Share ko lang yung napanaginipan ko😂😂😂Nasa isang beach resort daw ako sa Batangas, tapos nakita ko si Jacobo na naglalaro kasama ang mga kaklass niya. Nung una, pinapanood ko lang siya tapos nung magsink-in sa utak ko na posibleng andun din si Mama Dawn, naggala na daw ako sa resort.
Una kong nakita si Sir Anton na maraming kausap.
Naglakad pa daw ako hanggang sa makita ko si Mama Dawn na may pictorial. Andaming nanonood sa kanya, tapos nakipila din ako sa mga taong andun.
Humarap si mama saakin tapos pinayagan niyang picture-an ko siya, edi inilabas ko daw yung camera ko para picture-an siya.
Noong pantatlo na daw ako sa pila, biglang nalobat ang cellphone ko , I can't imagine kung mangyayari yun sa totoong buhay baka naibato ko na ang cellphone ko sa sobrang inis!!
Edi tumayo daw muna ako para maghanap ng camera, nanghiram ako sa mga nakapila doon pero wala din silang cellphone, pagtakbo ko sa kabilang side andoon daw mga classmate ko, nanghiram ako ng dalawang cellphone. Isang pamvideo at isang pampicture. Pagdating ko, it's my turn na daw para makausap si mama.
Noong pinapahawak ko na yung mga cellphone sa mga kasunod ko e ayaw nila akong picture-an at videohan,buti na lang at dumating yung kaklase ko... si Princess, at tsaka niya kinuha ang cellphone.
Naglakad na ako papalapit kay mama with bond paper and pencil ewan ko lang kung para saan yun. Hahah
Naupo ako sa mismong harap ni mama, sa may gilid ni mama Dawn ay may lamesa, nagsusulat siya doon ng pangalan ng fan.
"Hi mama." Ang saya ko nung nabati ko siya pagkaupong-pagkaupo ko.
''Hi Camille Grace." Masaya rin si mama noong binati niya ako. Medyo naspeechless pa nga ako nung una pero ng magsink-in sa akin yung bati ni mama ay naka-imik naman ako.
"Ay! Camille Joy po yun mama." Pagcocorrect ko sa pangalan ko.
"Ay. Camille Grace na kasi ang nakasulat dito eh. Tingnan mo, may katulad ka ng apelyido." Tiningnan ko yung lamesa at may nakalatag doon na tarpaulin, at nandoon nga yung Camille Grace Carolino.
Ang galing ni mama sa panaginip ko kasi hindi ko naman sinasabi sa kanya yung surname ko pero alam niya. 😊😘😂
Tinawag ni mama yung babae, siya yung nag aayos samin sa pila at kung sino na ang next na kakausap kay mama.
"Tingnan mo yung mga apelyido ng mga fans ko, puro nagtatapos sa O." Natatawang sabi ni mama doon sa babae.
Marami pang sinabi si mama doon sa babae, pero hindi ko na yun maalala dahil doon sa panaginip ko, nakatitig lang ako kay mama at nakangiti.
Napabuntong-hininga ako.. kasabay noon ay ang
Pag-gising ko!! Waaaaah😭😭
♬♪♩Ayoko na sanang magising♩♪♬Isheshare ko na lang dito kasi napakahaba naman kung sa facebook ko siya ipost. At tsaka ito yung first time ata? Na kinausap ako ni mama sa panaginip, dati kasi nakakasama, nakakayakap, nakikiss ko siya, nahahawakan niya ang kamay ko, katabi pagtulog, basta mga physical contacts lang noon pero ngayon nakausap ko na. Waaaaaaaaaaaaah! Pero, panaginip lang pala ang lahat! 😭
12/22/16
BINABASA MO ANG
CharDawn: The Mayor
Romance"People change, memories remain." -anakngchardawn "Stab the body and it heals, but injure the heart and the wounds last a lifetime." -Mineko Iwasaki