Chapter 27: Happy Blake Day

9 1 0
                                    

DRAKE'S POV

Isang linggo na ang nakalipas mula nong pag-uusap namin ni Blake at mula din non sumasama na siya sa tropa. Mas lalong kumulit at sumaya dahil nga sa kompleto na ulit kami.

"HAPPY BEERDAY BROOOOO!"

Bati namin sa nagdidiwang na si Blake. Narito kami malapit sa pool area nila. Nakaupo kami at pabilog ang mesa. May nakalatag na pagkain at hard drinks.

Today is his birthday at syempre imbitado lahat ng tropa. Higit sa lahat may kanya-kanya dapat kaming mensahe para sa birthday celebrant.

"Blake, ah...thank you for being a good friend. Hahaha ayoko na nababakla ako." Reklamo ni Smith.

"Tsk tsk. O sya ako na nga lang. Ehem, bro I wish for your happiness and good health." Mendez sincerely said.

"Wooo." Hiyaw namin.

"Happy birthday again Blake. Now you're really back, hoping for more tagay hahaha at syempre more more pagkain hehehe." It's David.

"I second the motion." Domingo raised his right hand. "You know that I'm always here for you bro." Nag-flying kiss pa ito tch.

"Hahay ampanget mo Sean! Yow Blake, bro stay gwapo like me. Hmm stay mabait like me and of course stay humble like--"

"Sos! Pabida ka na naman Louis Juan Rodriguez!" Suway ni Marquez.

"Hoy! Ano bang problema mo sa pangalan ko Mark DaveVIL Marquez? Huh? Huh?!" Sabay tayo ni Rodriguez at akmang susuntukin si Marquez.

"Hoy! Hoy!"

Nagulat nalang kami nang biglang nagyakapan ang dalawa. Tch, masanay na kayo sa kabaliwan nitong mga kaibigan kong ewan basta wala na'kong masabi.

"Tigilan niyo na nga 'yan ang sakit niyo sa mata. Haaaaysh!"

"Oo nga sige proceed na tayo. Kaninong torno na ba?"

Itinaas ni Marco ang kanyang kanang kamay. "Bro, wala akong masabi pero nasabi ko na."

kruu kruu kruu~~

Ayan na naman siya sa mga salita niya. Tch, intindihin niyo nalang si Marco. Sa aming lahat siya talaga ang ganyan.
=____=

"Waaa, wala talagang pinagbago. That's Eric hahahaha." Blake amazingly said while clapping.

"Oo naman sanay na tayo diyan kay Eric hahahaha."

"Eric Marco 'yan eh." Halos sabay-sabay nilang sambit.

"Maraming salamat Eric, sobrang na-touch talaga ako brad." Pailing-iling na sabi ni Blake.

Si Marco? Wala pa ring emosyon ang pagmumukha habang tumatango-tango.

"Hoy bro!"

Napabaling kami sa sumigaw and it's Leyson. Sinamaan ni Leyson ng tingin si Blake. Para siyang batang inagawan ng laruan. "Wag ka ng basta-basta umalis ulit ah? Tsk wag ka ng mang-iwan 'di kaya madaling maiwan."

Well, Hugot King be like.

"Sos namiss mo lang ako hahaha". Binara lang siya ni Blake hahaha.

Ang ibig sabihin ni Leyson ay ang nangyari two years ago, umalis din papuntang ibang bansa si Blake kasama si Liv.

Inakbayan ni Torres si Leyson habang tinapik-tapik ang balikat nito. " It's okay now Francis. Kalma lang kalma hahaha. Hey Blake, I was relieved knowing that you and Drake are already in good terms. Happy birthday again."

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon