Chapter 36: The Portal

7.9K 221 20
                                    


Third Person's Point Of View:




Sa pagkatalo ng kanilang kalaban, nakuha nila ang limang perlas na kakailanganin para marating ang nawawalang portal. Nung makuha na nila ang sapat na lakas, dali silang lumabas sa tore ng mga memorya.

"Is she gonna be okay?" tanong ni Cret kay Zero. Halata ang pag-aalala sa mga mata nito.

"This is Sienna we're talking about, of course she'll be fine." sagot ng binata. Kahit na alam nyang matagal pa bago magising ang dalaga— dulot na rin ng pag-abuso sa natitirang lakas—malakas parin ang tiwala nya na makakasama pa ito sa kanila sa pagpunta sa mundo ng mga mortal. Nanatili namang tahimik si Luke habang buhat ang walang malay na si Cress. Mukhang malalim ang iniisip na bihirang mangyari.

"What are you thinking?' tanong ni Cret sa kaibigan. Tumingin ito ng seryoso sa kanya na nakapagpabigla sa dalaga. Bihira umakto ng ganito ang binata. Hindi nya mapigilang hindi mabahala.

"Hindi ko kasi ma-gets yung nangyari kanina." sagot nito sabay na ngumuso. Napa-facepalm nalang sila Zero at Cret. Buong akala nila'y may silbi ang lalim ng pag-iisip nito.

"Hintayin mo nalang kasi si Sienna, she can retrieve or show you the missing pieces of your previous events. Pati na din yung mga hindi mo na kita by casting the Universal Mind Contact spell." tugon ni Zero.

Tumingin sila sa naiwang tore. Unti-unti na itong nabubuo sa dati nitong itsura. Parang kahit anong sira ba nito'y babalik at babalik ulit sa dati ang itsura nito. 

Nung makarating na sila sa lugar na may sapat na distansya mula sa tore, napagpasyahan nilang magpahinga muna.

Dahan-dahang inilipag ng mga binata ang mga pasan nila sa damuhan. Inihawi naman ni Zero ang buhok na nakaharang sa maamong mukha ni Sienna.

With his remaining ethernano, he cast a spell to ease her pain and tiredness. Inaamin nya, kilala ang grupo nila biglang pinakamalakas sa henerasyon nila ngayon sa eskwelahan pero meron pa ding may mas malakas sa kanila. May mga tao paring kaya silang timbangan. Kulang pa ang kanilang nalalaman patungkol sa tunay nilang kapangyarihan. Without Sienna's amazing ability and bravery, they would have been defeated or worse, dead.

Tsamba o hindi pero natitiyak nya na poprotektahan nya sa susunod ang dalagang nasa harap nya.

Tumingin sya sa langit na puno ng mga bituin. Umiilaw ang mga ito na parang nakikisabay sa pagpapahinga ng kanilang tagapangalaga.

Sienna never failed to amaze him just by showing how different she is. Araw-araw iba't ibang bagay ang nadidiskubre nya. Kahit minsan na natatakot ang mga kasama nya sa lakas nito dahil na rin sa bago palang ito sa lahat, ni minsan hindi nya naramdamang iba ito. Unang kilala palang nya dito, naging interesado na sya dito. Parang may kung anong gayuma ang buong pagkatao nito. Hindi mo maiiwasang kilalanin ng husto.

Tinignan nya ang mga natutulog nya ng mga kasama. Ngumiti ang binata at humiga sa tabi ng babaeng handa nyang bantayan at protektahan. A single thought made him chuckle.

"Even if she's obviously getting stronger than you."

Huminga ito ng malalim at ginawang unan ang mga braso habang nakatingin sa mga tala.

"Nababaliw na ata ako. It's not my obligation to protect her at all times, but my instinct tell me that I have too." he thought. And plus, he knows that his instinct never lie to him.

Magian Academia: the Sorceress of the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon