Epilogue

2.2K 48 2
                                    


Sa lahat po ng umabot sa Chapter na ito, Thank you very much po!! Let's end this story like how we ended our 2016. HAPPY😂

Date Started: July 10, 2016
Date Ended: December 27, 2016
Date Written: December 21, 2016

"Papa" masayang salubong sa kanya ng kanyang anak ng makapasok siya sa kanilang bahay. Ibinuka naman niya ang kanyang dalawang kamay at tsaka siya tumingkayad para mayakap siya nito.

"Papa, ate don't want to play with Patrick." Nakalabing sumbong sa kanya ng kanyang anak na lalaki. Si Patrick Richard Montreal. Pagkalipas ng isang buwan silang makalipat sa mansiyon ni Donya Ines na kanila na ngayon ay tsaka pa lang nila nalaman na magtatatlong buwan na palang buntis si Tricia. Nang bilangin nila ang buwan kung kailan nabuo si Patrick ay ito ang mga panahong nagpa Batangas sila, tuwang-tuwa pa nga noon si Ethan dahil unang beses pa lang daw nilang dalawa pagkalipas ng tatlong taon ay nakabuo na daw agad sila.

"And why is that?" Binuhat na ni Ethan amg anak. Ganito lagi ang salubong nito sa kanya tuwing darating siya ng bahay, laging isinusumbong ang ate niya na inaaway daw siya kuno.

"Eh kasi, lagi mong sinisira ang mga toys mo and you always made me fix it. I am tired doing the same thing at the same time." Sagot naman ng kanyang si Entice mula sa kanilang likod. Nang lingunin niya ito ay nakapamewang ito sa kanilang dalawa. Nginitian niya ang kanyang anak na babae. Alam niya kasi ang nararamdaman nito dahil ganun din ang pinapagawa sa kanya ni Patrick pag silang dalawa ang magkalaro.

Ang bilis lang ng panahon, noong iwan siya noon ni Tricia ay iisang taon pa lang ito, nang bumalik ito ay tatlong taon na. Ngayon ay sampung taon na ito ngayon at natututo na itong maglagay ng polbo sa mukha na hindi naman nito hilig. Natatakot siyang baka may nagugustuhan na ang kanyang anak. Hindi yata aiya makakapayag doon. Papayagan niya lang itong magkaboyfriend pag tumungtong na ito sa ika-tatlumpong taon nito. Hindi niya lubusang maisip na mag-aasawa na agad ang kanyang panganay na babae.

Napansin naman niyang dinidilaan ni Patrick ang kanyang ate. Sinaway niya ito.

"Baby, what mama and papa told you?" Mahinahon na tanong niya dito.

"But papa--"

"Patrick?" Tiningnan niya ang anak. Nakatungo na ito ngayon. "Ate come here." Tawag niya sa panganay. Agad naman itong lumapit sa kanila. Kalong niya si Patrick habang naupo naman si Entice sa kaliwang tabi niya.

"What will you say to ate?"

"S-sorry ate." Tiningnan ni Patrick ang ate niya. Ngumiti si Entice at tsaka tumayo para yakapin si Patrick.

"You're forgiven, though I am not mad at you and I will never be because ate loves you, and mama and papa too." Malambing na wika nang kanyang anak. Napangiti naman siya dahil sa kalambingan nito.

Ganito naman palagi ang magkapatid, mag-aaway sa simpleng dahilan pero konting tampuhan lang naman at walang away na nagaganap. Kahit kailan ay hindi nila pinagbuhatan ng kamay ang kanilang anak dahil alam nilang hindi naman nakukuha sa dahas ang isang tao para sumunod ito sa iyo. Pinangangaralan lang nila ang kanilang anak. Pag nga nag pa-face the wall na si Tricia ay nangingiligid na agad ang luha ng mga ito. Iyon kasi ang punishment ng mga ito pag nagiging seryoso ng awayan at nagkakasakitan na, tulad na laang noong binato ni Patrick si Entice ng laruan niyang toy car at binato naman iyon pabalik ni Entice sa kapatid. Makalipas rin naman ng ilang oras ay nagsorry na ang dalawa sa isa't-isa. Pinagsabihan na rin nila ang dalawa, simula nokn ay iyon pa lang naman ang malalang away ng mga ito.

"The foods are ready." Napalingon sila sa pinanggalingan ng masayang boses na iyon.

There, his wife is standing gorgeously with his youngest child. Yes! May kasunod na si Patrick pero nasa tiyan pa lang iyon ni Tricia at apat na buwan pa lang iyon.

Ibinaba niya si Patrick. Inakay naman ni Entice ang kapatid papalapit sa kanilang ina habang ai Ethan naman ay nauunang lumapit kay Tricia at mabini niyang hinalikan ang asawa.

"Hi there beautiful, I've missed you." Niyakap ni Ethan ang asawa sa bewang, hindi na nga lang ganokng kahigpit at kalapit dahil sa nakaumbok nitong tiyan sa pagitan nila.

Bumungisngis si Tricia kay Ethan. Muli niyang hinalikan sa labi ang asawa. Nanggigigil kasi siya dito. Sa tingin niya ay pinaglilihihan niya si Ethan.

"Pinaglilihihan mo ba ako?" Mababakas ang pilyong ngiti sa tanong ni Ethan.

"Maybe. I can't get enough of your lips, love." Pilyang sagot naman ni Tricia na ikinatawa nilang dalawa.

"Can we eat now?" Tanong ng inosenteng boses ni Patrick. Napatingin dito si Tricia at Ethan. Nakasimangot na ang anak, marahil ay gutom na nga ito.

Binuhat naman ni Ethan si Patrick at tsaka naman hinawakan ang kamay ni Entice at sa kabilang kamay naman ni Entice ay si Tricia. Sabay-sabay nilang tinungo ang komedor.

Nang makaupo na sila ay nagdasal na si Entice.

"Papa Jesus, thank you po sa blessing na aming natanggap, dito po sa mga pagkaing nakahayin sa aming harap. Bigyan mo pa po ng lakas si mama para maalagaan pa po kami ni Patrick at ng kapatid po naming nasa tiyan ni mama. Sana po maging healthy si baby. Bigyan mo rin po nang lakas si papa para marami pa po siyang matulungan. In the name of jesus, amen." Napangiti si Tricia sa anak. Pinalaki nila ang mga anak ng may takot sa diyos. Hindi lumalampas ang linggo na hindi sila nakakapagsimba, kung hindi sila nakasimba ng umaga ay sa hapon naman sila.

At totoo na hanggang ngayon ay mayor pa rin si Ethan ng San Isidro. Hindi niya hinadlangan ito noon, pero nangako pa fin sa kanya si Ethan na huling termino na raw niya ito at ifofocus na lang nito ang atensiyon sa kanila ng kanilang mga anak at ang hacienda na lang nila ang papamunuan nito. Okay lang naman sa kanya kung ipagpatuloy pa ni Ethan ang mayor, nauunawaan na niya ito ngayon pero si Ethan na mismo ang pumili na tapusin na lang ang termino.

Sa ngayon, masaya siya dahil sa muli ay nabuo ang kaniyang pamilya. She didn't expect it will happen six years ago, akala niya ay forever na silang magkakahiwalay ni Ethan.

Wal nga pala sadyang forever!

Este, meron. Merong forever! She will be forever Mrs. Ethan Richard Montreal and they will live happily ever after.


The end.

CharDawn: The MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon