Chapter 3: Bestfriends' Talk

116 5 0
                                    



CASSIE'S POV

o_-

o_o

O_o

HALA! Where am I? Kaninong kwarto 'to? AAAAAHHH!! Pero pamilyar naman. Gulo diba? XD

Bumangon ako at AWW--xkxjddhhffh.. Ang sakit ng ulo ko. Why why why Delilah? Pilit kong inaalala ang maaaring naging sanhi ng pagsakit ng ulo ko.

Maryosep! Wala talaga akong maalala eh. Napalibot ang tingin ko sa kwarto. Pambabae to eh. Pa'no ba ako napunta dito?

Maya-maya ay dahan-dahang bumukas ang pintuan at....


O_O

Napatulala ako ng matunghayan kung sino ang nasa pintuan. Nakakatakot, nakakakaba at nakakanerbyos. Sino siya?

Hawak-hawak ng kanang kamay niyang naka-itim na gwantes ang isang matulis na kutsilyo. Nakasuot siya ng black mascara at gayun na din ang damit niya, all black. Oh nooooo!!

Dahan-dahan siyang naglakad papunta dito sa'kin.

Gosh!!! Katapusan ko na ba? Huhuhu 'wag naman po sana. Kakagising ko palang eh. Ayan na mga 2 meters nalang siguro ang layo niya mula sa'kin. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Malapit na ayan na! Di ako malagaw, punyeta!

Bigla niyang hinawakan ang leeg ko at tinutukan ako nung matulis na kutsilyo na parang kanta lang ni Rihanna 'shine bright like a diamond'. WAAAH!! Nataranta ako at...

*DOOGSSS*

Sinipa ko lang naman yung ari niya. BWAHAHA score ko. Wooohoo! Napaluhod siya. Pero agad naman siyang nakatayo. WAAAHH! Bigla niya akong itinulak na kinadahilanan ng pagkatumba ko sa kama. At mabilis niyang tinakpan ang mukha ko ng unan. Di ako makahinga WAAAHH... at unti-unti akong nanghina.

*BLANK*

Pero syempre, imagination ko lang yun. HEHEHE. Epekto siguro 'to ng kinakain kong krimstix, imagination mo ang limit. Masarap kasi eh. Sorry na, ganito kasi ako mahilig mag-imagine lalo na 'pag bagong gising. Epekto na din siguro 'to ng kahiligan ko sa panonood ng action movies. XD.

Nanatili pa din akong nakahiga at nakatingin sa kisame. Hayy. Biglang may kumatok sa pintuan. Nakaramdam ako ng kaba. Magkakatotoo ba talaga yung imagination ko? Hayssh! Ang saklap pa naman no'n.

Kusa nalang itong bumukas ng dahan-dahan. Huhuhu. Makapigil-hininga akong naghintay.

Haayy! Para akong nabunutan ng tinik ng tumambad ang isang bulto ng babae na hawak-hawak ang tray na may pagkain. Wow! Pagkain *_*. Sakto gutom na'ko sobra!

Lumapit siya sa'kin. Inilagay niya ang tray sa mesa na malapit lang sa kama at umupo sa tabi ko. Nakaupo na din ako sa kama.

Inirapan niya lang ako. Hmm! Suplada ah. Di man lang ako binati ng GOOD MORNING!. Psh. Tusukin ko kaya mata niya ng karayom. Pero, 'wag na baka di niya 'ko pakainin BWAHAHA.

"Good morning ^_^." Maligayang bati ko. Ayan ah! Binasag ko na ang katahimikang bumalot sa buong kwarto.

Di siya sumagot sa halip ay inirapan pa din ako. Aba! Nakakadalawa na 'to ah. Last na lang talaga tutusukin ko na mata niya ng kutsilyo. Diba nag-level-up? Karayom to kutsilyo. LOL! Ano ba problema nito? Umagang-umaga nakasimangot. -__- Anubayan.

"Hoy! Anong drama mo, aber?" Pagtataray ko. Nagkibit-balikat lang ako.

Umirap na naman siya. Naku! Pangatlo na talaga. Grrrr!! Buti nalang marunong akong magbigay ng second chance or third chance na nga ata. Kaya di ko muna tutusukin mata niya.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon