Clue

19 1 0
                                    

Aelly Pov
"Wag ka nga kasing lalayo!" Bulyaw sa akin ni Seb na may kasamang batok.

"Eh. Sa may nakita nga kasi ako!"

"Tangna. Ang tigas talaga ng ulo mo. Tsk. Dito ka lang sa tabi ko at wag kang gagawa ng ingay. Pwede ba?" Malumanay niyang tanong.

I rolled my eyes and nod.
Psh. Pasalamat siya mabait ako.
Narito kami ngayon sa school. Nagpatulong ako sa kanya para malaman kung ano ang kinalaman ni Daime. Remember last last day? Pumunta ako mag-isa dito then nakita ko si Daime nakaluhod.

Sinadya ko talaga na hanapin na lang ang mga clues kesa naman sabihin sa akin ni Sebastian. Baka hindi ako maniwala.

"We're here"
Sabi niya saka nilabas ang susi ng Principal's Office na dinekwat namin sa faculty room kanina.

Binuksan niya ito at sabay kaming pumasok sa loob.

Nagsimula akong maghanap sa desk ng Principal siya naman ay sa cabinet.

Napakamot ako ng ulo. Bakit wala ang class records dito? Noong mga nakaraang taon. Saan ka--

"Found it!"
Nilingon ko siya saka nilapitan.

"Patingin"

2014-2015
Section A

Iyan ang nakasulat sa labas ng folder. Binuksan namin ito at hinanap ang pangalan ni Daime.

"OH. MY. GOSH" mahina kong sabi.
Bakit puro bagsak ang grades niya? And dami pang I.N.C. Pero bakit ang sabi ng Principal dati, siya ang pinakamatalino dito sa campus?
What the ef--

"Parang alam ko na"

Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

He was about to open his mouth when we heard footsteps.
Oh no.
-------

Mabilis niyang naibalik ang folder sa cabinet saka ako hinila patago sa corner ng room. Bale, pareho kami ni Seb na nakadikit ang likod sa dingding.

Narinig namin ang mga mabibigat na hakbang. I sniffed when I realize na madami sila.
Nag-sign naman si Seb na wag maingay.

"Boss, maya na po"

"Alam ko" sabi ng Principal. Alam ko dahil malambot at may kaartehan ang boses. In short, bakla.

"Boss. Saan ang broom box dito? May lupa oh. Galing ata sa sapatos"

Pinandilatan ko ng mata si Seb. Leche. Halatang hindi nagpagpag ng sapatos niya. Ngumuso siya na parang may tinuturo.
Hinanap ko kung ano iyon.

Oh shit! Katabi lang namin ang broom box! Sheda! Papalapit na ang mga hakbang at pabilis ng pabilis din ang pintig ng puso ko.

*ring
"Ano?-- start na?-- ah papunta na kami" sabi ng baklang principal.

"Alis na tayo! Wag kanang magwalis!"

Mga ilang minuto lang ay narinig naming umalis na ang sasakyan nila.
Nakahinga kami ng maluwag.

Marahan kong hinarap si Basti.
"Oh my gosh. May kinalaman iyong principal! Maybe! Siya rin ang master na tinatawag nila Daime!"

"*smirk* malapit ka na sa katotohanan. But not too close"

"Ano?" Iritado kong tanong.

"Hindi siya ang master. May mas master pa sa master na master"

Parang umikot ang ulo ko sa sinabi niya pero inintindi
ko ito ng mabuti.

Master-- Principal ang master ng Pricipal-- iyong nakita kong tinatawag ni Daime na master. Ang pinakamaster-- unknown.
Leche. Nakakalito.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon