Chapter 21: Rain

61 1 0
                                    



CASSIE'S POV

Pagkapasok na pagkapasok ko sa main entrance ng CBIT hall ay bumungad agad ang bulto ng isang lalaking prenteng nakaupo sa arm chair habang nakapinta ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

"Anong kailangan mo, BOSS?!" Irita kong sabi. Pagkasabi ko nun ay unti-unting kumurba ang kanyang labi.

Tumayo siya at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Naaasiwa ako sa ngisi niyang 'yan.

Sinulyapan ko siya saglit at nakalapit na nga siya, nakatayo sa harapan ko. Iniwas ko ulit ang aking tingin.

"HAHAHAHA!"

Tanging tawa lang niya ang bumalot sa buong hall. Kami lang din kasi ang tao dito ngayon.

Nakakapanibago kasi first time kong narinig na humagalpak siya ng tawa. Minsan lang nga 'yan ngumisi para bang mahal ang bawat ngiti niya.

Nakatutok ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano bang nakakatawa sa sinabi ko huh?"

Tumigil na siya sa pagtawa at seryosong-seryoso na ang mukha niya. Tingnan mo nga uh bipolar. Tsk tsk.

He cleared his throat and let out a sigh. "Walang nakakatawa sa sinabi mo."

Eh ganon naman pala. Baliw na ata siya tumatawa ng walang nakakatawang dahilan.

"Pffftt..yung mukha mo kasi ang nakakatawa, hahahaha..."

Uh! Nailagay ko ang aking dalawang kamay sa may bewang at masama siyang tiningnan.

"Nakapagsalita ang mukhang unggoy!"

He stopped laughing instead he gave me his death glare. Nah! Hindi naman ako nasindak.

"What did you say?"

"Never mind." I smiled beautifully.

"Tch."

Inikot ko ang aking eyeballs. "Ano nga ba kasi ang kailangan mo?"

"You."

()_()

Iling-iling. Pinagsasabi nito? Psh.

"Sumagot ka nga ng maayos, aish!"

"Are you deaf? I said you. I need you, I need your help." He said coldly. "But I think I shouldn't ask for it 'coz you're my personal assistant right? So you will do whatever I said. *smirk*" He concluded.

Haaay panlaban na naman niya yang P.A-P.A na 'yan . "Uh bakit ba?"

"Let's go. I'll explain it to you later 'coz we're running out of time."

Di na ako nakapalag dahil nauna na niyang hilahin ang wrist ko. -.-

Mabilis kaming nakarating dito sa *tingin sa labas* mall. Medyo hinihingal pa ako. Halos atakihin ako dahil sa bilis ng takbo ng kotse.

Ang walang preno kung makapagdrive na mokong na'to di man lang inisip ang kaligtasan ng taong nakasakay sa kotseng minamaneho niya. Arrrgh.

Hinahaplos-haplos ko ang bandang dibdib ko para tuluyan akong kumalma dahil kung hindi baka masakal ko siya ng wala sa oras.

Tatanungin ko sana siya kung anong gagawin niya dito sa mall at kailangan pa akong isama para namang wala siyang sariling kaalaman. Pero sa kasamaang-palad ay kanina pa pala siya nakababa ng kotse at kitang-kita ng dalawa kong mata ang paglalakad niya papasok ng mall.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon