Aelly Pov
Nakakapagtaka kung bakit pa ako nabubuhay kung kukunin lang rin naman pala sa akin ang lahat. Ang tanga ko lang kasi litong-lito na ako, hilong-hilo na ako sa gulong ng buhay.
It is so frustating.. Sino ba ang dapat kong sisihin? Ang author ng buhay? Ang mundo? Ang tadhana? O ang sarili ko?
Unang kwento, isip bata, may malaking pagkagusto sa isang lalaki, meroong kaibigan na ahas, pinagtripan ang damdamin, lampa, ginawang basura tapos biglang papasok 'tong Kuya magpapaka-superman. Niyaya ang kapatid maghiganti, pagkatapos ng isang taon, bumalik sa nakaraan, inakalang magtatagunpay, nalamang may amnesia ang lalaki, nagalit, pinaunawa ng Kuya na mas masaya ang ganung sitwasyon, naging malapit sa lalaki, bigla ulit tumibok ng mabilis ang puso, umalis ang Kuya, naging malapit na magkaibigan ang bida at lalaki, nakaramdam ulit ng pamilyar na damdamin, dumating ang dating kababata, nakadiskobre ng maraming bagay na abo sa nakaraan, aksidenteng nasali sa underground fight, natalo, niligtas ng gang ng lalaki, ginawang prinsesa, nakiaway sa bakla, hinabol sa gubat, sinubukang iligtas ang lalaki, inakalang tapos na ang lahat.. hindi pa pala at ngayon nama'y . . .
Hindi ko alam kung papaano.. sisimulan ulit ang buhay. I thought I was mature enough but no, I was acting like a child again. Revenge? Is for weaklings. Forgiveness? Is for strong ones.
I want to conquer all my past not to play with them. Napagisip-isip ko na ang pagpapatawad ay isang maliit na salita na nagpapabago ng maraming bagay. Gusto kong baguhin ang maraming bagay na iyon at gusto kong maramdaman ang kapayapaan kaya magpapakumbaba nalang ako. I will forgive Xenon and I will forget my revenge.Makikisabay nalang ako sa agos ng buhay. Siguro, kahit papaano pwedeng akong magsimula sa mga yan. Pagpapatawad.
"I won't forgive myself" Wayne
"Wag mo na rin patawarin sarili ko brad"
Jim"Wala na. Tibag na ang grupo" Mick
"Sira na" Kim
"Putanginang mga pulang serpents yan. Nangugulo, hindi naman inaano diyan!" Drake
"Kalma, babe" Mick
"Gago! Pangit! Lumayo ka sa akin" Drake
"Sinong pangit, ha?!" Mick
Nagpaikot ikot ang tingin ko sa kanilang lahat. Para silang mga volleyball players na nagpapapasahan ng mga salita. Hindi maubusan ng mga sasabihin. Talo pa ata kaming mga babae.
Pero, mas okay ng ganito. Kapag maingay sila, gumagaan ang atmosphere, nakakalimutan ko ang nangyari.. kahit papaano.
"Kamusta na kaya siya?" Tanong nila sabay-sabay.
Biglang tumahimik ang palagid at tanging mga ingay ng mga sasakyan at mga taong naguusap ang naririnig namin.
Napatingala nalang ako sa langit. Hindi ko masasagot ang tanong na iyan. Walang nakakaalam kung kamusta na siya. Pero sana.."Ayos lang kaya siya?"
Tanong nila ulit. Pero this time nakatingin na sila sa akin."Ano?" Tanong ko.
"Ayos lang kaya siya?"
"Malay"
(´ー`)
Bakit ako ang tinatanong nila? Kasasabi ko lang na walang nakakaalam eh."Alam niyo. Para mas madali, puntahan nalang natin siya. Kanina pa dapat tayo umalis dito sa harap ng Jollibee kaso nagdrama pa kayo! Pwe. Babakla niyo" pagmamaktol ni Jin
"Guys. Let's go. Si Jin na ang bahala diyan." Sabi ko saka tumayo. Dirediretso kaming pumasok ng van at naiwan si Jin bitbit bitbit ang mga takeout foods.
Demanding kasi.. alam ko rin namang namimiss niya ang boss niya ayaw niya lang aminin.
Taas ng pride eh.
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge
Teen FictionAelly Quinn Salvador-- certified immature/childish freak na lubos na minamahal si Xenon Han isang certified gangster/MVP/Heartthrob-- na walang ginawa kundi ipamukha sa kanya na hinding hindi niya ito mamahalin at wala siyang balak kilalanin ito. N...