SAM'S POV
Kakababa ko lang ng kotse. Inihatid lang ako nung driver namin. Pa'no ba naman kasi eh hanggang ngayon di pa din ako pinapayagan ng parents ko na mag-drive. Hayssh.
Tuesday nga pala ngayon, Monday kahapon at bukas ay Wednesday HAHAHA. Kahapon half-day lang akong nakapasok sa klase ko kasi nga diba kahapon ng umaga nag-chika-chika kami ng bongga nung bestprend ko which is tuluyan ng hindi pumasok buong araw. Siguradong liliit grades nun. Hmm! Di talaga tumulad sa'kin. XD.
Walking alone lang ang scene ko ngayon papasok ng school. Di kami sabay ni KC kasi ewan sa kanya. Tinawagan ko siya ng maaga kanina at sinabing sabay na kami, eh pambihira sinabihan lang ako ng 'mauna ka na lang antok much pa'ko--call ended'. Pero di naman ako nagtatampo noh. I understand her painom-inom kasi, ayan! Di nakaya hanggang ngayon hangover pa.
"Hi ate Sam."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Doon nakita ko sa left side ko na naroon ang isang babaeng nakatayo at nakangiti sa akin. Pero hello! Di ko naman siya kilala eh.
Nakapang-HRM uniform siya malamang estudyante rin siya dito. Aha! Kung sa bagay kilala naman talaga ako dito sa campus kasi naman yung pamilya ng bestprend ko ang nagmamay-ari nitong school. Oh diba? HEHEHE.
Kumaway lang ako at nginitian siya saka dumiretso ng lakad. Di sa rude ako pero may klase pa ko eh at super nagmamadali talaga ako.
-------
Matapos ang mahabang oras ng klase ay lumabas na agad ako. Lunch time na kaya naisipan kong pumunta nalang sa cafeteria. Doon nalang ako kakain. Malapit lang naman ang cafeteria kaya madali lang akong nakarating.
Pumasok nako sa loob at um-order na. Buti nalang di mahaba yung pila. At dahil sa sobrang nagutom ako ay marami-rami talaga ang in-order ko. Umupo na ako dito sa bakanteng pwesto ng table dito sa may gilid. Nagsimula na akong kumain.
"Ano ba! Are you blind? Bwisit!"
"Oo nga nadumihan mo pa yung skirt niya. Ang clumsy mo naman!"
"S-sorry po....sorry po talaga. Di ko naman po sinasadya eh."
Napaangat ang tingin ko sa sigawang iyon malapit sa may entrance. Nginunguya ang kinakain kong burger. Ang sarap talaga yum.yum...
Balik tayo at yun nga nakita ko ang dalawang babae na sinisigawan yung isang babae na hawak-hawak yung tray na walang laman at napatingin ako sa sahig nando'n yung mga in-order niya ata natapon. Nabangga siguro. Tsk tsk.
"You will pay for this clumsy!"
"Oo nga! Pagbabayaran mo 'to clumsy!"
Anubayan. Gaya-gaya lang yung isa. Tinagalog lang eh. Teka, napansin ko na yung babaeng sinisigawan nila eh yun yung babaeng bumati sa'kin kaninang umaga. Tanda niyo pa?
Nagulat ako nang biglang binuhusan nung reddish hair na girl yung babae ng drinks na dala-dala niya. Nabasa ang blouse nung girl. What the funky! Nag-eeskandalo 'tong mga 'to eh. Napatingin ako sa paligid at 'yun nga pinapanood rin nila 'yung scene. Aish! Naawa ako do'n sa girl medyo mangiyak-ngiyak na siya. Ikaw ba naman ipahiya sa maraming tao.
"HAHAHA 'yan ang bagay sa'yo clumsy!" Pagmamataray nung kontrabidang babaeng reddish ang hair. Ay! Mukha siyang ewan sa buhok niya eh. Di bagay! At ayun tawa sila ng tawa nung kasama niya.
Pigilan niyo 'ko! Kasi di na talaga ako makapagpigil eh. Sobra na eh. Mga pasaway na babae. Psh! Tatayo na sana ako ng may babaeng biglang pumasok.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch
Подростковая литератураDalawang taong hindi magkasundo ano kaya ang kahahantungan ng kanilang alitan? Isang bitch na si Kaye Cassandra Martel at isang bad boy na nagngangalang Ethan Drake Lee.