CASSIE'S POV
Another day na naman ang haharapin ko. But still I'm thankful ^_^. Narito ako ngayon sa may hallway. Palakad-lakad lang muna. Walang magawa eh HAHAHA.
Break pa kasi. Bigla nalang akong dinala ng mga paa ko dito. Naks! May isip na pala paa ngayon eh noh? Nakakapagdesisyon nalang basta-basta. HAHAHAHA.Eh si Sam nandon sa library nagre-research. Psh. Napaka-masigasig na bata. Di ko siya sinamahan kasi ano namang gagawin ko do'n? Di ko feel magbasa ng books. Psh. Nakakahilo. Mabo-bored lang ako, for sure. Saka isa pa bawal maingay do'n di ko pa man din makontrol 'tong bibig ko. Aish.
Umupo na muna ako dito sa may chair malapit lang din sa may gate. Nakakapagod kasi. Baka lumaki binti ko kakalakad. LOL! Di ko maiwasang mapatingin sa paligid. Napakunot naman ang maganda kong noo ng ma-spot-an ng dalawa kong mata ang mga babaeng nasa hallway.
Pamilyar 'tong dalawang babaeng 'to ah. Tama! Sila nga 'yung mga babaeng nakaalitan ko do'n sa cafeteria. And myghad! Mukhang nambu-bully na naman ata 'tong mga 'to eh. Pinagtutulungan na naman nila 'yung babae na parang freshman ang look tulad nung si Lucy. Base kasi sa naobserbahan ko.
Teka, musta na pala 'yung si Lucy eh noh? Na-miss ko rin 'yung batang 'yun. HEHEHE. Last time no'ng nagkita kami eh nung binully siya at pinahiram ko ng damit ko. Medyo matagal na nga. Isang linggo na rin ang nakakalipas.
Di nga ako nagkakamali. Ayan na naman sila. Tinapunan lang naman ng drinks ni reddish hair girl 'yung skirt ng babae. Tsk tsk. Galawang weak. Gagawa nga lang naman ng kalokohan o mga ganyan-ganyan, pinapahalata pa at sa eksperto pa talaga.
Tumayo ako at tinungo ang kinaroroonan nila. Hindi naman malayo ang puwesto nila mula sa akin kaya mabilis akong nakarating.
Nanlaki ang mata nila, literally. Myghad! May lahi ba silang kuwago?Psh. O di kaya'y sadyang nagulat sila sa kagandahan ko? Hayssh.
"Ikaw na naman?" React nung reddish hair girl. Tinaasan ko lang sila ng kilay. "Pakialamera ka talaga. Eeeww!"
"Oo nga, pakialamera ka." Sabat nung isa. Myghad! Palagi nalang siyang gaya-gaya. Pansin ko lang. Pansin niyo rin ba?
Inikot ko lang ang mata ko at tiningnan ang babaeng mangiyak-ngiyak na. Hayssh. Ba't ba kasi di sila matutong lumaban para sa sarili nila? Yumuko siya. Hinawakan ko ang wrist niya. Tumalikod na kami at humakbang na nang bigla na namang may nagsalita.
"Eeww. Bitch!"
Napangiti ako sa narinig ko. Binitawan ko ang kamay ng babae at dahan-dahang humarap sa dalawa. Hinahamon talaga ako ah. Pwes! Sige game!
Nagulat naman ang dalawa nang makaharap ako sa kanila.
"Pakiulit."-ako.
"B-bi...BITCH!" Lakas loob sabi nung reddish hair na girl.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. "Una, Cassie ang pangalan ko. Ngayon alam niyo na."
"What?! You mean, you're Kaye Cassandra Martel?" Tanong nung isa na halata ang pagkagulat.
Tumango lang ako. Nagkatinginan naman ang dalawa at agad din namang binalik ang tingin sa akin. "Pangalawa, oo BITCH ako! At alam ko 'yun. So don't you dare to mess up with me. Remember, I'm a bitch, but not the typical one."
BITCH. Yan ang palayaw ko dahil nga sa ugaling meron ako. Pero hindi ako pangkaraniwang bitch lang. I mean, I'm an upgraded bitch. HAHAHA meron bang ganon? Well, sa akin oo. Ibig kong sabihin di naman ako katulad ng ibang imma at warfreak na mga bitch. Isa akong bitch pero sabihin na nating the hearted one. Kasi kahit papano eh may puso pa naman din ako. Mataray lang ako sa mga masasamang loob. LOL!
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch
Novela JuvenilDalawang taong hindi magkasundo ano kaya ang kahahantungan ng kanilang alitan? Isang bitch na si Kaye Cassandra Martel at isang bad boy na nagngangalang Ethan Drake Lee.