Chapter 19: To The Rescue

33 1 0
                                    




CASSIE'S POV



Krinnggg...kringggg...kringgg...


Kinakapa-kapa ko ang phone na nakalagay sa side table. Nanatili pa ding nakapikit ang mga mata ko at nakadapa sa kama. Itinapat ko ito sa tainga ko at naidilat ko naman ng biglaan ang dalawa kong mata. Na-realize kong alarm clock lang pala ╯﹏╰. Sakit tuloy ng tainga ko.


Wala sa sariling in-off ko ito. Napatingin ako at 8:00AM pa pala. Yeah eight o'clock in the morning.



ⓞ__ⓞ


O to the M to the G! I'm super lateeeee! Supposedly I'll be in school at exactly 7:00. Hayssh *kamot sa magulong buhok*.


Hindi na'ko nagpatumpik-tumpik pa at agad na bumangon. Spell R-U-S-H H-O-U-R. Huhuhu ginagawa ko na ang best ko para mapabilis ang pagpe-prepare sa sarili ko.


After a couple of years XD I'm done. I immediately go downstairs. I'm just wearing black pants and plain white shirt paired by a black leather doll shoes.

Nagpaalam na'ko kay Manang at sinabing doon nalang ako sa cafeteria kakain. Gutom na gutom ako pero titiisin ko nalang. Di kasi ako kumain kagabi dahil nakatulog lang naman daw akong hinatid kagabi. Second day na pala ngayon ng Intramurals.


Habang nagbabyahe naisipan kong i-check muna ang phone ko. Hindi ako mapakali sapagkat wala man lang akong nakapang phone sa bag ko. Posibleng naiwan ko dahil na rin sa pagmamadali. Tsk nagpakawala nalang ako ng buntong hininga. Sakto namang biglaang paghinto ng kotse.


Anubayan grabeng maka-break itong si manong Kolas. Nagulat nalang ako ng makitang may nakaharang pala sa daan. Apat na lalaking nakatayo at ang aangas ng dating kala mo naman napakagwapo nilang tingnan. Yak! Para na nga silang skeleton. Bagay silang maging model ng skeletal system XD.


Tsk. Nagmamadali pa naman ako. Ano bang trip ng mga 'to? Aish! Di ako nakatiis at bumaba ako ng kotse. Pinigilan pa ako ni manong pero di talaga ako nagpapigil. Matapang kong hinarap ang mga lalaking ngayo'y ang lagkit ng tingin sa akin. Pwee!


"Uy! Mga pre pamilyar 'to sa akin eh." Sabi nung lalaking naka-bonnet na may mga tattoo sa braso sabay turo sa akin.


"Wag mong sabihing isa 'to sa mga babae mo? Wow! Naka-jackpot ka pare ah." Sabat nung isa niyang kasama.


Pinagsasabi nila. Psh. Okay ako naman. At dahil ako si Kaye Cassandra Martel hindi pwedeng tumunganga nalang. Huminga ako ng malalim, inilagay ang dalawang kamay sa may bewang at itinaas ng bongga ang isang kilay. Lumapit ako ng kaunti sa may bandang headlight ng kotse.

I gave them a sarcastic smile. "Guys, can you please don't block the way. We're in a hurry."


"Woooo! Amerikana pala ito. "


I rolled my eyes beautifully. Stupid! Porket nag-English amerikana agad? "You know what? Wala akong oras makipagag*han!" Di ko na napigiling magsalita ng bad word.

"Sabi ko na nga ba eh! Siya nga 'yung isang babae sa bar." Ngising sambit ni Mr. Bonnet. Ganito talaga ako 'pag hindi ko alam ang pangalan ng isang tao tinatawag ko sila sa ibang pangalan. Or let's say ako nalang mismong bumibinyag sa kanila. Lels~~ Wala naman akong time na alamin pa ang mga pangalan ng mga taong di naman importante. Psh.

Mas lalong uminit ang ulo ko. Nababad na nga ako sa araw ang tigas pa ng ulo ng mga lalaking 'to. Ano bang gagawin sa mga 'to para tuluyan ng mawala sa paningin ko. Ah can anybody help me? Tsk. Sipain ko kaya? Pero mukhang di ko naman ata kaya kasi apat sila.


Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon