Chapter 22: Party

31 2 0
                                    


CASSIE'S POV

"Anak sigurado ka na bang kaya mo na?"

"Yes manang, magaling na po ako ^_^"

Napabuntong-hininga nalang si Manang Fe at kalaunan ay ngumiti din. Ramdam ko ang pag-aalala niya pero magaling na ako, kanina ko pa iyan sinasabi sa kanya. 

Tatlong araw na ang nakalipas mula nung nagkasakit ako. Tatlong araw din akong nakahiga lang sa kama nun iba talaga 'pag inaatake ako ng lagnat. Buti nalang at sa mga panahong iyon ay todo alaga sa akin si manang. I'm so lucky to have her.

"What do you think manang, bagay ba?" Sabi ko sabay ikot sa sarili ko na animo'y parang prinsesa lang.

Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi at tumango lang siya. Para pa siyang naluluha.

"Is there something wrong manang?" I suddenly asked.

"Wala anak." Tugon niya sabay punas sa luhang umagos sa kanyang mga pisngi. Umiiyak nga siya pero bakit? Mas lalo akong nag-alala.

Tinabihan ko siya sa pagkakaupo sa kama. I caressed her back and she faced me.

"Naalala ko lang ang ina mo. Manang-mana ka talaga sa kanya."

Bahagya akong napangiwi sa sinabi niya. Ba't nasali pa si mommy sa usapan? Ngumiti nalang ako at tumayo.

"Manang, 'wag ka ng umiyak baka pati tuloy ako maluha din eh. Sira beauty ko niyan."

Tumawa siya ng mahina. "Palabiro ka talagang bata ka. O siya halika na at ihahatid na kita hanggang doon sa baba."

Sabay kaming lumabas ni Manang sa kwarto ko habang ang isa kong kamay ay nakakabet sa braso niya.


--------

"Nandito na po tayo ma'am."

Nabaling ang tuon ko kay manong. Napasulyap naman ako sa bintana ng kotse at natunghayang nakarating na pala kami dito sa tapat ng gymnasium.

Di ko na nga siguro namalayan kasi busy ako sa pag-contact kay Sam. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hanggang ngayon wala pa ding sumasagot.

Nagpaalam na ako kay manong Kolas na sunduin nalang ako mamaya pagkatapos ng event na aattenan ko ngayong gabi.

Maayos na ang lagay ni manong Kolas at laking pasasalamat ko na wala siyang malubhang sugat na natamo.

Nakababa na ako ng kotse at nakaalis na din si manong pero nanatili pa din akong nakatayo dito sa harap ng school gymnasium.

Sa labas pa lang ay rinig na rinig na ang malakas na tugtog ng musika. Naiingganyo tuloy akong sumayaw kasabay sa beat ng music.

Ipinasok ko muna ang phone sa loob ng pouch na bitbit ko. Huminga muna ako ng malalim. Unti-unti ko ng inihakbang ang aking mga paa papasok sa loob.

Tatlong araw na din akong absent sa Intramurals namin pero no worries sa attendance, anak naman ako ng may-ari HAHAHA. Saka nagkasakit ako nun kaya exempted ako. Lels~~

Nang makapasok ako ay bumungad sa akin ang sari-saring mga tingin ng bawat taong nadadaanan ko.

Simpleng make-up nga lang tutok na pa'no pa kaya kung binoggahan pa? Echos.

Kinawayan ko nalang sila at nagpatuloy sa paglakad sa red carpet. Napakasosyal ng dating ng event. Syempre ngayong gabi ang 'Victory Party'. Na-eexcite tuloy akong malaman kung sino ang over-all champion.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon