DRAKE'S POV
"But in one condition." I said then smirked.
Let's see kung sinong di makakatanggi ngayon.
"H-huh? Ba't may condition condition pa?" Reklamo niya.
"Because I want to."
"Aish. Anubayan. Pag-iisipan ko muna."
"Okay then give me that tupper." I smiled a bit.
Nag-isip muna siya. Tch di nalang ibigay.
"Tell me what's the condition first." She smiled.
-__- Ayaw niya ding patalo.
"Ayoko."
"Ah bahala ka di ko 'to ibibigay sa'yong masasarap na cupcake." She said in a sad tone and pertaining to the tupper held by her left hand. Tch di bagay sa kanya.
"Well, okay. Binabawi ko na din 'yung pag-oo ko kanina." Sabi ko at paalis na nang humarang na naman siya. Itinaas ko lang ang dalawang kilay ko.
Nag-aalangan pa siyang magsalita. "S-sige...sige na nga! Uh!." At inabot niya ang tupper. Syempre tinanggap ko 'yun.
Saktong-sakto nagutom ako kaka-practice kanina. Pero mamaya ko na kakainin 'to. Ibinalik ko na ang tingin sa kanya.
"Ano na?"
I smirked. "Trick." Then lumiko ako ng direksyon at mabilis na tumakbo HAHAHA. Di nag-iisip ang babaeng 'yun.
CASSIE'S POV
Naiwan akong nakatunganga dito. How could he....arrrgghh. Nakakainis na talaga siya. Kunti nalang sisipain ko na talaga 'yung lalaking 'yun.
Kaw din naman Cassie. Agad kang nagtiwala. Tuloy naisahan ka. T__T
Walang gana akong naglakad. I dunno saan ako pupunta. Di nalang muna ako papasok sa next subject ko. Nakakawalang gana ngayong araw dahil sa bwisit na si Drakecula. Punyeta siya!
"Hey KC!"
Patuloy pa din ako sa paglakad. Hahaay.
"Huy! Ano ba? Buti naabutan din kita. Uh ba't biyernes santo yang pagmumukha mo?" Tanong niya at inakbayan ako.
"Epic yung plano." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan.
"Ay! Bakit?" Nasa tono niya ang pagkadismaya.
Ikinuwento ko lahat sa kanya. Halos masira na ang mukha niya sa kakakunot ng noo, salubong ng kilay at pag-nguso.
Nakaupo na kami ngayon dito sa bench.
"Binigay mo din kasi agad. Tsk tsk." Pailing-iling niyang sabi. Pushit uh! Sinisi pa talaga ako.
"Sarry okay sarry." Charooot ginaya ko lang si Steffi Cheon HAHAHAHA. "Malay ko ba namang 'yun ang mangyayari." Tugon ko at napabuntong-hininga nalang. "Nga pala, pa'no mo nalamang gusto niya 'yung cupcake? Kasi kung nakita mo lang 'yung pagmumukha niya kanina halatang nagke-crave siya do'n." Biglang tanong ko.
Nagulat pa ata siya sa tanong ko. "Ah of course KC tatanggapin niya talaga 'yun kasi gutom 'yun. Kaya gusto niya 'yung cupcake." Pahayag niya.
Hmmm? Ang labo ng sagot niya.
"Saka! Hello ano ka ba? Syempre grasya 'yun kaya tatanggapin talaga." Pahabol niya.
Tumango nalang ako. Maya-maya ay may tumunog. Napatingin naman ako kay Sam. Magkatabi kami ngayon. Phone niya pala tumutunog.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch
Novela JuvenilDalawang taong hindi magkasundo ano kaya ang kahahantungan ng kanilang alitan? Isang bitch na si Kaye Cassandra Martel at isang bad boy na nagngangalang Ethan Drake Lee.