Chapter 25: It's Over

11 1 0
                                    

CASSIE'S POV

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito mag-isa sa pandalawahang table. Nandito kami sa isang fast food, si Blake ang nagdesisyon na dito kami. Treat daw niya, sinabihan ko namang huwag na pero mapilit siya kaya hinayaan ko nalang.

Naroon sa counter si Blake umoorder. Tanaw lang naman mula dito ang kinaroroonan ni Blake. Hindi ko na naman tuloy mapigilang mapatutok sa kanya.

Bukod sa gwapo na, ang ganda pa ng katawan niya mwehehe. Saka magaan ang loob ko sa kanya kasi cool siya. Uy masyado ko na ata siyang pinagpapantasyahan. Baka makahalata siya, nakakahiya naman hmmp.

Sa kakaisip ko ay mabuti nalang may naalala ako. Tumayo ako kaagad at pumunta sa counter. Naabutan ko pang nagpapacute ang isang cashier na umaasikaso kay Blake asooos. Binalewala ko nalang at tinapik si Blake. Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti.

"Ah Blake."

"Hmm?"

"Gusto kong halo-halo." ^_^

"Okay."

Nagulat nalang ako nang biglang dumapo ang kamay niya sa balikat ko. Waaaaa inakbayan niya ko shems! Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtutok nung cashier sa akin. Uy pa'no ba 'yan ate? Ako ang nagwagi eh! HAHAHAHA. Ayun nag-iwas nalang siya ng tingin.

"May idadagdag ka pa?" Nakangiti niyang tanong. Nakatingala ako sa kanya and ooooh ayan na naman ang pamatay niyang smile.
 

"Cassie."

"Huh? A-ah wala na." Sagot ko habang umiiling. Naku! Natutulala na naman ako. Hoy tumigil ka self huh? Dapat behave lang aish.

Pagkatapos naming mag-order ay agad na kaming bumalik sa table namin. Nakaupo na kaming dalawa ni Blake at nakalatag na ang mga pagkain sa mesa.

"Ooops wait."

Nagtaka naman siya sa inakto ko ngumisi lang ako at kinuha ko ang aking phone at syempre I took a selfie with Blake ehem. Agad kong inopen ang messenger ko and tadaaaa I posted it on my day. And then, I put back my phone on my bag.

"Okay let's eat na." I smiled.

"Yeah."

Panay ang kuwentohan namin ni Blake. Grabe medyo may pagkamadaldal din pala 'to pero nakakagoodvibes din naman.

"Maiba ako Cassie, matagal na ba kayo ni Drake?" Bigla siyang naging seryoso.

*choked*

Nabulunan lang naman ako habang kumakain ng halo-halo. Siya, tapos ng kumain. Inabutan niya agad ako ng tubig at ininom ko. Sunod ay tissue.

"Hoy anong klaseng tanong 'yan?!" Di makapaniwalang tugon ko.

Naramdaman ko namang iilan sa mga taong narito ay napalingon dito sa puwesto namin. Sorna talaga nabigla lang.

"Bakit? Di ba kayo naman?"

"Blake, sa'n mo ba nakalap ang fake news na 'yan? Huh?" Nag-abot na ang dalawang kilay ko pero wala na'kong pakialam kung ano na itsura ko.

Eh, sa hindi na'ko nacoconscious kay Blake. Ewan ang bilis gumaan ng loob ko sa kanya. Ganon din naman siya, sobrang daldal.

"Pero he said--, never mind. Akala ko lang pala 'yun. Sorry."

"Okay lang at least now you know."

"Teka, how come lagi kayong magkasama. Magbesfriends kayo?"

O, hindi pa pala siya tapos. "Anong bestriends? Eh hindi nga kami friends. Hindi ko bet pag-uugali non." Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. "Alam mo kasi ganito 'yun, labag man sa kalooban ko pero naging personal assistant niya ko. Ang saklap diba?" 

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon