CASSIE'S POV
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty!
Matapos kong bilangin ang hakbang ko galing sa gate ng S.E.U (South East University) ay nakarating na din ako sa wakas dito sa room namin. Like Sam, di pa din ako pinapayagang mag-drive. Saka na daw pag nag-20 na ako. :3 Nasa harap na ako ng pintuan.
7:40 pa ng umaga. Kaya hindi ako late dahil mamaya pang 8:00 ang klase ko. Sinadya ko talagang maagang pumasok para man lang makabawi ako sa mga late ko and worst sa mga absent ko. Huhuhu pa'no nalang grades ko nito.
I sighed deeply. As I enter the room I flipped my hair to the left and to the right. Palmolive lang ang dating HAHAHA. Naabutan ko ang mga blockmates ko na ang gugulo. Palibhasa wala pang prof. Umupo na agad ako sa desk ko. Napatingin naman ako sa left side kung saan nakaupo si Tina, ka-seatmate ko na nakatingin din sa'kin. Nginitian ko lang siya.
By the way sa tagal ng pagpopoint of view ko eh di pa ko nakapagpapakilala. Hayssh. Okay I am Kaye Cassandra Martel. Cassie for short, 18 years old. Mataray ako sa mga taong dapat tarayan HAHAHA. Maganda of course. Naks! Proud na proud sa sarili. XD.
Anak ako ng nagmamay-ari ng school na ito. So pagmamay-ari ko na din HAHAHA. Mayaman kami kasi mga parents ko ay napaka-workaholic. Psh. Minsan nga nakakainis kasi mayaman nga kami sa pera pero di naman mayaman sa pamilya. Sa maniwala kayo o sa hindi di pa namin nata-try kumain sa hapag ng sabay at kompleto. =_= Kahit yun lang sana.
Okay proceed na tayo baka umiyak pa'ko ng dugo dito eh. Second year college na ako and taking Bachelor of Science and Business Administration (BSBA). 'Wag na kayo magtaka kasi kahit na ano pang kursong kunin ko pagkagraduate ko naman eh I'm sure na sa business world pa rin ang bagsak ko. Tsk tsk.
ECE yung kurso ni Sam. Kaya di kami magkaklase. Napagod ako sa kakadaldal kaya kinuha ko na lang yung phone ko na nasa bag. Makapag-selfie na nga lang.
*CLICK* CLICK* CLICK*
Three shots. Wow! I'm so gorgeous. Lalo na itong aegyo selca ko. Charooot! Habang tinitingnan ang selfie pics ko ay di nakaligtas ang background. Napakunot ako ng noo dahi sa isang lalaki ang nasa background. Hmm?
Agad ko namang inilingon ang tingin sa likuran ko--sa left side. And BOOM! Nakita ko si.........si Paulo Avelino!!!. Gosh! Ang hot niya. Nanlaki ang mata ko literally nang ma-realize kung imagination ko lang pala yun HEHEHE. Mabilis naman akong nakabalik sa real world.
口 口
Tina Ako
口 口
Him FrancisYang si Francis magkakilala kami niyan pero di as in close. Mataman ko pa ring tinitingnan ang lalaking nakayuko habang nagkakalikot ng phone niya. Tumayo ako sa pagkakaupo.
"Hey! Are you new here? Oh by the way I'm Kaye Cassandra, but call me Cassie and you are?" Pagpapakilala ko sa sarili ko sabay abot ko ng kamay sa kanya. Oh come on! I'm just being friendly here. XD.
Nag-angat naman siya ng tingin. And fairness may itsura naman. Ilang segundo ang lumipas ay no response nangangalay na nga ang kamay ko. Hmm! May lahi ba siyang yelo? Psh. Cold lang siyang nakatingin sa'kin.
"Are you pipi ba?"
Aba! No reply pa din. Myghad! Nakakahilo pagmumukha niya. Psh! Di ko na hinintay ang sasabihin niya. Tumalikod na ako at padabog na umupo sa upuan. As if namang magsasalita 'yung pipi na 'yun. Napansin ko namang nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Aduh! Inikot ko lang eyeballs ko. Beast mode ako ngayon dahil sa bastos na pipi na 'yun. Aish. Pormal akong nagpakilala tas ganon siya? Hahay ang sakit niya sa kilay.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch
Teen FictionDalawang taong hindi magkasundo ano kaya ang kahahantungan ng kanilang alitan? Isang bitch na si Kaye Cassandra Martel at isang bad boy na nagngangalang Ethan Drake Lee.