Chapter 4: Invisible

13.6K 390 24
                                    


Sienna Astra's POV

"That was a good battle, but sorry about what happened." tuwang tuwa na sinabi ni Luke. I secretly rolled my eyes.

Damn it, my body hurts.

Sa ngayon, nasa loob kami ng isang room na puno ng healing capsule. Sad to say, wounds lang ang sinabi ni Miss Lea na pwedeng namin ipagaling that's why dama ko parin ang sakit ng katawan ko.

"Yeah." pumikit nalang ako at pilit kinalimutan ang nangyari kanina. I lost but hindi yon ang iniisip ko.

"Luke, manahimik ka nga muna." Saway ni Cret. Wala namang nanalo sa laban nila ni Zero dahil pinatigil ng lalaki ang buong laban.

Kesyo ang rason daw ng lahat ay ang palabasin ang kapangyarihan ko.

Obviously, ang pinalalabas nya'y walang kwenta ang lahat dahil wala namang nangyari. I even almost got myself killed.

"Nahiya naman ako sa reyna sige mananahimik na pooo." Pang-aasar nyang sinagot kay Cret.

"Ano sabi mo?" Now she's mad.

"Wala, wala!!" inosente naman nyang sagot. At ayun, Nagsimula na naman silang magtalo. Katatapos lang nilang magtalo about sino ang gagamit sa healing capsule na nasa tabi ng refrigerator tapos ito na naman. Isang araw pa nga lang ako dito ang dami na agad nangyari. I wanna go home, I don't feel like staying here any longer.

Naisip ko na naman yung nangyari sa last battle. It was a battle between Luke and I, Cret and Zero.

Maayos kong tinatalo ang mga level 2 hound monsters ni Luke ng makita ko ang mga mata nito. Hindi ko malaman kung ano ang nangyari sa katawan ko. Naalala ko ang mata ng mga lalaking nakamaskera na yon sa mata ng mga hound.

Predator, dangerous, power greedy.

Hindi ko alam kung bakit. Nawala ang focus ko sa pag atake at sakto namang nawalan din ng control si Luke sa mga alagad nya.

Hindi ito sumusunod kay Luke na bumalik na sa pinanggalingan nila. It was about to tackle me, but someone saved my freaking life. It was Zero who killed it.

Pero naiinis ako sa sinabi nya after nya akong iligtas. One word, one freaking annoying word. And no one in my god damn life had someone call me that.

'Stupid'

I know what he meant by that word. Sino ba naman kasi ang matinong taong hahayaan ang isang nakakamatay na halimaw na umatake sayo at gutay gutayin ka? Well it was just me. Freaking me. Stupidity got real.

Tinignan ko naman ang mga sugat na natamo ko. Unting-unti na silang sumasara at nawawala. Buti nalang hindi mag-iiwan ng peklat 'to. Tinignan ko din ang mga kasama ko, natahimik na kasi sila Cret at Luke. Dinadama nalang ang pagkawala ng natamong sugat. Tulog na din si Cress, napailing ako sa naisip na sya ang unang nakapagpahinga pero sya ata ang pinaka pagod. I wonder kung ano pa ang ginawa nya ngayong araw bukod sa training.

Tumingin tingin ako sa paligid ng hindi ko napansin si Zero. He left without a word.

That bastard.

-

Cressida Emery's POV

I was thinking, paano nya ko natalo without using any ability or spell. Well enhanced ang mga galaw nya which is the very imporant phase you'll need in able to gain control over your power. Kaso wala naman syang kahit na anong pinakita.

I'm not upset nor mad dahil natalo ako ng isang non-mage. Minaliit ko sya kaya maliit na kakayahan lamang ang pinakita ko. Tama lang yon para maipakita na hindi sya basta-basta. She didn't use any magic but she's good at fighting.

Magian Academia: the Sorceress of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon