Chapter 16: Who Are You?

37 1 0
                                    


CASSIE'S POV

Dalawang araw na ang lumipas mula nung huli kaming nagkausap at nagsama ni Drakecula do'n sa cemetery. ×__× Ang pangit ng term 'nagsama'. Mga six na kaming nakauwi nun kaya ano pa nga ba hinatid na naman niya 'ko. Di na din ako pumalag para wala ng gulong mangyari.

Tungkol naman do'n sa mga kaganapan ng araw na iyon di ko talaga inaasahan 'yun pala mangyayayri pramissss. Ayun ininterview namin 'yung isa't-isa. Pero nagulat talaga ako as in nung in-open up niya yung about sa Mommy niya. Tsk super tahimik nga lang ako nun habang nakikinig sa kanya. 

Beep...beep...beep..beep.

Busina ng isang kotse. Kanino ba 'yun? Imposibleng si Manong Driver syempre hinihintay niya lang ang signal ko 'pag aalis na kami. Eh sa kumakain pa nga ako. >\\\\<

Beep...beep...beep..beep.

Ay uy dahil sa nainis ako agad, ako nalang ang pupunta sa labas para malaman kung sino 'yung busina ng busina. Umagang-umaga eh ingay! Tatayo na sana ako para puntahan sa labas  kung sino yung nagbe-beep beep nang bigla namang tumunog ang phone ko na nakapatong sa lamesa. Hinablot ko ito at umayos sa pagkakaupo. Anubayan ang daming istorbo sa pagbebreakfast ko >__<.

Sinagot ko ang tawag na di man lang pinansin kung sino yung tumawag. Ah basta badtrip na'ko ngayong umaga.

[Hello. Asan ka na? Let's go. Male-late na tayo eh.]

I rolled my eyes absentmindedly. Quality pa lang ng voice alam na alam ko na.

"Nandito lang naman ako sa hapagkainan at kumakain ng payapa ng bigla na lang kayong nang-istorbo para tumawag at 'yung beep beep ng beep beep na kotse sa labas. Aish."

[Ay. He..he..he yung beep beep beep beep ba? Hehe actually kotse ko 'yun inutusan ko si manong driver ko na bumusina para naman ma-aware ka na nasa tapat na'ko ng mansyon niyo. Eh sa dahil ang tagal mong lumabas kaya eto tinawagan na kita.]

Napapoker face nalang ako. Ibinaba ko ang phone at tiningnan ang oras 7:15AM. Inilapat ko ito ulit sa tainga ko.

"Ano bang meron at nagmamadali ka? Saka heller mamayang 8:30 pa klase ko."

[Psh. Aattend tayo ng flag ceremony huuy.]

What? Teka anong araw ba ngayon? Uh oh Monday nga pala. Tuwing Monday kasi may flag ceremony exclusive for us, mga business chuchu ang course.

Ginaganap lang din naman sa tapat ng building namin. Ganon din kina Sam, CEIT department. Sa ibang college department di ko alam kung ganon din ba sa kanila. Ayokong mangi-alam sa buhay nila. Charoot :-P

"Oo na, wait lang. Hintayin mo nalang ako." Wala sa mood kong tugon at pinatay na ang tawag.

Napatutok ako sa pagkain ko. Sakto namang pagdating ni Manang Fe, isa sa mga maid namin na siya ring pinagkakatiwalaan dito sa mansyon. Matagal na kaya siyang nagsisilbi sa amin nung 3 years old pa lang daw ako sabi nina Mommy at Daddy. Buti pa nga si Manang andyan palagi para sa'kin samantalang sila palaging busy. Tanggap ko na mas mahalaga pa ang business nila kesa sa'kin. >.<

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon