Chapter 23: Drunk

54 1 1
                                    




DRAKE'S POV

Nakatutok lang ako sa daan habang nagmamaneho. I'm heading now to the bar 'coz I just want to drink. Hindi naman ako naaaliw sa party doon. Tch.

*BOOOGSSH*

Naihinto ko agad ang kotse at napatingin sa right side ko. Naikurba ko ang aking kilay at nanlisik ang mga mata.

Ano bang problema niya at bigla nalang hinampas ng malakas ang balikat ko? -__-

"Tch. What's your problem?" I irritatedly asked. 

Nagsimula ng mag-usok ang ilong niya. Di ko tuloy mapigilang ngumisi. Para bang nakakakiliti ang mukha niyang 'yan. Ang panget kasi. XD

"Problema ko? IKAW! Aish! Pa'no ako napunta dito?" Napahawak siya sa sentido niya. "Uh huh, naalala ko na ikaw yung nagtakip sa'kin ng panyo kanina noh? Kahit kelan nakakainis ka talaga!" Sabay hampas niya sa balikat ko. "Pa'no kung tuluyan akong nawalan ng hininga kanina at namatay, huh?"

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay upang magtigil na siya sa paghampas sa'kin.

"Pasalamat ka binuhay pa kita." Binitiwan ko na ang mga kamay niya.

"So may plano ka talagang patayin ako? Pwess! 'Wag kang mag-alala may plano din akong multuhin ka. Echosero 'to." Then she rolled her eyes. Tch mga babae talaga.

I didn't react instead I restarted the car's engine and continue driving.

"Uy wait! Wait!..."

Agad akong nagpreno. Tsk, ano ba 'tong babaeng 'to nakakagulat. Ang sakit sa tainga 'yang boses niya.

I lazily looked at her and gave her a dangerous stare.

"Ah...bababa na ako."

Pinaningkitan ko siya ng mata. Sira ulo ata siya.

"Bak...baka may masama kang balak. Mabuti na 'yung sigurado. Psh."

Bubuksan na sana niya ang pinto at mabuti nalang at agad kong naagaw ang handle nito.

I gulped as I realized na sobrang lapit na pala ng mukha namin pero agad naman niya akong itinulak palayo kaya nauntog ako sa rearview mirror tch.

Hinihimas-himas ko ang ulo ko baka magsanhi pa ito ng bukol ang lakas pa naman ng pagkauntog ko pero di naman nabasag yung salamin.

At ang babaeng 'yun tuluyan ngang bumaba. Tch, bahala siya masyadong maarte. 'Kala mo naman papatulan ko siya. Nagpatuloy na'ko sa pagda-drive.

CASSIE'S POV

Haysssh! Kainis uh kanina pa 'ko nilalamok dito. Saang lugar na ba kasi ito?  Medyo madilim pa naman.

Humanda talaga 'yung Drakecula na 'yun sa'kin 'pag nagkita kami ulit. Naku! Pero sana 'wag na pero imposibleng hindi kami magkita papaano blockmates nga kami eh. Urrrgh.

Palakad-lakad lang ako, eh sa wala namang nadadaang taxi dito. Kainis talaga! Wala pa'kong dalang cellphone. Super malas naman uh.

*Beep* Beep*

Ay jusko naman! Nakakagulat.

⊙.⊙

Sasakyan. Aba't di ko man lang namalayan nasa gilid ko na pala nakahinto.

Unti-unti namang bumaba yung bintana ng kotse at doon nasilayan ko ang isang mala-adones na pagmumukha ng lalaking nakasuot ng matamis niyang ngiti.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon