Chapter 58: The Recruit Duo

5.6K 123 8
                                    

Cretania Emory's POV

Ngayon namin makikilala ang mga magsasanay sa amin. We are the school major protectors, kaya naman alam kong hindi biro ang magiging guro namin. Sinabi ng aming mentor na magkita-kita kaming lahag sa usual training ground ng Generals' team, kaya doon kaming lahat dumeretso. Hindi ko alam pero may halong kaba at excitement ang nararamdaman ko.

Dahil ba sa maraming pagbabago ang maaring mangyari pagkatapos nito? Or dahil iba ang type ng pagsasanay namin.

"Is everyone here?" Ms. Lea asked. Tumango naman kaming lahat bilang sagot. "Okay, here are your trainers."

Apat na naka training gears ang lumabas. Lahat ay nakasuot ng maskara. Halatang tinatago ang kanilang itsura. Mayroong tatlong babae at isang lalaki. Lahat sila ay medyo pamilyar ang presensya at pigura.

"First group, Cretania Emory Brulette and Luke Kiran Hemswitt. This way please." paninimula ni Mr. Thayer. Pumunta naman kami ni ilong sa gilid nilang dalawa ni Ms. Lea. "Second group, Cressida Emery Brulette and Oberon Spencer Arden." Tinuro naman nya ang pwesto ng dalawang babae.

"And lastly, Sienna Astra Serena and Zero Alexei Hayes." Miss Lea continued. Expected na namin kung sino-sino ang magkakagrupo. Sabi kasi by synchronization, alam naman nating lahat kung sino ang match ng isa't isa.

Pinuntahan naman agad ng dalawa ang natitirang dalawang magsasanay. 

Wait, so does that mean—

"Face reveal!" Miss Lea announced. Pagkatapos noon, tinanggal ng apat na nakamaskara ang takip sa kanilang mukha. Hindi namin inaasahan ang makikita namin kaya naman lahat kami'y nagpakita ng iba't ibang reaksyon.

"Mom?" my twin and I asked in unison. I couldn't believe she'll be one of the trainers. Like what in the world?!

"Mom/lola?" sabay naman na tanong nila Zero at Sienna.

"Master?" bigla namang sigaw ni Luke. "Ay he-he sorry wala akong kamag-anak dito."

Hindi ko mapigilang hindi mapailing sa kalokohan ng kapartner ko.


"From now on, I'm courting you."


Erase!!!

Damn it. Move on, Cret! No way he was serious.

"Alam kong may idea na kayo pero just for clarification, kami ni Mr. Thayer ang makakasama nyong magsanay." biglang nagsalita si Miss Lea kaya nabalik ang konsentrasyon ko. Tama Cretania. Focus. Ngayon ang simula ng matindihang pagsasanay nyo, don't worry about stuffs na hindi naman dapat problemahin.

  — 

"You control them, Cress. You're the one who are supposed to control your own magic, not the other way around!" pag-uulit ni Mr. Thayer. Sya kaya dito sa posisyon ko ano?

"Sir, tinatry ko naman eh!" sigaw ko pabalik. Kailangan namin magsigawan dahil sa lakas ng pinapakawalan kong hangin. Nagteleport sya papalapit sa akin. His gleaming eyes were full of seriousness.

It was different from the joker side of him.

"No, you are not. And don't try! Do it, Cretania. Do it! You're the daughter of Visca-Brulette couple. two of the Masters of light. Shame to even think about this pero hindi mo pa nama-master ang lakas ng kapangyarihan mo. Hindi mo pinupush ng husto ang sarili mo." aray Sir, natamaan ako ah. "Yang mga yan..." sabay turo ng nagbabagyong lugar, "..... hindi lang yan ang kaya ng kapangyarihan mo, Cretania. You can bring the calamity itself, not just a mere storm."

Napakamot naman ako ng ulo. "Concentrate, Cretania. Show me what a brulette descendant can do."

I centralized all my power together, thinking about my main objective. Naramdaman ko naman ang tuluyang pag-iba ng buhok ko. Kung dati nasa dulo lang ang puti nito, buong buhok ko'y puti na. You won't even think my hair was originally red. Not even a highlight of red can be seen. 

Magian Academia: the Sorceress of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon