DRAKE'S POV
Hindi ko mapigilang magmura sa isipan ko. That woman is...tch. Bumaba ako ng kotse at naglakad papasok sa Wild Bar.
Naabutan ko sina Torres, Leyson, Rivero at syempre ang may-ari nitong bar, ang malanding si Martino. Nakatambay lang sila dito sa pribadong puwesto namin at umupo na ako sa upuan ko.
"Yow Drake."
"Woooh, buti naman napadaan."
"May problema ata 'to."
"Tsk tsk ang panget mo na tuloy, o."
Sabay-sabay nilang bungad sa akin. -___-
"Anong problema Drake?" Tinapik ako ni Torres.
"Nagkita kami ni--"
"Ni KC?" Hindi man lang ako pinatapos nitong si Rivero at talagang pinaalala na naman niya sa akin ang babaeng 'yan tch.
"Sinong KC?"-Martino.
"Ah ako lang pala at si Sam ang tumatawag sa kanya." Rivero murmured. "Ganito kasi, si KC at Cassie ay iisa."
"Oh, the beautiful Cassie I've met." Sabat ni Martino.
"Lahat naman ng nakilala mong babae Martino, eh maganda sa paningin mo." Dagdag pa ni Rivero.
Walang emosyon akong nakatanaw kay Martino at Rivero. Napansin naman ng dalawa kaya tumahimik agad sila.
I let out a heavy sigh. "It's Blake."
"Ah." Alanganin nilang reaksyon.
"Ganon talaga, may mga taong nagpaparamdam ulit pagkalipas ng matagal-tagal na panahon."
Nalipat ang atensyon naming lahat sa nagsalita at syempre nagmumula iyon sa bibig ni Hugot King.
"Teka, ang laswa ng mga tingin niyo." Daldal ni Leyson. "Aray!"
Binatukan siya ni Martino. "Tumahimik ka hugotin ko yang mukha mo eh. Drake, sige na ituloy mo na ang istorya. Ano ba kasi nangyari?" Nakangising bumaling sa akin si Martino.
"Hindi ko alam kung anong pinaplano niya but he's being with..., that Cassie."
"Huh? Uy di pwedeng ganon." Rivero reacted.
"Woah! Chill ka lang Justin. Hmmm, nagseselos ka noh? Hahaha." Martino teased.
"Hoy! Tumigil na nga kayong dalawa, ipag-untog ko kayo diyan." Sermon ni Torres. "Drake, he's here."
Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy ni Torres. Sakto namang pagtingin niya dito sa puwesto namin.
"You two really need to talk pero chill lang Drake, it's still Blake." Torres sincerely adviced. Mabuti nalang talaga at matino siya mag-isip. I just nod as a reply.
"Alis na kami. Take your time." Isinama niya ang tatlo at nagpupumiglas pa ang mga ito.
"Dito lang muna ako."-Rivero.
"Tsk, sasayaw tayo." Wala ng nagawa ang tatlo dahil nahila na sila ni Torres.
-----
"Nakakamiss 'tong ganito." Biglang sabi ni Blake pagkatapos tinungga ang kanyang beer.
Magkaharap kami ngayong nakaupo habang nakahawak sa kanya-kanyang bote ng alak.
Ininom niya ang natitirang alak. "Pa'no ba 'yan nauna kong ubusin 'to." Pagtukoy niya sa boteng hawak niya. "Hanggang ngayon ikaw pa rin nahuhuli sa 'ting dalawa." Tumawa siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch
Fiksi RemajaDalawang taong hindi magkasundo ano kaya ang kahahantungan ng kanilang alitan? Isang bitch na si Kaye Cassandra Martel at isang bad boy na nagngangalang Ethan Drake Lee.