawin niya daw sa bakasyon na sinasabi ni Ethan.

Pinisil ni Ethan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Diba sinabi ko sa'yo kagabi na I will make it up to you? Kaya naisip ko na magbakasyon tayo nina Entice para makabawi ako sa inyo. At tsaka, isang linggo pa lang kayo nakakauwi dito sa Pilipinas trabaho na agad inaatupag mo. You should relax." ngumiti siya na lalo namang nagpagwapo sa kanya. Kita ang kasiyahan sa mga mata niya.

"Nabobored kasi ako sa bahay kaya tinulungan ko na sin si Joy sa flower shop."

"Ngayong nandito kana sa San Isidro, ako na lang ang atupagin mo para di ka mabored." nakangisi siya nang sinabi niya iyon. Inirapan ko nga. Still the same Ethan Richard whom I know.

"Ewan ko sa'yo." napatawa naman siya sa sagot ko at tsaka niya hinalikan ang kamay ko na hawak niya. Jeez. Magaling pa ding magpakilig ang kumag na 'to.

Hi Trisha Nicole 👋 Hehe eto muna ha ;)

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon