Chapter 14: Signing of Contract

40 1 0
                                    



CASSIE'S POV

"Okay dismiss."

Agad kong inayos ang mga gamit ko at ipinasok na sa shoulder bag ko. Vacant ko na hanggang 12:00. Napatingin naman ako sa wrist watch ko 10:30 na pala.

Dinukot ko naman ang black pouch ko na nasa loob din ng bag ko. Binuksan ko ito at kinuha ang face powder at nilagyan ng kaunti ang mukha. Naglagay din ako ng kunting pink lipstick saka di ko naman masyadong kinapalan. Nagsuklay na din ako ng buhok. Smile kaunti oh ayan! Ibinalik ko na ang mga gamit sa bag ko.

Napadako naman ang tingin ko kay Tina. Nakaupo pa din siya sa seat niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. 

I smiled and ask. "Maganda na ba?"

She just nodded. "Always naman." Pahabol niya. Charoot. Naniniwala ako sa kanya di naman siya sinungaling. HAHAHA.

"Thanks. Mamaya nalang reward mo." I said as I chuckled.

"Eh sa'n ba punta mo? Bihis na bihis ka eh. I mean nagpaganda ka pa eh di na naman talaga kailangan kasi napakaganda mo na ^_^."

Bola-bola? HAHAHA woooy pero totoo kaya sinabi niya. Diba? Diba? Pero napaisip ako saan nga ba talaga ako pupunta? Eh ang sa pagkakaalam ko....kikitain ko lang naman 'yung si Drakecula sa may rooftop at dahil vacant ko na nga ngayon ay dapat pumunta na siguro ako.

But speaking of him. Di siya pumasok sa klase kanina. Anyare do'n? HALA! Baka kanina pa ata naghihintay 'yun. Charoot naman.

"Ah ge mauna nako Tina huh? Bye." Dali-dali akong lumabas. Di ko na tuloy nasagot ng maayos 'yung tanong ni Tina. Ang rude ko. Tsk.

Pagkatapos ay lumiko na ako sa may kanan naroon kasi ang hagdan papuntang rooftop nitong building. Nakakahingal. Pero time out nga muna. Ba't ba ako nagmamadali? Parang ang excited ko tuloy na makita 'yung Drakecula na 'yun. Syempre yay! Okay chillax ka lang Cassie kasi maganda ka. HAHAHA.

Matapos ang nakakapagod na pag-akyat ko dito sa rooftop ay nakarating din ako. Haysh pinagpawisan tuloy ako. Buti nalang may dala akong panyo. Sa susunod ma-suggest nga na palagyan ng elevator dito. Sige magandang ideya. XD.

Nagpatuloy ako sa paglakad habang pinupunasan ang noo ko. Inilibot ko ang tingin sa paligid pero wala man lang anino ng isang Drakecula dito. Hayssh siguro kanina pa siya tapos nainip kaya umalis na lang.

Nakaramdam ako ng pangangalay sa binti kaya tumungo ako may mga arm chair kasi doon. Naupo na ako.

Lumipas ang sampung minuto wala pa din siya. Hayssh di kaya madaling maghintay diba? Diba? I feel bored so I decided na umalis na lang. Tumayo na ako at naglakad na. Psh. Paasa siya.

Pababa na'ko ng hagdan nang may biglang tumunog. Ay! Phone ko ata. BTS song ^_^. Huminto ako at dinukot sa bag ang phone.

0912******* Calling....

Napakunot ang noo ko kasi unregistered number lang ang tumawag. Sino naman kaya 'to? Sinagot ko nalang ang tawag.

[Hey.]

"Yeah yow! Who you?" Tanong ko na may halong biro. Sino ba kasi 'to?

[The most handsome in the world.]

-__-

[Kidding.*laugh* Its me Drake.]

"Uuwi na'ko." Diretsong sabi ko.

[Tch. Wait me there. I'm coming.]

*toot*toot*

I put the phone on my pocket. Bumalik na lang ako sa may mga arm chair at umupo. Nilibot ko ng tingin itong rooftop. Nakakarelax dito ngayon lang kasi ako nakaakyat dito. Di kasi ako masyadong nagagala dito sa campus o kahit sa business building. Minsan lang. Sa susunod maidala nga dito si Sam. 

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon