Sebastian Arcilla

38 1 0
                                    

(Picture of Sebastian)

Aelly Pov

"Please?"

=_____=

"Pleaseeee"

Umiling ulit ako. Tae kasi! Binigyan lang ng chance ang kulit na! Argh! Dapat pala hindi ko nalang binigyan ng chance tong mokong nato.

"Please"
Nag-puppy eyes pa oh!
Esssh. Nagpupumilit kasi siya na magditch nalang kami ng class. Tinatamad daw kasi siya mag-aral. Lalo na kapag Math ang subject.

Mental Abuse To Human daw kasi. Pfft. If I know iba ang dahilan niya.

"I just want to be with you" mahina niyang bulong pero rinig na rinig naman.

Inirapan ko lang siya saka nakinig ulit ng lecture sa Science. Hindi ko ba alam kung maiinis o matatawa ako sa mga kinikilos niya ngayon. Para kasing bata na hindi nakuha ang gusto niya eh. Iyong tipong nagpapadyak siya ng paa niya sabay sipa sa harap.
Haha. Parang timang lang.

Busy ako sa pagsusulat ng bigla akong kalabitin ng kaklase ko sa likod.
Humarap ako sa kanya in mataray way.

"What?" Iritado kong tanong. Who the hell is he para kalabitin ako ng ganun ganun lang?

"Hindi ko alam ang ngalan mo, so can I just call you mine?" he smiled.

Napatigil ako at napatitig sa kanya ng ilang minuto. Tinaasan ko siya ng kilay. Walang hiya tong mokong na'to sino ba siya para kausapin ako?

Psh. Kakairita. Gwapo nga siya mapangloko naman-- base na rin sa mga ngiti niya.

"Tch. The name is Aelly not mine" sabi ko saka siya inirapan.

"Tsk. Maldita. Hindi naman kagandahan"
Napantig ang tenga ko sa sinabi niya.

Tang ina! Ako hindi maganda? Aba! Siraulo to ah! Halos lahat ata sinasabihan ako ng diyosa tapos siya? Psh.

Agad ko siyang nilingon.

"Excuse me? Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganyan?"

"Huh? Pfft. FYI miss, hindi ikaw 'yun. Siya ang sinasabihan ko at hindi ikaw" sabi niya saka tinuro iyong babae sa magazine.

Okay, medyo napahiya ako dun.

"Actually, ang ganda mo nga eh"

Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik na sa ginagawa ko. Baka kasi masampolan ko siya ng pagka- AellyBitch ko e and I don't have much time with these shits.

Sakto naman ang pag-bell at natapos ko na rin ang pinapakopya sa amin ni Sir.

Kukunin ko na sana ang libro na nahulog sa sahig ngunit may kamay na nag-abot sa akin neto.

Siya na naman pala.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan sa pagkakahulog mo?"

Kumunot ang noo ko sa tinanong niya. Nakasinghot ba ang isang 'to? Tangek eh. Iyong libro kasi ang nalaglag bakit sa akin siya nakatingin?
Tumingin ako sa libro na hawak niya saka ito hinablot. Bastos din 'tong libro eh. Siya ata ang tinatanong eh.

Inalog-alog ko ito baka sakaling magsalita.

"Sumagot ka nga Tinatanong ka eh!" bulong ko sa libro.

"What are you doing?" Tanong niya.

"Can't you see? Pinapasagot ko ang libro para sa'yo"

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon